HAYAAN MONG MAGING MASAYA ANG BESTFRIEND MO
Sa ating dalawa, ikaw ang mas madaming manliligaw. Nakakanggit din minsan, pero totoo akong kaibigan kaya hindi ko kayang mainggit.
Lahat ng crush ko, crush ka.
Ansakit diba?
Tinitiis ko nalang lahat ng sakit kahit ang puso ko'y madudurog na!
Ang sakit, NAPAKASAKIT.
Gusto sana kitang kausapin at sabihin na...
"Bes, wag mo namang angkinin lahat"
Pero natatakot ako....
Nagkagusto na naman ako sa isang lalaki kahit na alam kong hindi sya mapapasakin.
Hanggang sa isang araw....
Nalaman kong ikaw pala ay kanyang nililigawan.
Nadurog na naman ang aking puso sa hindi mabilang na pagkakataon.
Pano? Pano mo nagawa lahat ng yon?
Ang hirap! Ang hirap magtiis lalo na't alam mong nasasaktan ka na.
Alam nating dalawa na gusto ko sya at gusto mo rin sya. Pero ako ang nauna.
Pero ba't ganon?
Ikaw lang ang kanyang napansin?
Para akong alalay mo na nakadikit sayo.
Isang araw...
Nalaman kong....
"Bes kami na"
Hindi ko alam pero gusto ko nalang magpakamatay sa narinig ko mula sa labi mo na napakaganda at dahil don ay madami lang naakit.
Bakit?!
Kailangan kong ngumiti kahit nasasaktan ako, kailangan kong mag kiligin sainyo kahit alam kong gusto ko na ako ang mahal nya.
Para walang problema, ay sinubukan ko syang kalimutan sa puso ko at sa utak ko.
Kailangan kong maging masaya para sa inyo.
Hayaan mong maging masaya ang bestfriend mo.
YOU ARE READING
Unspoken Rules
Teen FictionBabala: Tibayan mo ang iyong puso kapag ito'y binabasa mo.