Wag kang mainlove sa ka M.U mo.
Ano ba tayo?
Ano ba talaga tayo?
Lagi nalang may bumabagabag sa isip ko na tayo na, pero hindi naman pala talaga.
Lagi tayong magma holding hands, sinusubuan mo ako ng pagkain, inaakbayan mo ako. Sinasabi mo na maganda ako. Pero alam nating dalawa na wala lang yon.
Minsan, napapaisip nalang ako kung meron nga ba talaga tayo. Kasi ayun ang nararamdaman ko, pero iba ang nararamdaman mo. Masakit man isipin pero totoo.
Kampante ako pagkasama kita. Tuwing sabado ay magkasama tayo, manonood tayong dalawa ng movie at sabay kakain sa paboritong restaurant.
Kung tutuusin, dinaig pa natin ang magsyota.
Andaming nagtatanong.
"Ano na ba kayo?"
Ano na nga ba tayo?
Akala ko, akala ko may feelings ka na para sa akin, pero mali ako. Binihag mo ako sa iyong pambobola at mga diskarte.
Hanggang isang araw nakita kita may kasamang iba. Ipinakilala mo sya sa'kin
"Girlfriend ko nga pala"
Masakit. Sobrang sakit. Tila bang nabagsak ang puso kaya ito nawarak. Pero mali to, Mali na nasasaktan ako. Kasi wala namang tayo diba?
Unspoken rule no.2 'Wag kang mainlove sa ka m.u mo.
YOU ARE READING
Unspoken Rules
Ficțiune adolescențiBabala: Tibayan mo ang iyong puso kapag ito'y binabasa mo.