Oh kay galing mong magbitiw ng mga salita
Mga katagang tatagos sa utak, kaluluwa, at puso ng isang tao
Mga katagang kapani-paniwala
Mga katagang, hindi mo maiisip na ginamit pambola lamang
Sobrang galing
Sobrang galing mo sa mga ganyan
Yun bang sasabihin mong...
"Mahal kita, Krystal"
"Seryoso ako sayo, ikaw lamang ang iibigin ko"
-JuliusNgunit matapos ang ilang buwan, para bang ang mga pangako mo'y wala nang silbi
Nasaan na ang sinasabi mong mahal mo ko?
Ang sinasabi mong ako lang???
Wala. Tila naglahong parang bula ang lahat-lahat ng mga katagang isinambit mo
Teka, oo nga pala ano? Wala nga palang...
TAYO.
Kaya't bakit pa ko umasa?
Bakit pa ko umasang may kahit katiting ka na pagtingin sakin?
Tama nga, tama nga ng inisip kong hindi ka totoo
Hindi totoong gusto mo ko
Hindi totoong, mahal mo ko
At mas lalong hindi totoong, ako lang
Kaya't ng sinabi mong...
"Patawarin mo ako, Krystal, hindi ko sinasadya, pero totoong ikaw lang ang mahal ko" -Julius
Hindi ako naniwala ng buo
Pinatawad kita, oo ,pero hindi maaalis ng patawad mo ang sakit na naidulot mo saakin
Kung kaya't...
"Tama na, Julius, tigilan na natin ito. Dahil kung talagang, ako lang, hindi ka magkakaroon ng oras na tumingin sa iba" -Krystal
"Sinasabi ko sayo, Krystal, ikaw lang, sinabi ko naman sayo diba? Na kaya kong maghintay hanggang sa mag-debut ka, para pwede na tayo" -Julius
Kaya mong maghintay oo, ngunit totoo nga ba? Parang hindi ko na maisip na totoong ako ang gusto mo. Hindi ko na magawang maniwala sa mga salita mo.
Sorry.
Sorry, sobrang na-trauma na ata ako.
Ilang pangako mo na nga ba ang inasahan kong, matutupad? Parang wala.
"Sorry, Julius, ayoko na talaga, wala na talaga eh. Ayoko na" - Krystal
"Sige, hihintayin ko, hihintayin ko ang panahon na talagang mapapatawad mo na ko, at maniniwala ka na ulit sa mga sinasabi ko, paalam, pansamantala, Krystal, hanggang sa muli" - Julius
BINABASA MO ANG
Salita
Teen FictionAkala ko totoo Kapani-paniwala naman kasi Ang mga salita Mga salitang isinambit mo Ayun pala, wala kahit isang naging totoo