--------------
Habang nakaupo ang isang lalaking hindi gaanong katandaan, siya ay may inutusang isa sa kanyang mga alagad. Hindi lang basta alagad, kundi isa ito sa kanyang malalakas na tagasunod.
" Mahal na kamahalan, ako daw ay inyong pinatawag. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo ??? "
" Oo meron, dahil nais kong ipatawag mo ang ating ministro ngayon din. May mahalaga kaming paguusapan"
" Masusunod po kamahalan"
yumukod pa ito upang magbigay galang astsaka ito umalis sa harapan ng hari at kaagad na nagteleport sa kinaroroonan ng ministro upang maka usap nya rin ito kaagad.
Nang makarating na siya sa lugar ng ministro. Siya muna ay kumatok upang makapagbigay ng permiso mula sa ministro.
Tatlong katok ang kanyang ginawa, saka nagsalita ang ministro
" Maari kang pumasok Igor "
pumasok ang nag ngangalang igor at nakita nyang nakaupo ito sa isang croissant sofa at mataimtim siya nitong tinitigan. Base sa titig nito mukhang inaasahan na nito ang pagdating nya .
" Mukhang may kailangan ka sa akin Igor " sabi ng ministro
" Gusto kayong kausapin ng ating mahal na hari "
ngumiti ito na nakapagbigay ng kilabot sa katawan ni Igor. ang sabi sabi kasi napaka misteryoso nitong ministro. Kaya nagtaka ang karamihan kung bakit ito ang napili ng hari dahil walang naka kaalam kung ano ba ito o sino ba ito .
" Susunod ako Igor. hayaan mo muna akong makapag ayos ng aking sarili. Makakaalis ka na "
yumukod ang nagngangalang Igor at saka lumabas ng silid ng ministro.
--------------
Nang matapos ng makapagbihis ang ministro. ka agad siyang nag teleport sa kaharian ng hari.
Pagkarating niya sa kaharian. may mga kawal siyang kinaharap.
" Ano ang pakay mo sa mahal na hari ??? "
Masaydo kasing mahigpit ang mga kawal ng hari . at kahit sabihin nating siya ay isang ministro, hindi niya pwedeng maliitin ang kakayahan at lakas ng mga kawal na ito.
" Ako'y pinataawag ng hari at nais niya daw akong makausap "
" Sige maari ba naming makita ang iyong marka ??? "
Tinaas niya ang mahaba niyang sleeve at pinakita rito ang kanyang marka . sinuri ito ng mga kawal at saka napagdesisyunang ..
" Maari ka ng pumasok mahal na ministro " saka yumukod ang mga kawal sa kanya
kusang nagbukas ang malaking gate ng kaharian at siya ay pumasok na. pagkapasok niya hinanap niya kaagad ang trono ng mahal na hari .
Nang makita niya ang pintuan ng trono ng hari, ito'y kaagad nagbukas . mukhang naramdaman na ng hari ang kanyang pagdating.
pagkapasok niya nakita niya ang hari na seryosong nakatingin sa kanya .
Yumuko siya sa harapan nito at saka nagsalita
" Mahal na kamahalan ipag paumanhin ninyong ako'y nahuli "
" Sige maari kanang tumayo ministro "
" Salamat po . Napagalaman ko din po na nais niyo po akong makausap "
" Oo tama ka. Dahil nais konng puntahan mo na ang mga taong iyon "
Nagulat ang ministro sa pinag uutos sakanya ng hari. pero kaagad din siyang nakabawi mula rito
" Ang ibig niyo po bang sabihin sila ------ "
hindi na pinatapos ng hari ang sasabihin ng ministro
" Tama ang iyong iniisip, masyado nang mahaba ang palugit na ibinigay ko sa kanila upang makapaghanda sila nauubos na ang ating oras "
hindi na umimik ang ministro at pinagpatuloy na lamang ng hari ang kanyang sinasabi
" Kailangan nadin nilang makapasok sa Crescent Black Death Academy upang atin silang maihanda sa takdang panahon . "
" Masusunod po mahal na hari . "
Yumuko ulit ito at saka naglaho sa harapan ng hari .
Tumayo na ang mahal na hari at dumungaw sa kanyang malaking bintana kung saan tanaw na tanaw niya ang buong bayan .
Saka muling nagsalita ang mahal na hari .
" Kailangan ko kayo ngayon . mga anak at apo "
-----------
Rhae :)