PAALALA: READ AT YOUR OWN RISK. BAKA UMASA KA RIN.
Totoo ba ng kasabihan na ang pag-ibig dumarating o nararamdaman mo nang hindi inaasahan?
Mag-iisang taon na rin siguro nang magkakilala kami ng isang lalaki na hindi ko sukat akalain na magiging parte ng buhay ko. Isang kabiguuan ata ang makilala ko siya, bakit? Hindi siya yung tipo kong lalaki. Sabihin na natin na masyado akong idealist. Yung tipo ko kasi Matangkad, pero siya halos magkaheight kami. Gusto ko mala-Lee Min Ho ang mata at ngiti, pero siya? KAMUKHA NIYA YUNG MASSCOT NG CHOWKING. CHINTO, MALAKI ANG TYAN SA MADALING SALITA MATABA SIYA. Yung lalaking Romantiko at Sweet, pero siya SWEET AS IN SOBRA YUNG MINSAN MAY HALONG KABASTUSAN. NAKAKATURN OFF SOBRA.
Pero ang pinakanagustuhan ko sa kanya, he is willing to learn.
Magkaiba kami ng propesyon, ako humaharap sa mga estudyante araw-araw, siya naman kompyuter ang kaharap minsan mga babae este mga kliyente.
Paano nga ba nagsimula ang pambubulabog niya sa buhay ko?
Nagsimula lang naman sa isang pustahan, SOBRANG CLINCHE DIBA?
Pinagpustahan kami actually ng mga katrabaho naming, kung sino ang hindi sumipot sa DATE magpapakain. Actually, hindi talaga ako umaasa na tutupad siya. BAKIT? DAHIL BABAERO SIYA. AT TAMA AKO.
Saktong ika-5 ng hapon bumaba kami para umuwi, at laking gulat ko na nandun siya naghihintay. Sa totoo lang, gusto kong sumigaw nun. Halos tumatalon ang puso ko nun, pumunta siya sa harapan ko at sinabi na magdadate kami.
Pero may nangyari hindi inaasahan, pinatawag siya ng Boss at may pinagawa. Ako naman si TANGA kahit walang sinasabi ang tao na hintayin ko siya naghintay ako sinama ko pa ang katrabaho ko. Mag-aalasyete na nun saktong napagdesisyunan ko nang tumayo mula sa taguan ko. At laking gulat ko sa Nakita ko, MAY KASAMA SIYA. Nagtago kami ng kasama ko pero, Nakita niya ko napatingin siya sa akin at alam ko na Nakita niya ko pero HE IGNORE AND SLAP TO MY FACE THAT I AM NOBODY.
Naglakad ako pauwi, kahit malapit naman talaga ang bahay naming mula dun, sa totoo lang UMIIYAK AKO NUN. SABAY UMAAMBON PA. Iyak ako nang iyak mukha akong tanga sa daan buti na lang walang taong nagdaraan. Alam mo yun pakiramdam na pinaglaruan, mas masakit pa sa pagkadapa.
Dumaan ang mga araw, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang nangyari, lumabas sa mga katrabaho ko ang nangyari at nalungkot sila. Nakasalubong ko ang taong yun sa hagdan at sa totoo lang naiiyak ako nun hindiko lang pinapahalata. NAPAKAGAGO NIYA.
Halos isang buwan hindi ko siya pinansin. Ganon talaga siguro no? Kapag hindi ka mahalaga babalewalain ka na lang.
Dumaan ang Christmas Party, kasama ko nun ang isa sa mataas ang katungkulan pauwi na kami pero bigla naming siya nakasalubong at kinausap siya ng boss ko, inabala ko ang sarili ko sa pakikinig sa mga kanta sa cellphone ko nang bigla siyang pumunta sa harapan ko. Nakita ko naming papaalis na ang boss ko kaya sumabay ako ng paglalakad.
Tinawag niya ko at sinabi ang salitang "BYE" tinaas ko ang aking kamay pero hindi ako nagsalita, napagtanto ko nung mga oras nay un na siguro, I NEED TO LET GO THAN HOPING TO IMPOSSIBLE.
Dumaan ang pasukan ng unang buwan ng taon, sinabi ko sa sarili ko, kailangan wala na ang nararandaman ko sa kanya. Kailangan kahit katiting wala na.
Lumipas ang mga araw panay ang pick up lines niya, HERE WE GO AGAIN, HE'S STARTING TO MAKE A TRAP.Pero natuto na ko. ANG SAKIT UMASA SA KATULAD MO.
Sabi mo, bakit hindi kita bigyan ulit ng PAGKATATAON?
Kasi sinayang mo.
Hindi madaling ibigay ang pagkakataon lalo na sa taong nagsasayang aat hindi marunong magpahalaga nito.
Bakit hanggang ngayon ginugulo mo pa rin ako?
Dahil ba kaloko-loko ang itsura ko?
Dahil ba panget ako?
Dahil ba masyadong inosente ang itsura ko?
O
Dahil gustong-gusto mong paglaruan ang damdamin ko?
Pasensya ka na kung hindi na ko mahuhulog muli sa patibong. Natuto na. Nadapa. Bumangon. You ain't fool me twice. Mr. Baby boy 😉
![](https://img.wattpad.com/cover/103690029-288-k347397.jpg)
BINABASA MO ANG
AIN'T GONNA FOOL ME TWICE
RandomISA DALAWA ILANG BESES KA NANG PINAASA AT PINAASA ULIT?