MGNW -- 12

189 5 1
                                    

KATH'S POV


(Same day)

"Dee! Dee! Laro tayo oh!" 

"Mamaya na K---" 

*screeeeech*

"Dee! Mommy! Daddy! M-mommy... d-daddy.... D-dee...."

"Aaaahhh!" 

"Kathryn? Anong nangyari sayo? Anong masakit sayo?"

Napabaling ako sa gilid ko at nakita ko si Miss Trixie. Ang head nurse ng clinic namin sa school. Sh-t. Panaginip lang pala yun. Ano ba yun? Sino yung Dee don? Sino yung mga bata don? Sino---

"Kathryn? Kathryn!"

"Ay kabayong nahulog! Ay sorry Miss. Bakit po? Ano po ulit yun?"

"Tinatanong ko kung okay ka lang, kung bakit ka ba napasigaw nung nagising ka."

"May napanaginipan po kasi akong di maganda. Di ko na din po maalala yung nangyari."

"Akala ko naman kung ano na.."


Ngayon ko lang narealize. "Miss, ano po nangyari? Bakit ako nandito sa clinic?"

"Nahimatay ka kasi kanina sa loob ng CR at malakas yung tama ng ulo mo sa sahig." Kaya pala pagbaling ko kanina ng ulo ko, ang hapdi, ang sakit, kumikirot. Pero...

"Sino naman po ang nagdala sakin dito?"

"Ah, eh si.."

"BEEEEEEEEEEES!!!!!!!!!!!"

"MAYGAHD! Wag ka nga ganyan! Nakakagulat ka Julia, mamatay ako sa ginagawa mo nyan eh. Grabe ka. Jusko."

"Sorry bes! Nag-alala kasi ako. Anong nangyari sayo? Sa ulo mo? Okay ka na ba? Ano nararamdaman mo? Nakakahinga ka pa ba? Gumagana pa utak mo diba?" Grabe talaga to, matutina eh. Daldalera. Ang daming tanong. Nag-aalala talaga.

"Sige, Kathryn. Maiwan ko muna kayo ni Julia." Sabi naman ni Miss Trixie at lumabas na agad. Ano naman nangyari dun? Di ko na nalaman sino nagdala sakin dito.

"Ano Kathryn? Ni isa dun sa tanong ko wala kang sagot? ANO NAAAAAA?" Ingay talaga neto ni Julia.

"Eh kung batukan kita dyan? Chill lang. Eto kasi yun, ganda ko daw masyado."

My Girl Next Window (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon