Prologue

181 6 0
                                    

---Naka.italicized ang POV ni Sharlene.--

Graduation Day.

Sa wakas graduate na kami ng high school ng pinakamamahal ko. Ang saya saya nila tita at tito (parents ni Nash). Maghahanda nga raw sila para sa amin. Teka nga pla, magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Sharlene San Pedro. 15 years old. Nakatira ako sa isang hot spring resort na magmamay.ari ng Aguas family. Bakit? iniwan na kasi ako ng mama ko. at di ko nman nkilala ang papa ko. Ang mga Aguas ang nag.aruga at nagpalaki sa akin. Bilang pasasalamat, tumutulong naman ako sa hot spring resort. Kasama ko nman lumaki ang unico hijo nilang si Nash. And OH YES! mahal na mahal ko si Nash. Paulit-ulit nga na sabi ni tita, pag nasa wastong gulang na ako, gusto nia ako maging daughter-in-law. Kaya naman ako, pinagbubutihan ko ang pag.aaral ko ng mga gawaiing bahay at pag.aalaga ng resort. haayyy!!! Pangarap ko ang maging asawa ni Nash.

Ipapakilala ko nman sa inyo si Nash. Unico Hijo ng mga Aguas. Ang pinaka-gwapo lalaki na nakilala ko sa tanang buhay ko. Siya ang pinaka.sikat na lalaki sa school namin at maging sa buong lugar namin. Magaling syang kumanta at mag.gitara pero pinakamahusay siyang sumayaw. Higit pa dun, tingin palang nia, natutunaw na ang mga babae. Pero malas nlng nila at ayaw ni Nash sa kanila. Sa eskwelahan, ako lng ang tanging babae na kinakausap ni Nash. Pero dahil din dito, maraming mga babae na galit sa akin. Nagseselos sa closeness namin. Kaya yun, wala akong kaibigang babae. Pero ok lng un, kasi nga, pagkasama ko si Nash ang nagpapasaya sa akin.

Tapos na ang graduation ceremony. Ang dami daming nagpapapicture kay Nash. Kaya heto ako sa may gate at hinintay silang matapos. Ayan na, papalapit na si Nash.

Nash: uuwi na tayo Shar. (sabay hawak sa kamay ni Sharlene)

Sharlene: ok bro. Nauna na umuwi sina tita at tito para mapaghandaan ang graduation celebration natin.

Nash: Nga pala, mamaya may sasabihin ako sayo. Magkita tayo sa may hot spring pagkatapos ng celebration. 

Sharlene: huh? o sige.

Naku. Anu kaya sasabihin sa akin ni Nash. Hala! Baka magpropose na siya. Sana naman. Graduate na kami, gusto ko na sya mging official boyfriend, para naman may karapatan na ako sumaway sa mga babaeng umaligid kay Nash. 

Pagkatapos na pagkatapos ng celebration, dumeretso na ako sa hot spring. Nakita ko na si Nash. Ang gwapo nia talaga. Nakakainlove. Teka, mukhang malalim ang iniisp nia. Mukhang seryoso nga itong sasabihin nia. Baka nga magtatapat na siya sa akin. hayyy.. sana nga. 

Sharlene: Bro, kanina ka pa?

Nash: hindi naman. Alam mo nman na ayoko kasama ang mga  tao dito sa atin.

Sharlene: eh bakit mo ba akong niyaya dito? 

Nash: (inabot nia ang mga kamay ni Sharlene) Shar, alam mo nman ang pangarap ko diba?

Sharlene: oo naman. Dba gusto ko maging sikat na performer.

Nash: oo. kaya nga nakapagdesisyon na ako na pumuntang Maynila. Gusto ko tuparin ang mga pangarap ko. at gusto ko ikaw ang kasama ko.

------itutuloy----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Skip Beat (Jailene version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon