chap 1

3 0 0
                                    

August 5, 2017

tanghaling tapat noon, tirik ang araw at labasan ng mga estudyante para kumain. naiwan ako sa room para gawin  ang written report ko, tahimik lang sana ang buhay ko kung hindi may kumatok at nangistorbo saakin

"ah excuse me po" napalingon ako sa nagsalita, na tantsa ko ay nasa higher years na

"bakit po?" tanong ko naman dito

"tanong lang po namin kung kilala niyo si miss maibeline sanchez? dito kasi yung room niya" sabi niya at dumating ang mga kasamahan niya

"ano pong kailangan niyo sakanya?" tanong ko naman dito

"siya kasi ung sinuggest ng mga kaklase niya para sa gaganaping graphic contest dito sa classroom" sagot naman nito

"ah..sige sasabihin ko" sagot ko naman at tumalikod na sila para umalis,  okay na e. okay na sana kung hindi lang--

"MAIBELINEEEE!!!! LUNCH NA TAYO!" sigaw ni crystal sa labas, napahilamos nalang ako ng mukha, lintek crystal makisama ka!

"maibeline sanchez?" rinig kong tanong ng isa sakanila

"oo si mai, bakit? ando'n siya sa loob oh" walang pag-aalinlang naman na sagot niya, fuck.

lumingon ako sa bintana nang marinig ko ang mga yapak nilang pabalik ng room, shete kahiya

"ahmn..." mejo nag-aalangan pa na sabi nila. wag kang lilingon mai, panindigan mo yan.

nagulat nalang ako nang may lalaking pumunta sa harap ko at naglapag ng papel

"3:00 mamaya, sharp." sabi nito at umalis na, nilingon ko ang mga kasama niya ng nagtatanong, hindi ko ata siya napansin kaninang kasama nila?

"ah hehe siya si Nycson, president ng course namin. pagpasensyahan mo na kung mejo seryoso magsalita hindi kasi yon nakapagpass ng assignment namin sa deadline" pagpapaliwanang ng maliit na babae

"sige una na kami" sabi nung lalaking kausap ko kanina

"teka lang!" sigaw ko sakanila. tumayo ako sa upuan ko at lumapit sakanila

"well uhmn....sa totoo lang nagulat ako kasi hindi naman ako sumasali sa mga ganyang pacontest at hindi naman ako pinagsabihan ng mga classmates kong biglang kasali na pala ako sa contest, maybe you should try asking someone else nalang" sabi ko sakanila sabay abot sa papel na binigay saakin nung lalaking menopause kanina, nagkatinginan lang sila at ngumiti saakin

"kita kits nalang tayo mamaya sa IT building" sagot lang nung babaeng maliit, nginitian lang ako ng mga kasamahan niya at umalis na, huh?!

"peymus!" bigla naman akong napalingon sa likod ko, andito pa pala to?

"tsk, famous your face crystal, kung hindi ka lang sana maingay edi sana haist! tabi nga! " sigaw ko dito at pumunta sa upuan para hakutin ang mga gamit ko

"hoy for your information SANCHEZ! hindi ko naman alam na nagtatago ka pala edi sana sinabi mo man lang diba?!" pinaka-ikutan ko lang ito ng mata at lumabas na ng room

"paano kita pagsasabihan kung sunod-sunod yang tabil ng bunganga mo aber?" sagot ko naman dito

"well edi sana nagsign ka! o kaya kumaway-kaway ka sa likod!" pambawing sagot naman nito, sige lang palusot pa tss.

"at sa tingin mo mapapansin mo ko?" tanong ko naman sakanya at binilisan ng maglakad

"e atleast---HOY TEKA HINTAYIN MO KO!" sigaw niya, bahala ka jan. tinignan ko ang papel na hawak ko

' Graphic Contest Participants

BSIT ROOM B431

at exactly 3:00 in the afternoon the meeting will start '

dumiretso ako sa labas ng campus at tumawid ng kalsada

"nag-iba ng taste, grabe hah? d mo man lang ako ininform" sabat ni crystal habang nakikisabay saaking maglakad, di man halata pero kaibigan ko siya yun nga lang saaming dalawa ako ang mas seryoso at kalog naman siya.

"sira, hindi tayo dito maglulunch pupuntahan ko lang si tine" sagot ko sakanya at nang makarating na kami sa karenderya ay linga ako ng linga and atlast! nakita ko na rin siya lalapit na sana ako sakanya nang hablutin niya ako sa kamay

"wait wait wait wait wait wait wait wait wait wait mai" nakayukong pag-awat saakin ni crystal. problema nito?

"dami ah? ilang wait yon?" tanong ko naman para kasing baliw e

"hindi ko alam wag mo akong istressin tinatamad akong magrecall, anyways wag mong ituloy yan please mai sinasabi ko na sayo" sabi niya na may patakip-takip pa sa mukha na akala mo ay iiyak ns

"huh? ang alin?" tanong ko naman dito

"yan! yang gagawin mo!" pinagsasabi ba  nito?

"anong gagawin ba pinagsasabi mo?! pwede ba crystal nagugutom na ko wag kang ano jan!" bulyaw ko sakanya

"HUWAG MONG SUGURIN SI TINE! MASISIRA ANG IMAGE MO! MAGKAKA-RECORD KA SA GUIDANCE! MAGAGALIT PARENTS MO! MA---

" kalma crys pwede? pwede? kakausapin ko lang siya ano ba!" nakakabaliw talaga itong babaeng to

"oww okay, if that so.. mauuna na ako sa campus, kasi alam mo ayokong naaarawan ang skin ko nadradry, nasisira ang beauty ko dito sa labas, nadidiscover ako! baka mamaya maholdap omygash! mawawalan ka ng magandang kaibigan! anyways concern lang naman ako sayo baka magbigte ka na pag nawala ako, alam mo naman...haist i'm so sexy and hot my beauty is irresistable--

" siraulo" sabi ko dito at iniwanan na, maaga ata akong mamatay pag lagi ko siyang nakakasama.

dumiretso na ako sa table nila at tumabi sakanila, siya si tine velante, mayor ng section namin

"tine bat naman ganon? bat sinama niyo ako sa contest nang hindi man lang kinukonsulta?" tanong ko dito

"hala mai sorry, wala kasing choice e...hindi naman pwedeng wala akong sabihin dahil required na bawat course per section ay may representative saka ano...nakakatakot naman kasi ung pagmumukha non parang kakain ng tao laging seryoso" explain niya

"sino?" tanong ko naman

" ung president ng IT" bakit ba parang feeling ko ang daming natatakot don?

"ung nick?" tanong ko

"yep, ung nycson" sagot niya, wala naman na akong choice haist...

"pero may part time job ako tine...pano na yan?" malungkot kong sabi dito, lumaki ang mata niya at halatang nagulat

"hala! oo nga pala! nako sorry talaga mai, kung gusto mo kausapin mo nalang ung pres ng IT at sabihin mong si cheena nalang ang rep natin, okay na yon kahit di gaanong magaling sa editing basta may marep lang, sorry talaga ah? kausapin mo nalang siya" nagpaalam na ako pagkatapos non

ako si Maibelene Sanchez, first year college at kasalukuyang kumukuha ng kursong edukasyon, sa family status naman, hiwalay na ang nanay at tatay ko, may dalawa akong kapatid si trish at kuya mark hindi na ako gaanong magkwekwento tungkol sakanila dahil makikilala niyo rin naman sila sa  patuloy na pagdaloy ng kwento

"uy! ano raw sabi?" bungad saakin ni crystal

"basta yung ano raw ung ano tapos ano,  basya yon tara na kain na tayo nagugutom na ko e" sabi ko at kumain na dahil na-orderan naman niya ako

"ah? gulo mo! oy utang yan ah" tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang pag kain, ano bang meron sa nycson na 'yon? bakit napakaseryosong tao?

sakto namang paglingon ko sa pinto ng canteen ay pumasok siya, dire-diretso siya sa ref at kumuha ng tubig at nagbayad na sa tindera, sana naman pahayagan ako nong makipagpalitan kay cheena ...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shattered GlassWhere stories live. Discover now