Chapter 03:ISMF

6 0 0
                                    

Sophie's POV

Malungot ang mga mata ni Gray ngayon pero alam kong magiging masaya din sya.

"Mahal na Mahal ko yung babaeng yon,
marami kaming pag-kakaiba pero sabi nga nila Opposites Do attract,Pero may mga pag kaka-Parehas din naman kami
we both love instruments,Traveling and we love Dogs,nung time  naging kami na yun 15 pa lang sya at ako naman 18 years old
tatlong taon yung tanda ko sakanya bawal pa sya mag Boyfriend nung time na yun,pero pati yung kuya nya pumayag narin dahil wala na syang magagawa mahal namin ang isat-isa"

"Saan kayo nag kakilala?"

"Nag kakilala kami sa school dahil classmate ko yung pinsan nya at....."

naputol yung sasabihin nya dahil kay Bruce.

"Sophie,kanina ka pa hinahanap ng kuya mo"

hala oo nga hindi pa pala ako nag papakita sakanya.

"Ayy, oo nga sige thank you Gray sa pakikipag kwentuhan bye"

Saka ako umalis kagot ako duon kay kuya eh.

Gray's POV

Kausap ko ngayon si Sophie kinekwento ko sakanya yung taong mahalaga  sa buhay ko.

"Gray,bakit dito kayo nag uusap ni Sophie nandoon naman ang Party"sambit ni Bruce " Wala lang nakita ko kasi sya dito kanina mag isa tapos nakipag kwentuhan lang ako sakanya,bakit may masama?"naiinis ako sakanya ewan ko kung  bakit "wala naman nag tatanong lang baka kasi....."
hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya "Sige mauna na ako,paki sabi nalang kila Clyde na umuwi na ako"
may sasabihin pa sana sya kaso umalis na kaagad ako.

Pag sakay ko sa Kotse ko niiyak nanaman ako,Lagi nalang ba akong iiyak,Pumunta nalang ako kung saan kami lagi nag pupunta ni Ai tahimik na lugar lang ito.Kaya Ai ang tawagan namin dahil sa Chinese ang ibig sabihin nito ay Love,Tuwing nag pupunta kami dito na aalala ko yung masasayang araw namin dito,sana hindi ka nalang naaksidente ng dahil saakin.

"I Miss you Ai"

"Dalawang taon din kasi kayo no?Pero mag i isang taon natin simula nung Mawala...."

"Trixie,Anong ginagawa mo dito"

"Wala lang nakita ko kasi yung kotse mo So naiisip ko na nandito ka"

"Malamang nandito nga yung kotse ko diba syempre nandito din ako napaka laking T*N*A mo naman,Atsaka may isip ka pala."

"Ano yun?hindi ko kasi masyadong narinig eh"

"Ah wala,ang sabi ko uuwi na ako sige maiiwan na kita bye"

sumakay agad ako ng Kotse ko napaka pakialemera kasi ng babaeng yun,dati palang sya na yung kontrabida sa buhay namin ni Ai paano ba naman walang ginawa kundi gumawa ng kwento na may gusto daw ako sankaya nililigawan ko daw sya kadiri,buti na nga lang hindi naniniwala si Ai sa mga kwento nya eh kasi may tiwala daw sya saakin,Miss na miss na kita Ai.

Sophie's POV

Pag-balik ko sa Party nakita ko kaagad si kuya.

"Saan ka galing?"

"Nakipag Kwentuhan ako kay Gray,duon lang naman sa garden"

"ah ganon ba,ihahatid na kita pauwi maya-maya kasi pina uuwi kana ni mama ok"

"Yes,Kuya,uhmm pwede bang mag Taxi na lang ako pag pa pogi ka nalang muna jan kay Celine kaya  ko na naman ang sarili ko eh"

"Sige,ay Hindi pala baka kung ano pang mangayari sayo nyan"

"kuya Please"

"Ipahahatid na lang kita Tutal  uuwi na rin naman si Rhyle pina uuwi na yan ng daddy nya"

"Kuya.."

Tumalikod sya kaagad."Sophie sumunod ka nalang sa kotse ah" Sambit ni Rhyle nahihiya ako sakanya dahil sabi ni kuya crush ko daw sya dati at alam daw yun ni Rhyle kasi sinabi ni Kuya,Wala kasi talaga akong matandaan pero may mga nalalaman din ako tungkol sa past ko dahil sa mga kwento ni kuya Clyde.

"ah ok thank you"

Pag sakay ko sa kotse nya....

"Whaaaaaaa!"

Tawa sya ng Tawa,nagulat kasi ako dahil nag suot  sya ng Maskara hay nako parehas sila ni kuya tama nga ang kasabihan na Birds with a Same feathers are Flock Together,Tama ba?

"Loko ka talaga Rhyle"

"Sorry wala kasi akong magawa,eh ang tagal mo naman kasi sige na nga hahatid na kita sainyo"

"Sige na"

Nag kwentuhan kami buong Biyahe hanggang makarating kami ng bahay.

"Thank you Rhyle"

Tumango lang sya tapos umalis na,pag pasok ko ng bahay nakita ko si mama nanonood ng TV.

"Ma,Hello po"

"Sophie,Nakikita mo yang lugar na yan sa Bohol yan,Naalala mo ba nung Last Last year nung pumunta tayo jan."

"Ma,nag papatawa po ba kayo diba nga po wala akong maalala."

"Ayy!Oo nga pala,kamusta party"

" Ok lang po ma,pina uwi nyo naman po ako kaagad eh"

"Ha?ang sabi ng kuya mo masakit daw ang ulo mo kaya pina uwi na kita"

nakaka inis si kuya sabi ko naman sakanya mag Hokage lang sya di ko naman sya papakilaman.

" Pero hindi po sumakit ulo ko,matutulog na lang po muna ako"

" Loko talaga yung kuya mo,sige na matulog ka na at pagod ka"

pag akyat ko sa kwarto ko,tumayo muna ako sa bintana at may nakita akong lalaki na nakatayo sa tapat ng bahay pero nung nakita nya ko umalis kaagad sya,hindi ko masyado nakita yung muka nya dahil madilim na  pero bahala na nga matutulog na lang nga ako.

Healing The Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon