May gusto akong ikwento. Tungkol to sa babaeng nagparaya at hindi man lang nakuha magtapat sa taong mahal nya. Naisipan ko lan tong ikwento para lang kahit papano mabawasan yung sakit na kinikimkim ko sa loob.
This story may sound cliche and yes, it has sad ending, well for me. Hindi naman lahat ng lovestory lageng happy ending eh tsaka di naman love story to eh </3
***
2nd year na ko ngayon sa Lyceum at sya naman ay Third year hindi kami parehas ng course na kinuha. Tourism ako habang sya naman ay Management Accounting. Under ako ng CITHM (College of International Travel and Hospitality Management) habang sya sa CBA (College of Business Administration). Nakita ko na sya nung 1st year palang ako. Pano kasi yung prof. namin sa JPL subject may pauso yung parang talent portion kada section na tinuturuan nya mag gaganon tapos kapwa student din nya ang manonood para lang daw may mag silbi na audience. Then ayun na nanunuod na kami may napansin akong lalake sa sulok wala syang ginagawa di tulad ng classmates nya bising busy. Ang tangkad nya tapos naka bonet din sya that time. Nung time na yon di ko pa sya crush non. Nakita ko nlang sya ulit ngayong second year. Then ayun crush ko na. Di ko maikakaila gwapo sya at matangkad dagdag mo pa may pag ka baby face.
Tumagal pa eh naging close nya yung isa kong classmate parang naging bestfriend nya tapos dahil don nalamann nya na nag eexist ako :)) sa facebook lage kameng magkachat minsan nga nalulungkot ako pag nasiseen nya ko pero go padin ako lageng nag memessage sa kanya sa fb. Maka chat ko lang sya sa fb masayang masaya na ko. One time may event sa skul hinahanap ko sya para makapag papicture tapos nakita ko sya malapit sya dun sa classmate ko na parang bestfriend nya ang ginawa ko lumapit ako kay Ann nagulat nalang ako sumigaw si Ann ng "Jake!" then napatingin si jake sa gawi namin at lumapit sya sa sobrang kilig ko non nagtatago ako sa likod ni ann eto namang si ann eh pilit ako inilalapit kay jake. OA na kung OA wala eh sobrang kinikilig ako sa presence nya tapos iniwan nalang kami ni ann kaming dalawa lang ni jake at di ko alam ang gagawin ko. Nahihiya akong mag open sa kanya. Nahihiya akong kausapin sya. tinignan ko sya nakatingala akong tumingin sa kanya he's wearing a yellow shirt then naka salamin sya. Ang gwapo talaga ng nilalang na to.
Maya maya pa non dumating yung iba kong classmate sobrang thank you ako kasi dumating sila nahihiya kasi akong kausapin sya. ano ba yan sa chat ang daldal daldal ko pero ngayon parang pipe ako. Tapos bigla na silang nagsabe na papicture edi syempre ako kinikilig padin tapos yung mga classmate ko nanghiram pa ng cellphone na may flash kasi gabi non eh yung mga cp namin walang flash. Tapos nung magpapaicture na hindi ko talaga mapigilan yung kilig ko. Lalo na nung sinabeng nung classmate ko na akabyan ako. Dun ko naramdaman na namumula na ko tsaka umaalis ako sa tabe nya kas kinikilig talaga ako lalo na pag umaakbay sya.
Nag volunteer pa nga yung isa kong classmate na sya muna mag papapicture then nung natapos na ako na ulet. Hayy. ang hirap mag pigil ng kilig sobra. Pero nakapag papicture din kami. nung pag katapos kumuha ng picture ng classmate ko bigla syang nagsalita na masama daw pakiramdam nya at wala pa syang tulog. Akong tong si ewan may sumanib hahawakan ko sana yung noo nya ng tumingin sya kaya iniwas ko kaagad yung kamay ko then nag thank you kami sa kanya at bumalik na ulit sya dun sa pwesto nya non.
Naging magkaibigan nadin kami lage nga nya akong inaasar at binubully eh. ang di ko makakalimutang pambubully nya non eh nung tinanong ko sya kung maganda ako ang sagot ba naman nya eh "Oo sa mata ng magulang mo.." Bastusing bata. Buti nalang at crush ko sya. Lumipas pa ang ilang buwan tapos nakasama ko sya at nakausap at nakakulitan kahit papano yun yung nagpasama si ann sa SM para gumawa kami ng project yung kukuha kami ng road violations. ang saya ko non sobra yung tipong ayoko pang umuwe gusto ko pa magtagal para lang makasama ko pa sya. Di ko makakalimutan non eh yun yun Naki'inom sya akin. Simpleng bagay pero masyang masaya na ko sa maliit na bagay na yon. Sana nga mas maging close pa kami eh.
Tinanong ko na sya noon kung may nagugustuhan sya ang sabe nya oo kaso di nya alam kung gusto din sya. Sabe ko pa nga non sa isip isp ko sana ako nalang, kaso napaka imposible. Chineeer up ko pa sya non ang sabe ko magtapat ka malay mo may gusto din sya sayo. kahit sa loob ko nalungkot ako.
February na patapos ng ang second semester pero umaasa padin akong makakasama ko sya ulit.
February 14, 2014
Nag lalaro ako ng flappy bird non ng may binulong sakin yung kaibigan ko. "Baby, si jake may kasamang babae na may dalang flowers," Nung sinbe ni mich yon di ko pinansin pero yung luha ko parang papatak na anytime. Napatingin ako sa gawi nila. Si Jake nga at yung girl.
So sya pala yung girl, ang ganda non, matalino, mabait. Bagay sila. Sobra, Ba't ganto kasakit? Di ko mana lang nasabe sa kanya na gusto ko sya. Iniisip ko di ko na sasabihin. Ang swerte nung girl. Sobra, sana ako nalang yun. Sana.
dati tuwing nasasaktuhan ko ang 11:11 ang tanging wish ko lang ay "Lord, sana magustuhan nya ko. Please?"
Pero ngayon ang 11:11 wish ko "Lord, sana di sya saktan nung babae. Pag sinaktan sya pwede ba ako nalang yung magustuhan nya. Sakin lord di ko sya sasaktan."