•••
The first time our eyes met. The way he looked at me. He's a total mysterious and unpredictable guy.
"Mirang! Bilisan mo nga! Ma-lalate na tayo sa first subject niyan e!" Sigaw sa akin ng kaibigan ko. Ingrid.
"Chill ka nga! Nasaan na ang mga babae?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniya. I'm focusing on my work.
"Tapos ka na bakla? Tagal nito!" Yeah. When I say babae, bakla ang ibig kong sabihin.
"Gusto mo ng tulong beh? Hirap na hirap ka na diyan e." Salita naman ni Carlo (Carla na lang nga daw kung pwede e) habang nagse-selfie.
"No thanks." Sabi ko and at last ay natapos na rin ako! Thank God! Homework na dapat ay ginagawa sa bahay but in reality sa paaralan naman talaga ito ginagawa... ng karamihan. Hahahahaha.
"Let's go girls!" Sabi naman ni Andy (Babae na raw yung name niya, actually he siya not she :/)
"Kaja!" Sabay namin na sigaw ni Ingrid. Korean fangirl din kami e ano? Who cares? Hahahahaha *ehem*.
Naguusap-usap kaming magkakaibigan at sinasamahan rin namin ng tawa habang naglalakad kami sa hallway.
When we walked through the stairs ay nagkasalubong ang mga mata namin. I was laughing at that time at siya rin. But napalitan iyon, hindi ko maipaliwanag ang ngiting ipinakita niya sa akin. Hindi parang ngiting mabuti kung hindi ay ngiti ng may masamang balak?
Muli kaming dumaan doon ng mga kaibigan ko at saktong mag-isa siyang pababa. I accidentally looked at him at iginawad niyang muli ang ngiting iyon. Starting from that day ay hindi na ako muling sumasabay sa mga kaibigan ko na dumaan sa stairs na iyon.
I never met that guy before. Iyon ang first na pagkikita namin pero masama na agad ang impression ko sa kaniya though he is handsome and all. A way of describing a perfect man.
"Oy Mirathea Janine! Bakit hindi ka na sumasabay sa amin ha?!" Sigaw nito habang naghihintay sa labas ng room namin. Bago ako makasagot ay may dumaan na isang pamilyar na lalaki na nakatalikod sa akin.
Napatigil ako. I froze, ni hindi ko man lang nagawang kumurap. Tila may isang yelo na dumaan sa gilid ko
"Hey! Mirang, are you okay?" Tanong sa akin ni Ingrid at bumalik ako sa realidad.
Iwinaksi ko na lang sa isipan ko ang lalaking iyon. Baka feeling ko lang yung mga yun. Mabuting tao iyon Mirang. Mabuti nga ba?
After our class ended ay nagmadali akong lumabas ng may nakabangga ako.
"Ay putspa!" Nadulas na sabi ko. Pinulot ko yung mga gamit ko at tinulongan naman ako noong lalaki na bumanga sa akin.
"Salamat." Sabi ko ng makatayo na kaming dalawa pero pagtingin ko sa mukha noong lalaki ay nagulat ako. Hindi dahil sa ubod ito ng gwapo kung hindi ay dahil sa aura ng lalaking ito.
"I'm so sorry. Mirathea Janine?" At mas lalo akong nagulat na alam niya ang pangalan ko.
Hindi ko na ito sinagot at nagmadaling umalis.