YISHA'S POV
Kasalukuyan akong nagaayos ng buhok ngayon sa harap ng malaking salamin sa kwarto namin ni Yesha nang tumunog yung phone ko. May nagtext ata.
Zachzachan ng Panget
Lahat ng babae na nasa line para sa game sa friday excused na kayo sa classes niyo today kaya dumiretso na kayo agad sa field. May friendly game kayo vs saming men.
"Versus mo pwet mong panget ka" Padabog kong binato sa kama yung phone ko at bumalik sa pagaayos ng buhok ko. Kinalas ko yung pagkakatirintas ko at pinalitan ito ng tie up na ponytail. Psh naka uniform nako eh. Magpapalit nanaman.
Paglabas ko ng kwarto bahagyang nagulat si Yesha sa bihis ko.
"Oh ba't ganyan damit mo? Hapon pa practice niyo ah." Sambit niya habang pababa kami ng hagdan.
"Nagtext yung kumag na excused daw kami eh dahil malapit na yung game todo practice ata kaya ganun. Ewan." Nagkibit balikat nalang ako. Pinagtali ko yung swelas ng dalawa kong sapatos at sinabit ito sa leeg ko. Naka medyas nako pero nag slippers lang muna ako para di awkward. Duh ang OA naman nun. Naka studs nako sa semento palang.
Naunang sumakay si Yesha sa car namin at akma naman akong sasakay ng may nagbato ng toasted bread sakin.
"Shit." Nalimutan ko na kasabay nga pala namin dapat si Jiro ngayon.
"Iiwan niyo nalang ba ako? Grabe kayo sa pogi ha." Aba ang kapal naman talaga ng mukha ng kumag nato. Kami lang ni Yesha ang magkamuka kaya kami lang ang maganda no. Nakiki ambit lang siya sa birthday namin. Hmp!
"Dadada ka pa ba diyan oh ipapakaladkad kita kay manong dito sa sasakyan natin?" Banta ko sa kanya. Itinaas naman niya ang dalawa niyang kamay sa ere tanda ng pagsuko niya. Hah! takot naman pala eh.
----
SCHOOLBago bumaba ay hinila muna namin ni Yesha paupo muli si Jiro.
"Wala kang babanggitin ni isang salita tungkol samin ni Yisha. Wag mo kaming papakielaman at hindi karin namin papakielaman. Walang makakaalam na atin ang school nato. Walang makakaalam na kambal ka namin. Maliwanag ba?" Mariin na paalala ni Yesha sa kanya. Ngumisi lang ang aso este gago este loko.
"Ang boring naman pag ganun." Walang latoy niyang sambit.
"If you want to enjoy things out. Enjoy it yourself. Don't tag me Yesha sa mga kalokohan mo. Meron kaming sariling buhay dito. That's why I'm warning you Jiro. Don't mess with us." Matalim kong tinignan ang mga mata niya pero nagkibit balikat lang siya.
"Okay okay haha. Chill." Nangingiting bumaba si Jiro ng sasakyan at sumunod naman kami ni Yesha. Dito kami nagpababa kay manong sa part ng school na di masyadong matao para hindi mahalata na iisang car yung pinanggalingan namin.
Nagpaalam na si Yesha at may gagawin pa daw siya sa SC office. Ako naman ay nag jog na patungo sa field. Exercise na rin konti. Medyo kalayuan palang ay tanaw ko na yung bench na pinaglalagyan naminnng mga gamit namin.
"Huh? Eh wala pa naman palang tao rito eh." Inis kong sabi habang nilalapag ko yung bag tsaka sapatos ko. Nagstretching ako sandali bago sinuot yung studs ko. Walangyang Zach yun. Maaga nagtext kaya inagahan ko rin rito. Pag yun late dumating isasampal ko talaga sa kanya tong spikes ng studs ko.
"Hey." And speaking of the devil. Andito na ang magaling. Mataray ko siyang nilingon pero napanganga ako ng makitang topless siya at papasuot palang ng jersey shirt niya. Dyuskong mahabagin. Kulang nalang kape maisasawsaw ko na yung tinapay niya eh.
"Hey!" Nabalik ako sa ulirat ng nagsnap siya sa harap ng mukha ko. Tangina nakakahiya!
"A-ah eh ano?" Ay boba! Ano bang nangyayari sakin? Abs lang naloka na agad ako. Shete naman kasi eh.
BINABASA MO ANG
The Peculiar Life of Triplets
Teen FictionAng storya tungkol sa gawa gawang storya ng dalawang kambal at sa kambal nila pati na rin sa nakakalaam ng storya nilang kambal.. gets niyo ba? Ako hindi eh. Pakibasa nalang ha baka sakaling maliwanagan tayo eh