Gino's POVHindi ko alam. Wala na akong nagawang tama sa mga taong mahal ko at mahal ako. Hindi ko alam bakit ako nagkakaganto. Mga inosenteng tao, nasasaktan ko; mga taong karapat dapat maging masaya at mga taong deserve mahalin. Isa akong klase ng tao na hindi deserve mahalin, bakit? Ang dami ko ng minahal pero kahit isa hindi ko sineryoso. At may isang tao na sa tingin ko ay sobra kong nasaktan. Si Nikki Colace. My first girlfriend on high school. Noong una, ginamit ko lang yung friendship ko sa kanya para mapalapit kay Daniella, pero noong nakilala ko na siya ng lubos. Nahulog na din ako. Syempre natatakot ako na umamin nun, sino ba naman gugustuhin ligawan ang isang babaeng adik sa wrestling? Mabugbog pa ako non. Pero I conquered my fear. Nasabi ko sa kanya at nung nasabi ko na sa kanya, nabatukan pa ako.
Months din inintay ko bago siya mapasagot. Lagi kaming nag-uusap tuwing may vacant hours kami. Tumatambay sa bench, naging dating place na nga namin yun, tahimik kasi dun at wala masyadong tao. Hindi nagtagal at narinig ko din yung matamis na oo niya, doon sa dating place namin. Sobrang saya ko na hindi ko mapaliwanag. Nagpatuloy ang relasyon namin, noong una ayoko na secret relationship kami kasi gusto ko talaga siya ipagmalaki sa barkada at pamilya ko pero sinunod ko gusto niya, makakabuti din naman 'to samin. Binibigyan ko siya ng gifts, yung pinakana-gustuhan niya ay yung action figure ng favorite wrestler niya. Ang cute ng reaksyon niya, yung ngiti niya na parang batang tuwang tuwa sa candy.
Nabago ang lahat ng yun, noong nakilala ko si Iyah Mendoza. Naging cold ako sa kanya. May pagkakataon ding tuwing magkakausap kami ni Nikki hanggang kamustahan nalang kasi nagdadahilan ako na may gagawin pa ako pero ang totoo, ayoko siyang kausap. Nakakasawa, ang boring, paulit-ulit. Pero kapag si Iyah kausap ko, iba yung saya e. Nung minsan nakatambay kami ni Iyah, malapit sa room namin, don sa ilalim ng hagdan, pinapakita ni Iyah mga pictures niya, nakita ako ng dalwang kaibigan ni Nikki, si Xandra at si Clarisse hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at takot nung nakita nila na magkasama kami ni Iyah pero nginitian ko nalang sila. Nagdaan ang araw na hindi kami nagkaka-usap madalas ni Nikki, busy din siya sa mga projects nila. Nakakainis kasi hindi man lang siya gumagawa ng time para unahin ako puro nalang requirements inuuna. Pero masaya ako dahil napapasaya ako ni Iyah sa tuwing magkausap kami. Minsan nakakaramdam ako ng takot na baka mahulog ako kay Iyah, alam naman ni Iyah na kami ni Nikki dahil siya lang sinabihan ko na kami na ni Nikki.
Pero sabi nga nila hindi daw mapipigilan ang tinitibok ng puso mo.
Ilang araw akong nag-isip at nang nakapagdesisyon na ako, hiniwalayan ko si Nikki nung monthsary namin wala na akong pakielam non kung masaktan siya dahil mas gugustuhin kong sumaya sa piling ni Iyah. Nagka-mali ako at alam kong mali talaga ako. Panandaliang saya lang pala yung naramdaman ko nung kasakasama ko si Iyah.
Iniwan niya ako dahil sa iba.
Siguro nga, I get what I deserve. Nakakapangsisi. Tuwing magkakasalubong kami ni Nikki napapangiti pa din ako dahil siya parang wala lang yung break-up namin. Ang saya saya niya. Laging nakangiti at nakatawa siguro nahanap na niya yung lalaking makakapagpaligaya sa kanya. Noong last birthday niya balak ko sanang batiin siya kaso nangamba ako na baka iignore niya lang ito. Two years na kaming hindi nag-uusap, 'ni like man lang ng status wala akong narereceive sa kanya. Binolock ko siya sa messenger nung pagka-break namin pero in-unblock ko na siya ngayon. Sana malaman mo kung gaano na kita ka-miss Nikki, hindi sa pagiging girlfriend mo pero na-miss kita bilang girl bestfriend ko. Last week, nagkausap tayo, tinanong mo ako about sa project mo na tungkol sa sports, hindi din nagtagal ang paguusap natin parang sigundo lang yun para sa iba pero para sakin ang tagal nun. Dun nalang ulit kita natitigan ng malapitan at nakausap. Pero biruin mo? Nakausap ulit kita, last day ng school, ngayong March 28 lang. Hindi ko maitatanggi na pati ako na-awkward-an sa moment na yun. Kasama ko kasi yung barkada ko na kaklase mo din, sakto kasama ka nila kasi may inutos sa inyo. Napagusapan nila kung okay na daw tayo, tumungo ako, nagkatitigan tayo na parang may ibig sabihin yung titig mo, sinabi pa nila na kung okay na tayo ay mag-shake hands tayo, una kang nag-abot ng kamay kasi hindi ko alam kung gagawin ko ba talaga yung utos na yun, pero sa huli, nakipag-shake hands din ako. Ngayon ko nalang ulit naramdaman yung kamay mo, kung gaano ito kalambot halos ayaw ko ng bitawan yung kamay mo at gusto ko talagang pasalamatan mga kaibigan ko non. Pasensya na talaga kung nasaktan kita.
"Miss na miss na kita Nikki Colace" bigla ko nalang naramdaman na may pumatak na pa lang luha sa mata ko. Luha na may halong kalungkutan at pagsisisi.
BINABASA MO ANG
He do.
RomancePart 2 of "The Girl Who Can't Be Moved" A/N: Short story din po ulit siya. Sorry hihi. Walang oras para makagawa ng long stories e. Sa summer nalang po. Sana po maengganyo kayong basahin 'to at sana i-vote at makapag-bigay kayo ng comment. Salamat...