CHAPTER 1

11 3 0
                                    


Lein's POV

~

Ilang sandali pa lamang ng biyahe ay nakarating na ko sa aming university.

"Hayy this is it! kailangan ko na ulit mag focus sa studies ko para naman matupad ang inaasam kong maging isang Dean's Lister" mahina kong bulong sa sarili.

Habang naglalakad ako at palinga linga sa paligid, bigla nalang akong bumagsak sa sahig.

May nakabangga pala ako. Nasan na ba kasi si Zandy psh.

"A-araaaayy," mahinang daing ko pagkatapos ay tumayo ako at kinuha ko ang bag kong nahulog mula sa pagkakabagsak.

Lumingon ako para tignan kung sino ang nakabangga ko.

O_O Nanlaki ang mga mata ko nang ang makita ko ay ang Ultimate crush ko na si Joshua Dela Cruz.

"Oh I'm sorry, are you alright?" Tanong niya sa akin habang hawak hawak ang kaliwang braso ko.

Hala! Hinawakan niya kooo, Oh-eM-Gee. Hindi ko na mapigilan ang kilig ko ang gwapo gwapo kasi ng kaharap ko. Kaya't natutulala nalang ako.

"Hey, I-im so Sor--" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil hinatak na siya ng bruhildang si Lavinia. O'diba pangalan palang pang kontrabida na.

"Let's go Honey" malambing na sabi ni Lavinia. Pagkatapos ay tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Sinulyapan naman ako saglit ni Joshua at tinaasan ako ng dalawang kilay, na ang ibig ipagkahulugan niya ay kung ayos lang ako.

"A-aano ayos lang di naman ako nasaktan" yun na lamang ang nasabi ko. Bago sila tuluyang umalis.

Di naman talaga ako nasaktan e, mas nasaktan ako nung nakita ko kayong dalawa na magka holding hands huhu.

Habang naglalakad ako para hanapin ang room ko, natalisod ako't napasubsob.. Napasubsob sa....
S-sa dibdib ng.. N-ng isang lalake!?

"Pfft. Tiyansing ka ah. Baka gusto mo ng bumitaw?" Dali dali akong napabitaw sa kanya. Nakakalokong ngumisi siya sakin at nagsimula ng maglakad palayo, habang kumakaway pa patalikod.

"Ang yabang na nga ang feelingero pa Aaarghhh!! Nakakainis." impit na sigaw ko sa inis.

~~

Nang mahanap ko na kung saan ang room ko, pumasok na ako at umupo, sinalpakan ko rin ng earphone ang tenga ko habang nakasimangot parin dahil sa nakita ko kanina. Isama mo pa yung pagkamayabang ng Unggoy na yon tss lalo tuloy akong nabadtrip.

Nagulat nalang ako ng may isang babaeng marahas na nag tanggal ng earphone ko. Si Zandy Perez lang pala, ang Bespren ko.

"Ano ba yan Zandy! Nakita ng nagrerelax yung tao eh." bulyaw ko sa kanya.

Sinamaan niya ko ng tingin.

"Eh bakit ba kasi nakanguso ka jan?. Papacute ka papacute?? Tignan mo oh salubong na salubong pa yang kilay mo tss. ano bang problema?"

"Si Joshua at Lavinia kasi nakita ko na namang sweet sa isa't isa. Tapos may mayabang pa akong nakasalubong kanina tsk kainis" nang gagalaiti kong pahayag.

"Psh. Kala ko naman kung napano kana." Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Alam mo bessy move on move on na, di ka na mapapansin nun, nakita mo ba kung pano sila tumingin sa isa't isa? May bituin bessy, doon makikita mong mahal talaga nila ang isa't isa Hahaha kaya kung ako sayo titigilan ko na yan."

"Hay nako Zandy, hindi ko alam kung pagpapayo pa ba yan o nang-aasar ka lang talaga e." inirapan ko siya.

"Teka nga, sino naman yung lalaking nakasalubong mo kan--?"

Hindi niya na naituloy ang dapat sana ay itatanong niya dahil Ilang saglit lamang ay dumating na ang professor namin sa History.

Hayy nakakaantok ang subject na History kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana at nagsimulang mag day dream.

Sa kalagitnaan ng klase ay may dumating na lalakeng matangkad, maputi at gulo gulo ang buhok na hindi mo maipagkakailang nakadagdag ito ng appeal sa kanya.

May narinig na rin akong bulung-bulungan na kesyo ang gwapo, ang hot at ang cool daw netong si Mr. Messy hair.

Kinalabit naman ako ni Zandy.

"Bes ang gwapo niya" kinikilig na sabi niya. Psh. "Destiny yata kami, look oh nakatingin siya sakin" dagdag pa nito
Sabay turo kay Mr. Messy Hair.

"Shhh! Class Quiet!. Mr. Mendez, come in front of your classmates and please introduce yourself."excited na sabi ni Ma'am Pascua. Mahahalata mong maging siya ay naapektuhan ng charm netong unggoy na to.

"I'm James Laurent Mendez. The One and only." At muling dumako ang tingin niya sa pwesto namin ni Zandy, Sabay kindat sa akin.

Psh. Yes, tama kayo ng hula siya yung mayabang at feelingerong unggoy na nakasalubong ko kanina.

Hayy pano ba yan magkakasama kami sa iisang room sa buong sem. Naaalibadbaran pa naman ako sa pagmumukha niya. Hay nako bahala na nga, basta focus muna sa studies.

~~

"Okay that's all for today, Class dismiss."

Lunch na kaya naman niyaya ko na si Zandy para maglunch, kaso nga lang ang bespren ko tinanggihan ako at magkikita daw sila ng boypren niyang si Wenzly sa mall, sabay daw silang mag lu-lunch. Pinilit niya rin akong sumama nalang sa kanila, kaya lang bilang butihing bespren hahayaan ko muna silang magbonding. Hayy pinagpapalit na talaga ako ni Bessy sa Boylet niya.

At dahil nga wala akong kasabay maglunch bumili nalang ako sa canteen ng pagkain, pagkatapos ay dumiretso na ako sa rooftop para duon kumain.

Ayoko kasing makita sila Joshua at Lavinia na naghaharatuan, nagsusubuan ng pagkain at naglalambingan. Bitter ako eh hays.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko, may biglang sumulpot na unggoy sa rooftop na may dala dala ring tray na naglalaman ng pagkain.

Si James.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya.

"What? This rooftop is not yours, and it'll never be yours" nakangisi nanaman niyang sabi at pumwesto sa katabing upuan ko at nagsimulang kumain.

Dahil sa inis ko tumayo ako at iniwan siya roon. Tatapusin ko nalang ang pagkain ko sa room namin, kesa naman makasabay ang unggoy na yon.

~

Natapos na ang klase ko sa buong maghapon at ang bespren ko ay hindi na talaga bumalik, masyado siyang nag enjoy kasama si Wenzly hayy patay na patay talaga siya dun.

Bumiyahe na ko pauwi, napagod din ako ewan ko kung bakit e halos wala pa namang ginagawa dahil first day of school palang.

Pagkauwi ko dumiretso ako sa kwarto ko at payapang nakatulog.

~








I Dare You!Where stories live. Discover now