Dedicated to: @iiGabbyRose
Keep reading lol.Chapter 2
Wednesday 2:50 p.m.
LOYAL CONDOMINIUM Pad 29🎶~Should I write myself?
Out of the History books~
And mark a place in time----~🎶
*Blag!*
Nahulog ako sa sofa sa sobrang gulat sa lakas ng alarm. Hindi naman schooldays ngayon ah? Ahh, may float making nga pala ngayon. Kinapa kapa ko yung cellphone ko para makita ang oras.
(2:52 P.M.)
Sht late na!
"Riella! RIELLA!"
Anak ng! Bakit wala ng tao!? Pinulot ko yung libro na nakatulugan ko at pinatong sa lamesa. Pumunta ako sa kwarto at wala na nga sila dun! Panigurado na una na! Tsk. Napalingon ako sa doorknob at may nakadikit na sticky note.
Dear, Mwah mwah Shezzy
Nauna na kami kasi tulog mantika ka,
Huwag kang magagalit totoo yun gaga.
Atsaka nakakatakot Karin pong gisingin
Senyora. Kaya nagset nalang kami ng
Alarm for you. Hihihi. ^__^V
Noted by Riella
Tsk, simple simpleng paggising sakin, kakatakutan pa? Hindi naman na sila ibang tao. Mga baliw talaga, hahanap ng dahilan para mang asar, alarm daw! Late naman!
Tinignan ko ulit yung relo ko at may 5 minutes pa. Tss, alam Kong hindi pa talaga sila magsisimula dahil pilipino sila at kakaiba ang takbo ng sarili nilang oras. At hindi pa naman siguro magpapasimula si Dec hanggat wala ako. Bias talaga yun sakin pagdating sa mga nahahandle nya, Areseltz first daw..
Hindi na ako nag ayos pa at kinuha nalang ang jacket at bag na naglalaman ng mga simpleng materials. Nag sandals lang ako na leather at kumuha ng isang C2 sa refrigerator.
Dumiretso ako agad sa parking lot at nagmadaling sumakay sa sasakyan. Saglit, bakit ba ako mag mamadali? Tss. Para akong tangang nagdahan dahan sa paglalakad at dahan dahang binuksan and pinto ng kotse, huminga pa ako ng malalim at suminghal.
"Tss, Sha. Para ka nanamang tanga." Bulong ko pa sa sarili bago pumasok saloob ng kotse ko. Pero may kumatok agad sa bintana. Tss, binaba ko any window ng dahan dahan din, Baka batang manlilimos e------ pero hindi yun and nakita ko. Talaga nga naman o.
"Can I join a ride? You're heading to our school right?"
Bakit naman nandito 'tong hayop na to? Tss. Kapal ng mukha makisakay, akala mo naman close kami. Sino sya?
Sya yung nakita ko sa canteen na kakaibago tapos sya din yung nasa rooftop. Lupet din e. Pinanliitan ko sya ng tingin. Hindi man lang ngumiti. Ano to moodswings? Nung nakaraan ngisi ng ngisi, ngayon wala lang? Lul. Dito rin pala and pad nya."Wala ka bang sariling kotse?"
Huminga sya ng malalim at hindi makatingin ng diretso sakin, dahil dun sa tanong ko. Pansinin talaga sakanya ang pagbabago-bago ng mood. Hindi naman siguro to bipolar diba?
"U-uhm n-nasa car wash. Nasa car wash---este oo nasa car wash." Sagot nya. Para syang tanga na paulit ulit na nasa car wash yung kotse nyang nasa car wash. Baliw na ata.
YOU ARE READING
Loyalty Of A Royalty
HumorA story of my friends'. Written and told by GiShaxx. All Rights Reserved© 2017