Kailanma'y hindi magbabago
Ang patingin ko para sayo
Kahit gumuho man ang ating mundo
Mamahalin parin kita hanggang sa dulo
Lagi mong tatandaan
Sa puso mo't isipan
Na ako ay para sayo lamang
Maubos man ang magpakailanman
Asahan mo na ako'y laging naririto
Pag kailangan mo ang tulong ko
Pag pasan mo na ang buong mundo
Mananatili ako sa tabi mo
Mahal kita, walang halong biro
Kailanma'y di mapapagod ang puso ko
Sa kakatibok para lang sa'yo
At yan ang aking pangako...