Cesar
11-01-2015
At exactly 12 midnightDati na kong nagsusulat. Actually, blogger ako. Pero yon nga lang, lagi akong walang 3G kasi nasa probinsya ako. Hindi tulad dati ng nasa Maynila pa ko na lagi akong may wifi kaya nasanay akong magblog. Kaso, pati yong account ko dati, nawala eh. Isang paraan ko rin yon para maalala yong mga bagay na yon.
Taga FEU ako pero stop muna sa ngayon. May rason ako kaya lang, ibang storya na yon.
Ito na yong kwento ko. Hindi naman dahil sa Halloween kaya ko biglang napasulat, sadyang naalala ko lang ang isang pagkakataon sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan, taong 2011.
February 7, 2011 nang naging kami ni Cesar (Hindi niya tunay na pangalan). Matanda ako ng apat na taon sa kanya. 15 siya, ako 19. 2nd year college ako, at siya naman 4th year high school. Gwapo siya, matangkad sa height na 6'3. Varsity, basta heartthrob. Actually, ang panget naming tignan. Haha. Ako kasi, 5 flat lang height ko eh. Kaya talagang sobrang hindi kami bagay. Alam ko naman yon nung una pa lang.
Naging close kami kasi kasama siya ng pinsan ko sa Varsity Team. Madalas ako sa bahay ng pinsan ko tapos madalas din sila don. Pati yong isang pinsan ko, boyfriend niya yong best friend ni Cesar. Pag nagdedate yong dalawa, ako chaperone ng pinsan ko, siya din ng best friend niya kaya madalas, kami nag uusap pag nagdate na yong dalawa. Ayon, naging close kami. Broken hearted ako nun, siya naman, di niya magets yong nililigawan niya kasi 3 years na siyang nanliligaw sa babae pero wala pa rin. Ayon, nagkaigihan, naging kami.
Mabait naman siya. Ako yong mas matanda pero parang ako yong mas bata kasi, madalas ako yong maraming issue. Kahit na nakikita ko naman sa kanya na talagang matino siya. Sa totoo lang, sa tuwing magkaaway kami or nag-aaway kami, laging break up ang suggestion ko. Siya naman, todo suyo. Minsan, narerealize ko na ang sama ng ugali ko sa kanya. Kasi nga, ako talaga ang nagsisimula ng away. Pero deep inside me, sa totoo lang, takot ako. In the 1st place, gwapo siya at talaga namang pinag-aagawan. Kami na din kasi nung nagsisimula siyang maging commercial model. Bagay kasi talaga sa katawan niya. Isa siya sa mga model ng Folded & Hung.
Every week, twice kaming nagkikita. Minsan pa, once lang. May oras din na hindi. Iniintindi ko naman kasi high school siya kaya alam kong busy siya. Lalo pa't varsity at marami na siyang schedule for photo shoot.
Sa tuwing magkasama kami, at habang nalalapit ang graduation niya, natatakot din ako. Ewan ko ba. Pinag-aagawan kasi siya ng mga Universities. Syempre, magaling magbasketball eh. Pero di pa fixed ang gusto niya kasi plano nilang magmigrate sa States pagkagraduate niya ng High school. Isa din yon sa rason kaya di ako masyadong umaasa. Isa pa, iba ang college life sa high school life. Lagi kong sinasabi sa kanya na siguro, kaya lang niya ako nagustuhan dahil naghahanap siya ng comfort. Wala kasi siyang kasama dito sa Pinas except sa Lola niya at tita niya. Parents niya, at mga kapatid niya, nasa states na lahat. Nasasayangan lang siya sa Varsity thing kaya sinabi niya na tapusin na lang daw ang high school niya dito.
After graduation niya, siguro after 3 days yata, inaya niya akong lumabas. Para daw sa post-celebration namin sa graduation niya. Hindi kasi ako nakapunta dahil sa totoo lang, hindi kami legal. Mismong mga pinsan ko, di alam. Nung nalaman kasi ng pinsan kong lalaki nung nanliligaw pa siya sakin, tinanong niya ako kung totoo daw. Syempre, dineny ko. Alam ko kasing magagalit at baka bugbugin ng pinsan ko. At isa pa, kasabay ang mga pinsan ko sa graduation kaya di talaga ako pwedeng mawala that time.
Post-celebration nang dinala niya ako sa bahay nila. Pinakilala ako sa Lola at sa parents niya. Dun din niya sinabi na di na siya sasama sa States at magpapaiwan na lang. Dun na din niya sinabi na ang plano niya eh mag-aral na lang sa Laguna. At don na lang din titira. Akala ko mayaman lang sila, mayaman na mayaman pala. Hindi kasi halata sa kanya dahil napakasimple niya. Aakalain mong average lang. Mas maganda pa nga cellphone ko kesa sa kanya eh. Tinanong ko siya kung san siya titira. Sabi ng Mama niya na yong pag-aaralan niya e sa kanila pala. At hindi lang yon, may lodging pa sa eskewalahan nila na di mo na kailangan pang magdorm sa iba dahil may sarili silang dorm para sa mga studyante nila.