Chapter 1

28 2 1
                                    


"Queen, aattend po ba kayo ng meeting nyo sa Olympus?" Tanong ng isang lalaki sa nakatalikod na babaeng nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Yes. I want them to feel my presence." Sagot nito.

"Okay po hintayin na lang namin kayo sa labas ng office." Saka lumabas ang lalaki.

Tumango na lang ang ngayong nagsusuot na ng kanyang itim na maskara para sa kanyang pag-alis.

Nang makarating ang kotse kung saan sakay ang isang babae ay agad na itong pinagbuksan ng kanyang mga tauhan.

Lahat ng kanyang makakasalubong ay yumuyuko,tumatabi at ang iba'y nakatingin lamang sa kanya ng diretso. Tila sana'y na ang babaeng naglalakad papasok sa Olympus.Ang sikretong lugar kung saan nagkikita-kita ang matataas na tao. Ang mga makapangyarihan sa mundo ng mafia world maging sa gangter world.

Dumiretso ito sa bakanteng upuan sa unahan na syang inuupuan ng pinakamataas sa lahat.Tahimik lang ang lahat habang nakatingin sa babaeng kararating lang. Nakapurong itim ito maging ang maskarang suot suot nya. Nakalugay ang buhok at mababakas ang nakakatakot na aura.

"So can we start?" Tanong nya.

"Ammm. Queen, may bagong grupo ang ngayon ay sumisikat sa mafia world. Black Blood Demons kung sila ay tawagin." Panimula ng isang lalaki sa kanan ng sinasabi nilang Queen.

"And then..?" pagtutuloy nya.

"Tatlo lang sila sa grupo. At natalo na din nila ang ngayong rank 10 sa mafia group. At sa tingin ko gumagawa na din sila ng hakbang para matalo ang kasalukuyang rank 9." Sagot ng lalaki.

"Oww.Nakaka-excite naman masyado ang balita na yan." Natatawang sabi ni Queen.

Natapos ang kanilang meeting ng puro tungkol sa mafia world ang pinag-uusapan. Malamang ano pa ba? Tss.

Habang naglalakad ang queen biglang nagtanong ang kanilang butler.

"Queen,hindi ka ba papasok sa college?" tanong nito.

Ang kasalukuyang butler na kasama ng queen ay sya ring butler ng kanilang pamilya.Matagal tagal na din ng magsimulang magtrabaho si Franco sa pamilya Kim pero bago pa ito magsilbihan ay kilala na ito bilang anak ng kaibigan ng ama ni queen.

Hindi sumagot ang babae. Nagiisip pa ito kung mag-aaral ba sya o hindi. Sa kabilang banda iniisip din nito kung makakapag-aral pa sya sa kabila ng nangyari ang insidente noong 4th year highschool siya.

Isang aksidenteng halos gumunaw ng kanyang mundo.

"Why did you ask?" Matapang pero kalmadong tanong nito.

"Nothing.It's just every student's are now exciting for school." sagot naman nito na ikinataas ng tagilirang labi niya.

"Hello." Sagot ni queen sa phone nya dahil may biglang tumawag.

"Nag-enroll ka na?" Tanong ng kausap nito.

"Nope. And I don't want." Sagot nito.

"Why? Wag mong sabihin ayaw mong mag-aral dahil sa nangyari 2 months ago?!" tanong naman ng kausap.

Walang umimik hanggang sa pinatay na ni queen ang tawag.Saka ito naglakad na.

Tila naalala nya na naman ang nangyari two months ago.








Jenny's pov.

Kasalukuyan akong nasa Kirin Arts University. Isang college kung saan ang talento mo ay mahuhubog pa. Kung makapasa ka sa exams nila. Katatapos ko lang sumabak sa exam at yes natapos ko rin sa wakas. Ang test ay nakabatay sa kung anong kakayahan meron ka.So marunong akong sumayaw kaya naman sa test kung saan ka sasayaw ang kinuha ko. Sa university na ito hindi importante kung matalino ka or what importante may ibubuga ka sa mga talents nila.

Bukas pa lalabas kung anong resulta basta may tatawag na lang sayo.

Hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Hello! Ako si Jenny Park. Half korean half filipino. 18 years old at kasalukuyang nag-eenroll sa isang university. Isang sikat na university. Sabi nila tatlong lalaki daw ang ngayon ang nagmamay-ari ng university nakakacurious nga e.

By the way,pauwe na ako ng may bigla akong nakabungguang lalaki. Nakahood sya at ewan ko ba kung bakit iba yung pakiramdam ko nung nakita ko sya.

"Sorry." paumanhin ko. Kasi nakakahiya naman hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko saka malay ko bang may lalaki akong makakabunggo.

Pero tiningnan nya lang ako. Ano na? Saka umalis.

Grabeh sya?! Tss. Mukhang suplado sayang may itsura pa naman. Saka wait bakit hindi sya nagsorry ako lang ba may kasalanan? Sana gumilid sya nung alam nyang makakabunggo ko sya. Tss. Baka hindi lang din yun tumitingin e. Tss.

Wait bakit nga ba ako hindi nakatingin sa daan? Haay. Ano ka ba naman Jenny! Saan saan ka kasi nakatingin yan tuloy!.

Wala akong nagawa kundi umuwi na lang. Yun naman talaga ang gagawin ko.

Ano kayang nasa isip ngayon ni bestfriend?.Hmmm.Mukhang hindi pa sya nakakabangon sa insidenteng nangyari nung 4th year highschool namin. Haay.

By the way,sana makapasa ako sa university na yun. Yun kasi ang pangarap namin ni bestfriend e ang makapasok sa paaralan na yun. Kaya ginalingan ko talaga.Saka sana mag-enroll na sya dun.





Jeronn's pov.

"Bro,sya ipapasa natin?" napatingin ako kay Jeronn na may hawak hawak na papel.

Lumapit sya sakin saka pinakita yung picture ng isang babae. Familiar yung mukha. Wait saan ko nga ba sya nakita? Mmm.Ah sya yung nakabunggo ko kahapon.Tsk.

Pagkatapos ipakita sakin ay kay Cliff naman sya pumunta.

"Sumayaw sya kahapon." sambit ni Andrew. Bakit parang hindi ko naman sya nakita sa test.Nandun ako e. Tss baka nung nagbanyo ako.

"Tanungin mo si Jeronn." rinig kong sabi ni Cliff."Sya yung isa sa mga judge dun kahapon diba?" dugtong pa nya.

"Bro ano? Pasok? Saka maganda sya ah sayang naman." tanong sakin ni Andrew.

Nag-isip muna ako bago tumango kay Andrew.

"Jenny Kim. Mmmm." rinig kong banggit ni Andrew bago pumunta sa table nya.

Mukhang nacurious ang loko. Haha.

Nandito nga pala kami ngayon sa office naming tatlo. Parang ito na din ang hide out namin kasi nandito na naman lahat. Kwarto incase na dito kami matulog. Basta parang bahay na din yan.

Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga papeles para sa mga nag-enroll sa school namin. Yes school namin.Kami ang nagmamay-ari at kami din ang nagpapatakbo.

Last day na ng pag-eenroll ngayon kaya naman heto kami tambak ang gawain. Haay bakit kasi ayaw ng mga itong kumuha ng assistant.Nahihirapan tuloy kami.

Natapos kami ng mga bandang 6 na ng hapon at saktong nagliligpit na ng may pumasok ng email sa school namin galing sa nagngangalang yourqueen. Ha? Sino yun?

"I want to enroll in your school. I will send my record which I sing."

Pagkatapos naming basahin ay pinindot namin ang record para magplay.

Nagulat ako sa umpisa.Shit. Ang ganda ng boses nya. She's a girl dahil sa boses nya. She has an angelic voice.

Natapos ang kanta ng wala kaming imik na tatlo. Bakit ganun ang epekto nun sakin? Why?







Author's note:

Hello! Thank you sa mga nagbabasa. Vote and comment lang if you want. Magkakaroon nga po pala ako ng thank you corner sa mga magvovote ng bawat chapter nito.Aanounce ko sya sa next chapter. Bye.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon