Chapter 1: Hindi Nga?

126 2 0
                                    

“Let’s separate… I can’t take it anymore”  sabi ko… sa hindi ko na kaya eh. Nakakaswa ang kasweetan nya…

Nakaksuka na… ugh… hindi naman ako mapili sa lalaki, hindi rin ako malandi… sila ang nanlalandi at alam kong yung ‘ano’ ko lang naman ang gusto nila--- money, popularity, and my attention.

Naks… totoo naman eh tsaka pang 20 ko na syang boyfriend at duh!... I’ll tell you nakakasawa sya…. Wala kasing bago

“But Kei… wala pa tayong 3 months diba?” Troy told me.. ano ba sya nagmamakaawa? Huh

“eh ano naman?! Sa ayoko na eh!” inirapan ko na… mainit na ang ulo ko… badtrip lang talaga ako

“Did you even loved me?”

Napabalik yung tingin ko sa kanya? Minahal ko ba sya?

“Yes, I did loved you but…” sabi ko mukang naiiyak na sya oh?

“but why?! Why!?” sigaw nya… buti na lang nasa park kami… hapon na rin kaya wala masyandong tao

Tumayo na ako sa bench at humarap na sa kanya

“because nagsasawa na ako… Troy mabait ka, sobrang sweet, maalaga” totoo naman eh, syang sya mapupunta lang sya sa akin

Lumapit ako sa kanya… tinapat ko yung mukha nya sa mukaha ko at hinawakan yung dalwang kamay  nya

“troy I’m  sorry but the problem is within me… oo I did love you but I can’t pay back your love… nagsasawa na ako na puro na lang ikaw yung nagaalaga sa akin at to tell you the truth hindi ko maisip na kasama kita sa future ko…”

Tumalikod na lang ulit ako… damn this sh*T naiiyak na ako.. T.T

Bigla na lang syang yumakap sa akin

“kei… I understand… maybe we are not really for each other… I’ll wait for you ok?”

Inalis ko na lang yung yakap nya… at naglakad

Tumigil ako at tinaas ko yung right arm ko at kumaway pero nakatalikod

Sorry Troy… I know I’m a bitch

__________________

Hays… nakita nyo na yung 20th boyfriend ko hindi nyo pa ako kilala…

Ako nga pala si Kristine Dela Ceuva… Kei for short… 21 years old… 4th year college taking BS Biology in toot university… malalaman niyo rin yung school ko sa mga pinagdedescribe ko hahaha

And yes may 20 exboyfriend na ako.. first ko si Dave Cruz.. 13 years old..

First love ko sya pero hindi first kiss kasi ginagalang nya raw ako at bata pa kami J mabait naman kami eh

Nagtagal kami for 1 and half years. Sya rin yung first heartbreak ko syempre… dahilan ayaw nya ng long distance relationship… nasa Canada sya hanggang ngayon at hanggang ngayon kaya ako naka 20 na boyfriend kasi  MAHAL ko pa sya..

Iniintay ko pa rin sya.. ramdam ko mahal pa niya ako… oo ganun kahaba hair ko hahaha

Yes… I’m crazy in love with that guy… haysss Dave when will you ever come back…

BTW… papunta na ako sa isang building sa school namin kasi may meeting raw ang barkada… wala akong org kasi busy ako doing  my own things… haha… hindi ayaw ko lang talaga… kasi uwian ako basta ayun nay un ok?

“Ayan na pala si Kei eh” yan si Ina malalaman nyo rin ugali nya basta sobrang daldal nyan

“oh ba’t ganyan itsura mo?” tanung naman nitong si Tintin

“break na ba kayo ni papa Troy?”  sabat naman nitong si Lois

Yan ang barkada ko… konti lang kami… simple lang at medyo sikat rin…  sina Kei, Tin, at Lois mga superblockmate ko yang mga yan eh… kaya kami kami rin yung nagkakasama

“ah eh kilala nyo naman si Troy eh habol lang naman nya eh popularity natin… para makasali sa org.” sabi ko pero don’t misunderstand me… totoo yung sinabi ko kanina lahat yun.. hindi ko lang to sinabi kasi ayaw ko syang masaktan nang sobra..

Angel pa rin ako no!

“sabagay sis, upo ka na at maglalaro tayo” yaya nitong madaldal na Inang ito.. napasok sa utak nito?

“eh ano naman yan ha?” si Tintin… mahilig yan ditto hehehe

“Basta nakita ko kasi to sa isang magazine basta… to papel tapos isulat nyo kung nakailan na kayong boyfriend…. Simula sa simula ha.. as in lahat.” Paliwanag nya…

OK… ayun nilagay ko 20… 2 at zero… tapos nilagay namn sa isang bowl..

“oh ano ngayon?” sabi ni Lois.. kahit kelan talaga mainipin… hahaha

“Yan tapos bunot kayo tapos hulaan niyo kung kanino yun.”

“oh.. nakuha ko 8 marami rin” sabi ni Ina “Hula k okay tintin to!”

“hahaha tama akin yan.. 8 exboyfriend… eto naman yung nabunot ko… 3?” sabi ni Tin na mukang naghahanap pa kung kanino

“ahm… kay Lois to!” sabay turo kay Lois

“hahaha” tawanan naman kami.. sya kasi naman talaga… suplada kasi

“O eh ano naman? Kayo kasi puro boys ang alam… oh next 20? Ang dami naman nito?” sabi nya.. kinabahan ako…

“bessy… ikaw yan… “sabi ni Ina habang nakatingin s akain,

“oo na… alam niyo naman eh..” ano nga ba magagawa ko kundi umoo haist.! Ano ba kasi to?

“so sayo tong 5 Ina” sabi ko…

“oh eh ano namang silbi nito?” tanong ni Lois kay Ina

kasi sabi nung nabasa ko sa magazine na… kapag nagkaroon ka ng exboyfriend na halos umbot mismo sa edad mo… after ng huli mong breakup… hindi ka na magkakaasawa.. lahat ng future mong relationship is just a fling.. at ofcourse may mga scientific basis sila basahin nio…” paliwanag ni Ina

“patay ka na Kei!” nanisi pa tong si Tin

Hay nako yung tatlo tinatawanan na ako… T>T

“what!!!!!!!!!!” napatayo ako

“eh 20 exBF ko eh.. tapos 21 years old ako… ibig sabihin… yung magiging BF ko ngayon dapat hindi kami magkakahiwalay?” napatayo ako… patay ako.. pano yan… gusto ko rin kayang magkapamilya at syempre magkaanak ano!...

“hindi pa ako tapos Kei… sabi eh… pwede mo rin naman ibalik yung relationship mo dun sa mga dati mo kung maibabalik mo hindi daw kasi sila counted yung mga bago lang … tapos at tama dapat sure ka na sa huling bagong BF mo” sabi ni Ina

Patay ako… I’m currently single at hindi ako makapaniwala na last bagong BF ko na to! at OPO naniniwala ako sa magazine nay un… kasi marami kaya yung naituro like how to date, how to fling, kiss, achieve your dream, ditch a boy…. Basta marami

Pano ko sila hahanapin… ayokong matapos ang year ko na walang boyfriend.. hindi naman sa malandi ako… wala kasi akong date sa grad ball at basta… masisira ako nito…. HELP!!!!!!!!!!! >.<

At ako nga pala si Kei… hahanapin ko ulit ang 20 exBF ko… sasalain ko na sila para maging BF ko ulit… para hindi magkatotoo yung spell kung spell man yun… eh pano ko hahanapin yung mga yun…? May thesis pa ako noh!.. graduating…

_______

hi po... newbie lang po ako.. so blessings po!!

psensya na sa magulong idea na pumasok sa isip ko,... basta makisama na lang kayo! mahal ko kayo... :)))

A Magazine ArticleWhere stories live. Discover now