Chapter 1 - The Favor
Myles' POV
Umaga na naman ! *unat-unat*
"Myles? Gising na papasok ka pa" si Mommy. Agad akong tumalon sa higaan ko at tumakbo sa banyo.
"I fell inlove with my bestfriieend, I think I'm inlove" kanta ko habang naliligo. Pero kinalabutan ako bigla sa ideya na mahal ko bestfriend ko. Nah ! Jusko ! Sana hindi. Mapapatay ako nun.
*Tok tok*
"Sino yan?" Tanong ko kasi may kumatok.
"Besh ! Kakalurke ka naman ! Antagal ko na ditey ! Bilis bilis naman besh. Jumbagin kita dyan eh!" Dada ng beshy ko. Sobrang kabaklaan talaga nito kala mo na alien.
"Wait ka lang sa baba beshy" sagot ko. Baka maglitanya na sya eh. Ako nga pala si Myles Grim Ocampo just call me Myles at yung bakla naman na naglilitanya eh beshy kong si Mike Delos Santos you can call him Mika. 6 years na kaming magbestfriend. Kaya nga ako kinilabutan kanina kasi sa ideya na mahal ko bestfriend ko eh sobrang napaka imposible. Parehas kami nang gusto eh, LALAKI.
"HOOOY ! Antagal mo naman dyan ! Flag retreat na daw. Nagtext si Principal !" Inip na sabi nito.
"Hahahaha. Loka ! Ito na ito na !" At tumakbo ako pababa upang kumain. At dahil nandito si Beshy eh pinakain na rin namin. Ilang oras pa ay nagpaalam na kami na aalis na.
"Bye Tita. Sa uulitin. Ansarap po nang niluto nyo" lagi naman nyang sinsabi yan kasi alam ko bukas dito ulit to mag aagahan. Haha.
"Bye ma *tsup*" sabi ko sabay halik sa pisngi.
"Mag iingat kayong dalawa !" Kumakaway si Mama samin.
(School)
"Oy beshy?" Tawag niya.
"Oh bakit?" Kunot noo kong sagot.
"Si Dad uuwi na mamayang gabi. Pwede ba akong humingi nang pabor?" Hm. Alam ko nato.
"Na ano? Itakas ka na naman?" Ganyan kasi pinagawa nya sakin dati eh.
"Hindi. " bigla syang sumeryoso.
"Eh ano?" Ano nga ba?
"Magpanggap kang GirlFriend ko" napanga-nga ako sa sinabi niya. Ako? Magpapanggap? Sige na nga lang. Bestfriend ko naman eh.
"Sige na nga" wala sa sarili kong sagot.
"Thanks beshy ! *Tsup*" Nabigla ako sa ginawa nya. Hinalikan nya ako sa pisngi? Di naman humahalik yon eh kasi nakakadiri daw.
I fell inlove with my bestfriend
I fell inlove with my bestfriend
I fell inlove with my bestfriend
Ba't ba paulit-ulit tong linya na to sa utak ko. Nakakadiri !
"Oh sya beshy. Mamaya huh paganda ka. Kita tayo Babe ^_^ HAHA" Kadiri nya ! May pa babes-babes pa sya.
"Kadiri Besh sige bye ^_^"
At naghiwalay na kami kasi di kami magkaklase.(Still Myles' POV)
*Hikab* Sa wakas ! Last Period na rin. Kakatamad talaga mag aral eh. Tama. Klasmeyt ko pala si Beshy ngayon.
"Babe" isang pamilyar na boses ang narinig ko ngunit binalewala ko lamang ito at patuloy na ako sa pagpasok sa room.
"I love you Babe Myles!" Nagulat ako at humarap ako kung saan nanggagaling ang boses.
"M-mike?" Sobrang nagulat ako kasi yung beshy ko nag-iba. Nag pormang lalaki sya. Natulala lang akong nakatingin sa kanya.
"Hoy! Anyare sayo Babe?" Lumapit siya sakin na parang nag aalala.
"Hoy Loka! Ba't ganyan ayos mo?" Takang-taka na tanong ko.
"Eh kailangan ko nang mag ayos lalaki ngayon eh kasi si Daddy nasa office ng Principal kaya ito ako ngayon." Natatawa ako sa itsura niya. Nandidiri na nasusuka.
"Ehem" pagpaparinig ng teacher namin. Nandiyan na pala siya.
"Sorry Sir" sabay naming sagot ni Beshy at umupo na.
"It's okay. So now let's discuss Statistics. Blah blah blah blah blah" puro ganyan lang yung naririnig ko. Nawawalan talaga ako nang gana kapag Math eh.
"Ms. Ocampo? What is Statistics? You must know the answer because your classmate has already given the answer." Lagot! Pa'no ba ito? Omotoke ?
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiing*
"Class dismissed. We're not yet done Ms. Ocampo. I'll see you tomorrow." Pagbabanta ni Sir. Saved by the Bell !
"Psst! Hoy! Tulog ka na naman !" Pangigising ko sa Beshy kong tumutulo ang laway.
"Mm? Mamaya na Mom *winawagayway ang kamay*" sagot ni Beshy.
"HAHAHAHAHAHAHAHA !" tumawa ako ng malakas kasi iba ang naging sagot ni Beshy. Nyahaha.
"Huh? Saan? Asan ang sunog?" Nagulat siya at bigla syang tumayo.
"Loko!" Binatukan ko lang sya.
"Tara na nga." Sabi nya bigla at lumabas na kami ng room.(OFFICE OF THE PRINCIPAL)
"Dad" tawag ni Mike sa lalaking nakaupo malapit kay Principal.
"Oh anak? Is she the girl you've been telling me?" Napatingin ang Daddy ni Beshy sakin. To the highest level ang kaba ko.
"Good Afternoon Sir" Bati ko sa Daddy ni Mike.
"Oh hija. You are very lovely. Ang galing talaga pumili ng anak ko." Sobrang lawak ng ngiti ng Daddy niya.
"Mana sayo Dad eh." At nag apir sila.
"Sige maghanda na kayo para mamaya Anak and you too Hija. Ang ganda ng mamanugangin ko." Tuwang-tuwa ang Tatay ni Beshy. Kung alam mo lang talaga ng Daddy nya. Di talaga ito matutuwa.
"Opo Sir." Tanging nasagot ko.
"Tito or Dad nalang Hija." Nakangiting sabi ng Daddy nito.
Ngumiti lang ako bilang sagot.
"I think we need to go. Bye Dad." At umalis na kami ni Beshy.
Itotodo ko na ang pagpapanggap mamaya.
THIS IS IT !Itutuloy :)