Capitulo tres.

137 1 1
                                    

"Pre, tawag na tayo, swimming lesson na." -pagtawag sakin ng kaibigan kong si Matthew. P.E. period na pala namin.

"ge, bihis lang ako. Una ka na." -nagmadali na kong tumakbo sa Locker room. Ayokong nahuhuli sa mga appointments ko, especally sa school.

**

Oo nga pala, I haven't yet introduced myself. Ako nga pala si Zinc Atlas, ang pinaka gwapong prinsipe sa buong Asya. De, biro lang, hehe. Graduating ako ng highschool, 17 years old.

5'10 ako, sa gantong height, siyempre basketball player ako. Medium built at fair skinned. Chinito daw ako, at sabi pa nila, cute daw ako.. Sus, hindi ako naniniwala dun, halata naman diba? Gwapo kaya ako.. GWAPO.

**

Lumabas ako sa classroom nang masalabong ko si Sean, bestfriend ko. Meron siyang dugo sa bibig niya.

"Oh, anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya habang naka hawak siya sa braso ko at nanginginig.

"Si JD, pinagbibintangan ako'ng nagnakaw ng laptop niya! Pinabugbog niya 'ko, hindi ko na alam gagawin ko, buti nalang nakatakas ako! Tulungan mo ko Zinc!" -tsk, si JD. Pinakamayabang dito sa school. Mayabang siya kasi tiyuhin niya yung baklang Librarian ng school.

"Asan ba siya?"

"Andun sa balanteng lote, mag ingat ka, tatlo sila." -pagkatapos nun, maayos kong iniwan si Sean, kumaripas ako ng takbo sa bakanteng lote habang tinatanggal yung blazer ko. Mahirap na, baka mabahiran ng dugo nila. Ayoko sa lahat yung pinagtutulungan yung mga kaibigan ko, kaya babalian ko ng buto 'tong JD na 'to kahit tiyuhin niya pa si PNoy.

Dumating ako sa bakanteng lote at nadatnan ko sina JD pati narin yung dalawa niya pang kasama na nagtatawanan sa harap ng laptop niya.

"Hindi mo naman pala nawala eh." pagsingit ko sa kanila. Oo nga pala, ni-record nila yung pambubugbog nila kay Sean at yun yung pinagtatawanan nila.

"Hoy Atlas, huwag kang mangialam dito ah." -Pagsita sakin ng gago.

"Kaibigan ko yan ha?"

"Oo, sisikat din siya oras na ma upload ko to sa internet." -Sabay tawa nilang tatlo.

"Loko ka ha? Eh kung bangasin ko kaya yang pagmumukha mo? Burahin mo yan." -Kalmado ko'ng sabi kay JD. Nun marinig niya yung mga sinabi ko, bigla siyang napatigil sa ginagawa niya.

"Eh kung ayoko? Ano'ng gagawin mo?" -Pag mamayabang sa'kin ni JD.

Tanging sapak nalang sa mukha ang naisago ko sakanya, siguro sa lakas kaya nahulog siya sa kinauupuan niya.

"Gago to ah!" -Sumugod yung dalawa niya pang kasama na mukhang janitor, yung isa naglabas ng patalim. Si Zinc Atlas yata to'n kinalaban nila kaya balewala lahat.

Sa dulo, nakabaluktod silang dalawa dahil sa pagsikmura na ginawa ko sa kanila.

"Sa susunod kikilalanin mo kung sino'ng kakalabanin mo ha? Ang Malas mo naman."

lumapit ako sa kinalalgyan nung laptop niya.

*Crack*

Sigurado akong alam niyo na kung anong ginawa ko.

==========

============

"Zinc, ano? Kamusta?" pagsalubong sakin ni Sean.

"Knockout pre. Ge, bihis na 'ko. Late na 'ko sa P.E. ko."

"Salamat pre. Buti nalang andyan ka."

'Mr. Atlas, Mr. Atlas, I want to see you in the guidance office later, after dismissal.' -speaker announced

Nagtinginan lan kami ni Sean. Ayos lang sa'kin. Kami naman yung tama eh. Kaya' kampante akong naglakad papunta sa locker room.

***

Natapos nang maaga yung swimming lesson, pero siyempre bago ako pumunta ng guidance office dinumog muna ako ng mga babae para magpapicture, pagkakataon na nila to, lalo na't shirtless ako. hehe.

***

Pagkatapos ng photoshoot, este ng swimming lesson eh nagdiretso na ko sa guidance office.

Obsessive StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon