Your Picture (One shot)

43 6 0
                                    

Your Picture (One shot)

"Ang panget mo bata! Umalis kana dito!" Sigaw ng bata sa akin,

Hinigit nung isa pang bata ang buhok ko. Napaiyak ako ng may isa pang bata ang humigit ng buhok ko.

"Tama na b-bata!" Sigaw ko, "M-masakit!"

Umiyak ako ng umiyak ng patuloy nilang hinihigit ang buhok. Naririnig ko ang paglaglag ng mga clips ko sa buhok.

Humalakhak yung isang batang may hawak ng buhok ko, "Akin na tong clip mo!"

Hindi na ako pumalag umiyak lang ako ng umiyak. Patuloy parin sila sa pag higit ng buhok ko at pag kuha ng clip ko sa buhok ko. Ngunit may boses ng batang lalake ang narinig kong sumigaw.

"Hoy mga bata! Tigilan niyo siya!" Sigaw ng lalakeng bata

Pinilit kong iangat ang mukha ko para makita ang sumigaw. Nakita ko siyang tumakbo ng mabilis papalapit sa pwesto namin. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ng mga bata sa buhok ko.

"Ang epal naman nito!" Sigaw nung batang babaeng nakahawak parin sa buhok ko

Pinikit-pikit ko ang mga mata ko dahil sa luha ko. Nasa tapat ko na yung batang lalake na sumigaw kanina. Naka kuyom ang maliit niyang kamao habang sunud-sunod ang pag hinga.

"Alis na! Tatawag ako ng pulis!"

Agad na nagsi takbuhan yung mga batang babae. Rinig na rinig ko parin ang pag sigaw nila at pag sumbong sa kanilang mga magulang.

Marahan niyang hinawakan ang braso ko, "Halika na bata..." Marahan niya akong itinayo

Napakagat ako ng labi ng nakatayo na ako at ng nakaharap na siya. Mas matangkad siya sa akin, nahihiya akong mag pakita sa mga batang lalakeng katulad niya. Lalo na at magulo ang buhok ko at ang dami kong sugat sa aking braso at tuhod dahil sa pagkaladkad sa akin ng mga batang babae kanina

Bumuntong hininga siya, "Ang dami mong sugat..." Inangat niya ang mukha ko gamit ang baba ko, "Bakit hindi ka lumaban?"

Napalunok ako ng makita ang kabuuan ng kanyang mukha. May matangos na ilong, manipis at mapupulang labi, malalim na mga mata at malalim ang titig at tingin, maputi at medyo magulo ang buhok.

"N-natatakot ako---"

Natigilan ako ng lumapat ang kanyang mapupulang labi sa aking noo. Naramdaman ko ang pag init ng aking mukha. Ngumiti naman siya ng nahalikan na niya ako, pumula ang kanyang pisngi at marahan na inilagay ang takas na buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Don't be afraid, I'm here now..."

Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit may nakakuha ng atensyon niya, napataas ang kilay niya ng makita ang kanyang yaya na napapahawak sa ulo nito dahil akala niya'y nawala ang kanyang alaga.

"Nakong bata ka! Buti nakita na kita, aalis na tayo..."

Ngumuso naman yung batang lalake sa akin at napahawak sa kanyang batok. Ako naman ay hindi maka kibo dahil hindi ako makalimot sa nangyari kanina lang, yung paghalik niya sa noo ko.

"Aalis na ako bata..." Nag lakad na siya patungo sa yaya niya at kumaway sa akin, "See you soon..." Tumalikod na siya at nag lakad na palayo kasama ang kanyang yaya

Napayuko na lamang ako at napaayos ng aking buhok. Napakunot ang noo ko ng may makitang papel sa paanan ko.

Lumuhod ako para makuha ang papel na iyon, hindi lang pala normal na papel yon! Isa itong litrato. Litrato nung batang lalake kanina!

Napangiti ako at inilagay ito sa bulsa ng aking bestida. Tatayo na sana ako ng agad na may tumawag ng pangalan ko.

"Viel!" Boses ni mommy iyon, "Viel, anak!"

Nakangiti akong lumingon sa kanya, naglahad siya ng kamay para lapitan ko. Agad akong tumayo at pinagpag ang aking bestida. Tumakbo ako patungo sa kanya, at agad niyang hinalikan ang aking pisngi.

"Akala ko nawala kana!" Niyakap niya ako ng mahigpit

Humagikhik na lamang ako sa kanya, kinalas niya na ang yakapan at kinuha ang kamay ko. Nag lalakad na kaming dalawa patungo sa sasakyan.

Hinawakan ko ang bulsa ko kung saan nakalagay ang litrato nung batang lalake kanina. Napangiti ako ng maalala ulit ang nangyari kanina, na lumapat ang labi niya sa noo ko.

Ilang taon ang nakalipas...

"You may now kiss the bride."

Dahan-dahan niyang inangat ang aking veil. Nanginginig ang kanyang mga kamay at ang kanyang labi kaya kinagat niya ito. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Dahil doon ay natigilan siya sa pag angat ng aking veil.

Hinawakan niya ang baba ko, "Hey..." Nanginginig lalo ang kanyang labi, "Are you happy?" Nabasag ang boses niya

I smiled a bit to welcome more tears. Suminghot ako at marahan na pinunasan ang luha sa aking mga mata. Napansin ko rin ang pag tulo ng kanyang luha at pag kagat niya sa kanyang labi.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang pisngi at itinapat ito sa akin. Pumungay ang kanyang mga matang may luha ng tingnan na niya ang mga mata ko. Ngumiti ako sa kanya at doon niya muling inangat ang aking veil. He cupped my face then he moves slowly to kiss me, I closed my eyes para maramdaman ko pa siya lalo

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao at nakarinig rin ako ng mga humihikbi sa gilid. Napangiti ako sa harapan ng taong mahal ko. Pinunasan ko ang mga mata niya, hinaplos ko ang kanyang pisngi dahil doon ay hinawakan niya rin ang kamay kong nasa pisngi niya

"I want you alone, Viel..." Malambing niyang sabi

Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Me too, baby... I can't wait to be alone with you.

"Ipapangako ko na gabi-gabi mong isisigaw ang pangalan ko...." Tumaas-baba ang kanyang kilay at ngumisi

Pabiro kong hinampas ang kanyang braso. Humalakhak siya at niyakap ako ng mahigpit. Narinig ko ang palakpakan at pag sigaw ng mga guests na mag kiss ulit kami. Pero tila wala kaming naririnig ni Preston dahil naka focus lang kaming dalawa sa isa't-isa.

"Thank you for this day, Viel..." Suminghot siya, "This is the best day of my life, I love you..." Bulong niya sa tenga ko

Humagikhik ako at kinalas ang yakapan. Umangat ang labi ko ng maalala ang fist love ko, gusto ko bago kami mag kaanak at makabuo ng pamilya ay makilala nya ang first love ko.

May hinugot ako sa maliit na bulsa ng aking gown, kumunot ang kilay niya ng pinakita ko sa kanya ang litrato na itinago ko matagal na panahon na. Yung litrato ng batang nag ligtas sa akin, yung lalakeng una kong minahal.

I handed him the picture, "My first love..."

He smiled widely that made me confused and held my hand,

"I lost that picture when I was little..."

THE END

Your Picture (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon