Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter 1: Madam Hearts

Cryslian's Point of View

Habang ako ay pasakay na sa kotse ni Daddy, ay may nakita akong babae. Matandang babae na inaaway ng kapitbahay namin. "Ahm. Dad mauna na po kayo. May dadaanan lang po ako." walang sinabi si Daddy at agad syang umalis. Pinuntahan ko na agad ang kapitbahay at pinagsabihan ito. "Wala na kayong awa, wala syang kalaban laban sa inyo tapos kayo para kayong mga walang pinag aralan. How pathetic. Dapat hindi kayo nirerespeto kung ganyan ang ugali nyo." Pagkasabi ko nun ay umalis na ko. Pumunta ako sa sakayan para makapasok na sa aking pinapasukang paaralan. Ang Oxford University. Private school sya pero normal lang din naman. Tinignan ko ang aking relo,"8:01am". Ok 30 minutes na lang at late na ko pero bwisit naman oh traffic pa. Ilang metro na lang naman ang layo kaya maglalakad na lang ako.

Habang naglalakad ako ay may nabunggo akong matanda. Wierd. Sya yung matanda kanina. Tinulungan ko syang tumayo. "Sorry po." sabi ko sa kanya. "Ah. Iha. Ok lang yun. May gusto pala akong ibigay sayo iha" at agad niyang ibinigay sakin ang baraha. Limang baraha na kung saan ay merong isang Joker na kulay pula, Isang King,Alas,Queen at Jack na diamond. Anong gagawin ko dito? Hindi kaya ako marunong magsugal. Hays. Ano bang gagawin.

"Ah. Lola. Ano po bang gagawin ko dito? Hindi naman po ako marunong magbaraha eh." Sabi ko sakanya. Pero bigla syang tumawa ng mahina. "Iyan ang iyong magiging proteksyon para sa sarili mo. Dahil mamaya ay mawawala ka sa tunay na mundo at mapupunta ka sa ibang dimensyon na kung saan magiging masaya ka." Hindi nakakatuwa yung sinabi nya. Nakakatakot. Ayaw kong iwan ang mundong ito. Mga ilang segundo din akong tahimik at hindi umiimik nang bigla syang magsalita ulit. "Magics are still existing in this world" at ng walang ano-ano ay inimik ko ulit ang sinabi na hawak hawak pa rin ang limang baraha. "Magics are still existing in this world" and everything went black.

Pagmulat ng mata ko. Nasa van pala ako. Hindi ko alam kung ang punta nito. Hindi na rin naman ako umimik. May katabi akong babae. Sosyal. Mayamanin. Hindi ko sya kilala. "Ano kilala mo na ba ako?" Huh? Kilala. Eh ngayon ko nga lang sya nakita eh. "Madam Hearts. Makikilala mo rin ako." At biglang tumigil yung sasakyan. "Madam andito na tayo."sabi nung driver.

" Royale Academy " Pagkabasa ko sa school front gate. Mukhang mayayaman ang students dito. Pero ayoko kong mag aral dito. Kaya naman nila Dad yan eh. Kaso wala akong kakilala dito.
"Tara sa loob. At pupunta na tayo sa office." Sabi ni Madam Hearts. At sumama naman ako. Medyo weird yung paligid kasi parang walang katao tao dito. Mahirap na baka hindi pala maganda ang school na to. Baka patayin nila ako dito. Argh. Bahala na. Nandito na eh. "Ahm. Ms. Cryslian I want to enroll to my school because you helped me awhile ago." "Help po? Talaga?" Nagjojoke ba to? Huh. Hindi nakakatuwa. "Nakalimutan mo na agad? Makakalimutin ka palang bata ka. Hahaha. Ako yung matandang tinulungan mo kanina. Remember?"

O.O
"Ikaw po yun? Seryoso?" Tanong kong gulat na gulat pa rin. Siya talaga yun? Seryoso?
"Ako nga. Hija. Ako nga" Seryoso nyang pagkakasabi. Sino nga ba to? Hays. Ang hirap mag isip. "Bakit po kailangan kong mag enroll dito? Ano po bang magandang iooffer nyo sakin? "

"MAGIC" Magic? Is she crazy? We live in the real state of reality tapos magic? Huh.

"Not so funny Madam Hearts. Not so funny. Uuwi na lang ako at wala naman pala kayong kwentang kausap. Tsk." Sabi ko sa kanya sabay tumayo ako. "Then alis.



Kung makakaalis ka." Creepy. This is the first time na natakot ako ng ganun. Yung parang nakulong na ko. Hindi malaya.

"Wala ka ng magagawa Hija. Hindi ka na makakalabas dito. Dahil simula pa lang nung pumasok ka dito burado ka na mundong nakasanayan mo. Don't mess with me. Hija. Dont mess with Madam Hearts"

Royale UniversityWhere stories live. Discover now