Spoken Words

20 1 0
                                    


Saan nga ba dinadala ng lungkot at pighati ang mga sawi? Yung iba, lalo na yung mga suicidal, nagpapakamatay, yung iba nagyayakag ng inuman kasama ang mga katropa, yung iba, sa kung saan na lang sila dalhin ng pagdadalamhati nila,kahit saan basta may makinig, kahit walang pakialam ang iba, basta mailabas mo lang ang sakit na nararamdaman mo dahil, niloko ka?pinaasa?iniwan?ano pa man ang dahilan, masakit lahat yan basta nagmahal ka...pero alam mo ba na minsan, ang lungkot at pighati ay itutulak ka sa taong magpapabalik sa iyong mga ngiti, sa taong magtutulak sayong....Magmahal muli...

"B-Bakit tayo nandito?"

"Basta, sumama ka na lang sa loob pare...masaya dito."

"Oo nga Zef, di ba gusto mong makalimot...kaya halika dito sa loob at magpapakalimot tayo nina Ivan..."

"Kayo talaga...puro kayo kalokohan..."pailing-iling na pagtatawa ni Zef.

Short for Zephyr John Santillan, 21 yrs. Old, graduated at Polytechnic University of the Philippines and took the course of Bachelor of Science in Accountancy, pero kasabay ng paggraduate nya ay ang paggraduate din ng relasyon nila ng girlfriend nya.Matangkad, Mejo Chinito, Maputi,He is an ideal guy for a girl, He is nice and good at all, matalino, pero tanga yata pagdating sa pag-big. 6 years na sila ng girlfriend nya na si Nicole,anim na taon na punong-puno ng katangahan, 4 years na sila ni Nicole noon, 2nd year college na, nang malaman nyang may ibang lalakeng karelasyon pala si Nicole at kasabayan nya sa tagal, they broke up and that made Zef's life harder, hirap syang magmove on, ilang buwan na punong puno ng panghihinyang at pagsisisi ang naramdaman ni Zef,at halos naapektuhan nito pati ang pag aaral nya. And right at the moment na sinarado nya na ang puso nya para kay Nicole, anong saya naman na nakipagbalikan ito sa kanya. Naniwala si Zef na kung babalik sayo ang taong mahal mo, ibig sabihin mahal ka nga talaga nito at kayo nga talagang dalawa para sa isa't-isa. They lasted for another 2 years, nang bigla syang iwan muli ni Nicole, may iba na itong karelasyon for the second time, and for the last time, nalaman nya na nagpalipas lang ng oras ang girlfriend nya dahil ayaw nitong mabakante. Now here he is, hanging out with his best of friends Ivan and Clyde, trying to wipe all the pain and sadness that he felt...

"What's with this bar? Mga pare, kaya ko kayo niyakag para makapaglabas ng sama ng loob. Kung gusto nyo pala ng may kasamang inuman, sana sinabi nyo na lang, puwede naman sa bahay. Napakacrowded ng lugar na to...at puro bisyo..." pailing iling na pagngibit ni Zef nang maamoy ang usok ng sigarilyo mula sa katabi nilang lamesa.

"Ano ka ba Zephyr John...kaya ka nga namin dinala dito eh, ito ang Bar para sa mga broken hearted na tulad mo...nakikita mo ba yang stage na may lapel at mic sa harapan?..." pagtuturo ni Clyde sa isang maliit at bilog na stage na nasa gitna ng bar kung saan may nakatayong isang lapel na may mic. "...Walang kumakanta dyan. Kung gusto mong maglabas ng sama ng loob mo, pumuwesto ka dyan at sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin..magmura ka kung gusto mo...dadamayan at makikinig lang sayo ang lahat ng nandito..."

"Whoa!...wait lang Clyde at Ivan, seryoso ba kayo sa sinasabi nyo? Eh ni hindi ko nga maipost sa facebook or masabi sa parents ko tong nangyayari sakin eh...Tapos gugustuhin ko pang madinig ng ibang tao na hindi ko naman kilala or hindi ko alam kung may pakialam sakin...pagmumukhain nyo lang akong tanga dyan sa harapan eh...mga trip nyo talaga..." pagtatawa ni Zef.

"Bahala ka Zef...di ka naman namin pinipilit eh, binibigyan ka lang namin ng option...ng better option...di ba Clyde?" sabi ni Ivan sabay ngiti kay Clyde. Nakita ni Zef ang ngitian ng dalawa at napagtanto nya sa sarili nya na pinagtitripan nga lang sya ng dalawa nyang bestfriend.

Nang biglang makarinig si Zef ng malakas na palakpakan, napatingin sya sa paligid upang malaman kung anong dahilan ng palakpakan...Nakita nya ang isang babae, matangkad, maputi, mahaba ang buhok at nakacapna parang tomboy, nakasuot ng skinny jeans na may mga sira, at t shirt na hanging shirt na dahil tila ginupit ang ilalim ng damit...mukhang lasing na lasing na ito habang naglalakad patungo sa Stage na nasa gitna...Kitang kita ni Zephyr kung paano napanganga sina Ivan at Clyde habang dumadaan sakanila ang babae.sexy ito at maganda, medyo singkitin din at maganda. Biglang tumigil ang palakpak nang sandaling makatungtong na sa stage ang babae. Tumahimik ang lahat...Nasilayan ng lahat ang ganda ng dalaga habang tumatangis ang luha sa mga mata...Tumingin sya sa lahat...at ngumiti...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon