Rein's POV
Kanina pa kami ikot ng ikot sa gubat na ito."Sigurado ba kayo na dito ang daan?" Inis na tanong ko.
"Pwede ba rein kanina kapa tanong ng tanong eh! ang kulit mo! wala kanamang natutulong" sabi ni Ella.
Inirapan ko nalang ang bida bida kong kaibigan na si Ella.
Pagod na pagod na ang binti ko kaya minabuti ko na munang umupo sa may batuhan.Napakalakas ng hangin na parang may bagyong darating pero sobrang init at tirik na tirik ang araw.
"Guys pahinga muna tayo dito pagod na pagod na ako" nanghihina kong sabi.
"Sige dito muna tayo mamaya nalang natin ipagpatuloy ang pag aadventure natin" masayang sambit ni Ella.
Nakatulog ako ng mga dalawang oras.
Nang bigla nalang na may tumakip nalang sa akin na lumang papel.
"AY PISTE" inis na sambit ko.
Ano ba tong papel na to.Isang lumang papel.Nang may nakita akong gumagalaw na mga larawan. Nabitawan ko ang papel na hawak ko dahil sa aking nakita.
"Bakit gumagalaw ang larawan?" Nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Pinikit ko ang aking mga mata at tinignan muli ang lumang papel. "Totoo nga gumagalaw ang larawan". Tuwa kong sambit.
Imbes na kabahan ako ay sa halip nagawa ko pang ma excite.Bakit kaya ganun?. tanong ko sa sarili ko. "Guys! Halikayo may ipapakita ako sa inyo." Natutuwa kong tawag sa aking kaibigan.
"Ano bayan Rein? importante ba yan?" Naiinis na sabi ni Ella habang nagcecellphone.
"Basta pumunta nalang kayo dito" sambit ko.
Lumapit sa akin si Josh at kinuha ang papel na kanina ko pa hawak hawak.
"Ano ba itong papel na ito?" tanong ni Josh.
Bigla nalang nabitawan ni Josh ang hawak niyang papel nang makitang gumagalaw ang larawan sa lumang papel.
"Reinnnnn!!! Bakit gumalaw ang mga larawan sa papel?" kinakabahang tanong ni josh.
"Hindi ko rin alam josh kaya nga tinawag ko kayo para makita niyo eh!" sagot ni rein.
Habang nag uusap kami ay bigla nalang lumiwanag ang lumang papel.
"Anong ginawa mo Josh?" pasigaw kong sabi. "Wala, wala akong ginagawa sa papel na yan" sagot ni josh.
"Anong nangyayari diyan Rein?" nag aalalang tanong ni lester.
"Pumunta kayo dito lester at ella may nangyayari dito" sabi ko sa kanila.
"Ano nanamang ginagawa niyo diyan rein.... puro nalang kayo problema. Wala na nga kayong nagagawang matino tapos gagawa pa kayo ng kalokohan." inis na sambit ni ella.
Nagulat rin si ella nang makita ang lumiliwanag na papel.
"Anong nangyayari sa papel?" nanginginig na sabi ni Ella.
"Hindi ko alam!" sagot ko.
Maya maya ay naging ibon ang lumang gusot na papel.
"Sino gumawa non?" nanginginig paring tanong ni ella.
"Wow its a magic" natutuwa kong sambit.
"Wow rein nagawa mo pang magpatawa samantalang kami takot na takot na" sambit ni josh.
"Ang galing kaya akalain mo yon naging ibon ang lumang papel" natutuwa kong sambit.
"Tumahimik ka na nga diyan rein... Kung ano anong pinagsasabi mo wala namang magic talaga sa mundo" inis na sambit ni ella.
"Edi wag kang maniwala,pero ako naniniwala akong may magic sa mundong ito." natutuwa kong sambit
Inirapan nalang ako ni ella kaya inirapan ko rin siya.
"Hala umaalis na yong ibon,tara sundan natin" suhestyon ni josh.
"Sige, isa nanaman ito sa mga adventure natin" masaya kong sambit.
"Wag niyo nalang sundan baka mapahamak lang tayo" natatakot na sambit ni ella.
Tignan moto si ella kanina nagmamatapang ngayon takot na.
"Sige wala ka ditong kasama" pananakot ko.
Inirapan nalang ako ni ella at humawak kay lester.Ang lande talagang babaing ito HHWW pang nalalaman eh hindi nga sila ni lester ehh.YUCK YUCK YUCK IWWWWWWW........
"Tara na guys sundan na natin yung ibon..." sabi ni josh.
"Tara na nga" naiinis na sambit ni ella.
"Common babanos everybody let's go!" natatawang sambit ni josh.
"Manahimik ka na ngalang josh! Puro kalokohan ka nalang lagi! BWISET!" nagagalit na sambit ni ella.
Yan nanaman siya nagmamatapang na naman.Lumiliwanag lang na papel takot na takot na. "Hahahahahaha" natatawa kong sambit.
"Bat ka naman tumatawa diyan Rein?" Tanong ni Ella.
Inirapan ko nalang si ella.
YOU ARE READING
School of magic Academy
FantasyPrologue : This is a only fictional story created by pashnene _09. The characters and the setting is created by colorful imagination.