Author's Notes: Hello! Eto na naman si Rian, may sinulat na ViceRylle oneshot dahil mahal na mahal ko sila at natutuwa talaga ako sa mga moments nila. Hindi ako mahilig sa mga love team ng mga artista pero unique talaga ang ViceRylle kaya gustong-gusto ko ito.
Medyo angsty at malungkot ang sinulat ko. Pagpasensyahan niyo na po. Hindi po ito fluffy, cute at masaya. Naisip ko lang kasi yung mga nangyayari sa kanila nitong mga nakaraang araw pero walang kinalaman sa reyalidad ang sinulat ko. Kathang-isip lamang po ito. Gusto ko lang talagang isulat ito. hihi (=´∇`=)This is also inspired by a video entitled ViceRylle's Pasubali.
(Nga pala, pakinggan niyo ang kanta na “Kung Wala na Tayo” by Big Bang Syndicate habang binabasa ito para dagdag feelings, chos! Haha)
Sana magustuhan niyo mga VK babies! Love lots and enjoy! <3
_______________
Bukas, Makalawa (A ViceRylle Oneshot)
Hi K, kamusta ka na?
Haha, ano ba itong sinasabi ko. Halos araw-araw naman tayong nagkikita kaya alam ko kung anong kalagayan mo. Hindi ko lang talaga alam kung papaano sisimulan ang mga sasabihin ko. Ang dami kasi ng mga iniisip ko ngayon. Ganoon pa man, susubukan ko na isa-isahin ang lahat ng ito at sasabihin ko ito ng malinaw.
Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa mga nangyayari sa atin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko naman sinasadya ang mga kinikilos ko sa iyo. Wala akong masamang intensyon sa mga kinikilos ko at hindi ako galit sa iyo. Sadyang naiilang lang ako kapag magkasama tayo kahit maraming taong nakapalibot sa atin. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito, hindi naman tayo ganito dati eh.
Ang alam ko lang ay kinakabahan ako kapag magkatabi tayo kahit may isang metrong espasyo sa pagitan natin. Hindi ako mapakali. Parang gusto kong tumakbo palayo kapag lumalapit ka sa akin. Hindi iyon dahil sa mabaho ka, baka iniisip mo iyon ha! Kabaligtaran nga kasi ang bango mo. Ay, huwag mo ‘tong pansinin! Sorry, nagkamali ako! Haha!
Mas lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko kapag nagtama ang ating mga mata kahit hindi ko ito sinasadya. Ewan ko ba, parang may magnet ang mga mata mo, hinihila ako para titigan ka lang buong araw. Kapag nangyayari iyon, agad kong iniiwasan na tingnan ka. Pasensya ka na ha, hindi naman sa ayaw kitang makita. Nahihiya lang ako sa iyo. Di ko nga alam kung bakit ako nahihiya eh ang kapal naman ng mukha ko.
Pero alam mo, kapag nakikita kita, may kung anong saya sa puso ko. Oo, gasgas na ang mga katagang ito pero ganito talaga ang nararamdaman ko. Tinatago ko lang ang mga ngiti ko para hindi mo mapansin. Ayaw ko kasing mailang ka sa akin.
Ayaw kong tukuyin kung ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Ilang gabi ko na itong pinag-iisipan ngunit kahit magdamag akong mag-research sa Google o magsunog ng kilay sa kakabasa ng mga libro, hindi ko mahanap ang sagot sa katanungan na ito.
Sa tuwing nakikita kitang masaya sa piling ng iba, naiinis ako. Hindi sa iyo, hindi sa kasama mo, kundi sa sarili ko. Naiinis ako kasi gusto kitang lapitan at makasama pero wala akong magawa. Nagseselos ba talaga ako? Hindi ko alam eh at ayaw kong tanggapin na ito ang dahilan ng lahat. Ayokong isipin mo na nagseselos nga ako dahil masasaktan ka lang at hindi ko kayang gawin iyon sa iyo. Hindi ko kayang tingnan ka na nahihirapan dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Bukas, Makalawa (A ViceRylle One-shot)
FanfictionNatural lamang sa isang tao ang maging makasarili. May mga panahon na gusto natin ang isang bagay na hindi naman naging sa atin at hindi para sa atin subalit hindi natin alam kung bibitawan ba natin ito o hahawakan at paninindigan hanggang sa huli...