I.D Lace

183 9 1
                                    

Mimi's POV

"Goodbye class."

"Good bye Ma'aaaaammm!!" sabay sabay naming bati. Paglabas nung teacher namin ay kanya-kanya kaming puntahan sa kabilang row.

"Oy, Coleen. Anong sunod na subject?" tanong ko sa katabi ko.

Binuksan niya yung diary niya atsaka humarap sakin.

"Math." Simpleng sagot niya.

Oh, okay. Ma-- MATH!!?? YUNG ASSIGNMENT KO HINDI KO PA NAGAGAWA!! MAY AN--

"Good morning, class!" masungit na sigaw nung teacher namin. Waaahhh!! Si Menopause nandyan na! Yung assignment ko T3T

"Coleen , pakopya ng assignment." bulong ko sakanya habang inaayos niya yung papel na pinagsulatan niya.

Umiling naman siya saka sinabi ang mga salitang nakapag-pahina sakin.

"AYOKO NGA!" sigaw niya. Kaya lahat ng kaklase namin ay napatingin sakanya.

"Ms.Zata! Anong problema diyan aber?" tanong ni Ma'am. Kinurot ko naman siya ng palihim saka siya tumikhim.

"Ma'am kasi po si Mimi wala na namang as--" nakayuko na lang ako ng biglang may lumapit sakin.

"Mimi, sorry nga pala. Nakalimutan mo kasi sa bahay yung assignment mo eh. Eto dinala ko oh." takang tinignan ko si Dave na inaabot sakin yung papel.

"Oh, eh anong sinisigaw mo diyan Zata?" masungit na tanong ni Ma'am. Siguro dahil sa takot ay naiwang umiiling si Coleen.

Habang nagche-check kami ng mga papel ay bigla akong tinawag ni Ma'am. Pagkalapit ko ay agad naman akong hinila ni Dave palabas ng room at naglakad oh wait, KINALADKAD niya pala ako -______________-

Pero bago pa man makalabas ay naramdaman ko pa na may nalaglag sa akin kaya naman itse-tsek ko na sana kaya lang ay agad naman sumigaw si Dave ng pagkakalakas-lakas.

"Comiiiinnnggg!!!" sigaw ko pabalik. Lumabas na ako pero bago tuluyang maglakad ay nakita ko pa si Adrian na pumunta sa row namin ni Coleen at yumuko. Problema nun?

.

.

.

.

.

.

.

.

"Oy, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Dave na patuloy parin na naglalakad.

Iniwas ko na lang din ang tingin ko ng maramdaman kong wala namang balak sumagot ni Dave. Kesa naman makipagusap ka sa taong walang balak makipag-usap sayo diba? -_-

Patuloy parin kami sa paglalakad ng biglang magsalita yung katabi ko.

"Pag-ibig nga naman ano? Nasa tabi mo na, naghanap pa ng iba. ." taka kong nilingon si Dave.

"Ano? Nagsasalita ka na namang mag-isa diyan." sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya ng nakakaloko saka sumagot. "Hay nako, tanga na nga. Manhid pa. ." sabi niya at nauna ng pumasok ng room.

Napa-isip naman ako sa narinig ko. Manhid? Tss! Hindi ako yun! Pinanganak na ba talaga akong assuming? T____T

.

.

.

.

.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I.D Lace (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon