Chapter 1
Nicole’s POV
Nicole 7 years old Year 1996 Date of birth: 1989
Ang ingay sa labas. Nakakaingit naman oh, naglalaro na naman ang mga kaibigan ko tapos ako ito, nakahilata sa kama ko. Bakit? Sakitin kasi ako. Siguro sa isang lingo, dalawang beses ako kung atakihin ng sakit ko. Di ko pa maintindihan ang mga sinasabi nila, kung anung sakit ko talaga basta ang gusto ko lang gawin ay maglaro, kaso di pwede. Oo nga pla, Nicole Villegas ang pangalan ko. 7 years old pa lang ako. Kilala ang pamilya namin dito sa Batangas. Sabi nila mayaman daw kami, ang lolo’t lola ko kasi may-ari ng mga Hacienda. Wala pa naman akong pakialam sa mga bagay na yan eh, kasi nga diba ang gusto ko lang ay maglaro. Hilig kong makipaglaro ng habulan sa mga kaibigan ko, kaya nga ayan madali akong mapagod at hingalin. Matigas ang ulo ko kaya lagi akong napapagalitan ni Papa pero si Mama, baby girl kasi ako nun. Kami lagi ang magkakampi ni Mama. Isang gabi nga narinig ko silang nagaaway eh.
“Ang hirap kasi sayo lagi mo yang kinakampihang anak mo kaya napakatigas ng ulo,”boses yun ni Papa.
“Anak mo din siya, anak nating dalawa. Kung ituring mo kasi siya parang hindi iyo.”
Hindi ko naiintindihan ang usapan nila basta ang alam ko nagaaway sila, nagsisigawan. Gusto kong puntahan si Mama pero dahil na din sa takot ko, hindi na ako tumuloy at bumalik na sa aking kwarto ng umiiyak. Panay ang bagsak ng mga luha ko nun kahit gusto ko ng tumigil kasi nahihirapan na akong huminga. Yun ang unang beses na inatake ako ng sakit ko, dun nila nalaman na may sakit ako.
“Nicole, baby,”ang sweet talaga ng boses ni Mama. Natigil ang pagbalik ng alaala ko sa araw na yun, nagpunas din ako ng luha. Di ko napansin na umiiyak na pala ako.
“Oh, Nicole. May masakit ba? Bakit ka umiiyak?”
“Wala po Ma, May naalala lang po ako. Okay lang po ako.”Ngumiti ako para mapakitang okay lang talaga ako.
“Akala ko naman... Baby, wag mo akong pagaalalahanin. Ayokong may mangyari sa’yong masama.”
Di ko na naman siya maintindihan. Bakit kailangang sabihin ni Mama yun? Bakit ganun na lang ang higpit nila sa akin? Sana lumaki na ako para maintindihan ko kung ano ang sinasabi nila.
“Oo nga pala baby, malapit na ang 8th Birthday mo. Isulat mo na ang mga gusto mo ah, pati yung mga iiinvite mo.
Ay oo nga pala, birthday ko na. Excited na ako. Syempre kasi may mga palaro yun, ibig sabihin makakapaglaro na ako at hindi nila ako pipigilan kasi birthday ko yun.
“Sige po Mama. Excited na ako. Diba pwde na akong maglaro nun?”
“Kailangan mo munang magpagaling para makapaglaro ka at saka diba lagi kong sinasabing hindi ka pwdeng masobrahan ng pagod.”
“Opo Ma, magpapagaling napo ako.
Niyakap ako ni Mama. Di ko alam pero ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Narinig ko siyang bumulong.
“I love you baby girl...”
Linggo na ang nakalipas, paghahanda na sa birthday ko. Mamaya na yun, sobrang excited na ako. Fairytale ang theme na napili ko. Palabas na ako ng kwarto. Ang daming tao. Halos lahat ng katulong sa bahay gumagalaw. Tanghalian na pero ngayon pa lang ako lalabas ng kwarto. Masyado akong naaliw na maglaro ng doll house na binili ni Mama sa akin. Regalo nya sa akin yun pero may isa pa daw siyang regalo sa akin eh.
“Magandang tanghali Senorita. Maligayang kaarawan. Kailangan niyo na pong kumain, iinumin nyo pa yung gamot niyo.”
Ngumiti lang ako sa kanya. Si Yaya Loring yun. Siya ang yaya ko pero di ko din siya madalas makasama kasi si Mama ang mas gusto kong magalaga sa akin. Bumaba ako ng hagdan palabas ng bahay namin papuntang garden. Doon kasi idadaos yung birthday ko. May mga dekorasyon at bulaklak na. Kulay rosas at violet ang nakikita ko, ang paborito kong kulay.
BINABASA MO ANG
Connected Life
RomancePaano mo mamahalin ang isang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng nakaraan mo? Magagawa mo bang mahalin ang isang babaeng naging dahilan ng pagbabago mo? O magagawa din niyang mapabago ka at turuan ang puso mong magmahal?