Chapter 2
Nicole’s POV
Present Year: 2004
“Miss okay ka lang?” ayan yung narinig kong tanung nung lalaking tumulong sa akin.
Takot na takot akong tingnan siya kasi baka kung anung itsura na meron siya. Hindi ko pinanuod yung away nila. Hindi ko ata kaya, tapos ako pa ang dahilan. Unti-unti kong inaangat yung ulo ko para makita ang itsura niya. Hindi ko inaasahan yung nakita ko mula sa kanya.
HALOS WALA MAN LANG SIYANG GALOS. Napansin kong may bakas ng dugo yung kalsada, maaaring sa limang lalaki yun.
“Miss, uulitin ko tanung ko. Okay ka lang ba?”
“Ahh-ehh-hm o-oo okay lang ako.” Nanginginig pa din ako habang sinasabi ko sa kanya yun.
“Sige mauna na ako”
Huh? Ganun lang yun? Parang di nya ako tinulungan, uuwi na siya agad.
“TEKA!” sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya lumingon. Dire-diretso lang siya.
Humanga na sana ako sa kanya kaso bastos. Naku! Wag na lang. Anu kaya pangalan niya? Sabi niya kilala siya dito.
Hindi na ako nagtagal sa lugar na yun. Nagpasundo na ako agad kay Yaya Loring. Baka kasi kung anu na naman mangyari tapos wala ng magliligtas sa akin. Totoo lang ang gwapo niya! Sinu kaya yun?
Dumating na yung kotse at umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Di na ako lalabas. Lumalabas lang ako pag may gusto akong kunin. Nagbago na ang lahat simula nung nawala si Mama, maging si Papa nagiba na siya o mas tama kong sabihin na lumalala na.
Ang bilis ng taon. Magpi pitong taon ng wala si Mama. Paghahandaan na naman ang Anniversary niya. Sa wakas mabibisita ko na siya sa Batangas, ang tagal ko na ding hindi nakakabisita kila Lola. Inihanda ko na yung excuse letter na ibibigay ko sa mga teachers ko.
Umaga na. Kailangan ng magsikaso. Nakahanda na sina Yaya sa paghatid sa akin. Parang bata pa din ako. Bantay sarado ng mga kasama ko sa bahay. Si Papa wala naman kasing pakialam eh.
Pagkadating ko sa school dumiretso agad ako sa office para maipagpaalam ng maayos ang pagliban ko sa klase. Palabas na ako ng office ng bumulaga na naman sa akin yung tatlong lalaking laging nangungulit sa akin. Nalaman kong Zeke, Raian at Luke ang mga pangalan nila.
“Hi, Nicole” bati agad ni Luke sa akin.
Tapos bianati na din ako nila Raian at Zeke. Napapansin ko tong tatlong lalaking to na lagi na lang biglang susulpot na parang kabote. Pero kahit hindi ko pa sila ganun kakilala, magaan ang loob kong pakisamahan sila
“Nakakatuwa di kayong tatlo noh? Tuwing magpapakita kayo sa akin biglaan, nagugulat tuloy ako.”
“Pasensya naman Nicole.” Si Zeke ang sumagot sabay ngiti sa akin. Yung ngiting nagpapacute.
“Anu nga pa lang ginagawa mo sa office? May problema ba?” Si Luke ang nagtanung.
“Ahh, wala ah. Nagpasa lang kasi ako ng excuse letter para s apagliban ko ng limang araw sa klase. Uuwi kasi ako ng probinsya naming. Death Anniversary ng Mama ko.”
Napansin kong nagiba ang timpla ng mga mukha nila, pero hindi ko alam kung bakit? Naririnig kong nagbubulungan din sila tungkol sa kaibigan din nilang hindi makakapasok dahil bibisitahin daw ang puntod ng Tatay at kapatid niya. Nakakapagtaka? Parehas kami?
Natapos ang klase sa buong araw na ito at dali-dali akong umuwi para maimpake ko na ang mga gamit ko. Ngayung araw din na ito ang byahe papuntang Batangas. Halos kalahating araw ang byahe papunta sa mismong bahay nila Lola. Maagang bakasyon ko na din ‘to.
BINABASA MO ANG
Connected Life
RomancePaano mo mamahalin ang isang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng nakaraan mo? Magagawa mo bang mahalin ang isang babaeng naging dahilan ng pagbabago mo? O magagawa din niyang mapabago ka at turuan ang puso mong magmahal?