Sa Bawat Iyak may Kasunod na Ngiti (Filipino Activity :))

41 0 0
                                    

Lahat tayo nasasaktan, lahat tayo lumuluha, ngunit ang pinagkaiba lang ay ang dahilan. Pero hindi naman lahat nang luha ay ibig sabihin ay nasaktan tayo, minsan gawa din ito nang pagiging masaya, ika nga nila “Tears of joy”. Minsan inisip ko na lang na sana pwedeng ibalik yung mga panahon na lollipop at candy lang ang iniiyakan ko, yung tuhod ko lang yung nasusugatan hindi yung puso ko.

Maraming beses na rin akong umiyak, minsan dahil din sa sobrang saya dulot nang mga kaibigan ko, pero karaniwan ang mga luha ko ay dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa pag-ibig. Siguro hindi lang talaga ko sinuwerte, o sadyang masyado lang akong napaaga para mag mahal. Pero hindi mo naman kasi mapipigilan ang umibig lalo na pag dumating na ito. Dahil sa pagmamahal, naranasan ko kung pano maramdaman kung paano maging importante sa isang tao. Yung bang na a’appreciate ka nya, nag eefort para lang sumaya ka, At higit sa lahat yung tanggap ka nya kung ano ka. Sa kabila nito, akala ko okay na pero dumating sakin yung panahaon na sobrang nasaktan ako ng dahil sa isang tao na itinuring kong importante sa buhay ko. Hindi ‘ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, sa sobrang bigat ng pakiramdam ko iniyak ko nalang ito at inisip na pagkatpos nito ay hindi na ako muling iiyak nang dahil sa walang kwentang tao.

 Ang pag iyak kong iyon ay nahalata nang aking Ama, hindi ko man nasabi ang dahilan ngunit para bang alam na nya kung ano ang aking pinag dadaanan. Sinabi nya sakin na kung may problema ako ay maaari akong magsabi sa kanya. Sinabi din niya na kung kailangan ko nang kausap ay nariyan lamang siya para sakin, kung sino man daw ang dahilan ng pag iyak ko ay malalagot daw sa kanya. Nakakatuwang isipin na ganito ang Daddy ko, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na siya pa ang makakaintindi sa akin sa mga ganitong sitwasyon. Napangiti ako muli nang dahil sa kanya, na para bang gumaan bigla yung nararamdaman ko.

Nang dahil sa karanasan kong ito, aking napagtanto na hindi lahat ng lalaki sa mundo ay mag kakatulad. Lahat man ng lalaki ay saktan ako, may nananatili paring nag iisang lalaki na kahit kaylan ay hinding hindi ako sasakta, iiwanan at pababayaan, at yun ay ang aking Ama.

hey hey hey! haha wacha'think 'bout this ?? :D

Thanks for reading. Good Day! :)

 @kimmydejesus

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Bawat Iyak may Kasunod na Ngiti (Filipino Activity :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon