Chapter Two

5 0 0
                                    

(Far away’s  Point’s Of View)

            Errrr .. gutom na ko . anu ba to ! ang tagal naman matapos nitong subject ko na ito . Plane and Solid Geometry ang subject ko, hindi naman sa ayaw ko sa subject ko na ito, gustong-gusto ko nga ito ee sadyang gutom lang talaga ko . Pano ba naman 3 HRS na kami andito sa room sakit na ng pwet ko ?!! MAYGAWD !

After 1 hr ......................

  “yey ! sa wakas tapos na . err . im so hungry na nagwawala na yung mga alaga ko sa tiyan ko .” kanino kaya ko papasama bumili sa cafeteria?

huhmmmm .... search-----search-------search ! ah Venice kaya ? ay! busy .  C steve kaya ! papalibre ako crush ako nito ee.. joke lang iyon syempre, wag na akalain nya pa crush ko din siya . ^__^ Alam ko na si Clai — ay ! absent nag pala si Claire ! inis ! ako na nga lang saglit lang naman ee ( >.<  )

 Lumabas na ako magisa at naglakad sa hallway mag-isa . ang lungkot naman . (-.-)

  “Imariiiiiiiiii !!!!!!!” tawag ko kay Imari

Nakita ko kasi siyang lumabas ng room niya , at ngayon mag-isang naglalakad sa hallway parang may hinahanap . Hinahanap? Huh ? sino kaya hinahanap niya ? ako kaya ? o si Scent ? o si Femme ? ay sya ! whatever! Tatawagin ko nalang.

“ hoy !” nice, ang ganda ng bati ko no ?haha. pero hindi niya ako nilingon? Aba ! di ako nilingon ? bingi lang ? bingi lang ?ano ba to ?  bakit ba abalang-abala sya kakahanap dun sa hinahanap niya . HANU DAW ??!! lumapit ako at  kinalabit ko siya , halatang gulat na gulat siya .

“ oh ?ba’t parang nakakita ka ng multo ? putla mo oh !”

“huh ? maputla ba ?” hawak niya yung pisngi niya

Tumaas ang kilay ko “ ayos ka lang ba ?” tanong ko .

“huh ? ah, o-oo o-ok lang ako .”

 Ngumiti nalang akong pilit kahit hindi ako kumbinsido sa sinasabi niya ee. Saka ko na lang siya tatanungin nagugutom na talaga ko ee @__@

“okay. Tara kain na lang tayo gutom na gutom na ko ee (^__^) ” hinila ko na agad siya bago pa man siya makatanggi.

Kumakamot siyang sumama sakin .

( Imari’s POV)

Finance, yan ang subject ko ngayon , kaya maaga akong pumasok pati mga classmate ko kahit gutom na gutom na  kami , terror kasi prof naming dito ee , ayan takot tuloy kaming lahat sa kanya paano ba naman ginagawa kaming elementary at highschool student nito , pag-squatin ba naman ang classmate ko dahil maingay ?! tama ba iyon ? (>.<)

3 hours ang subject naming na ito,  grabe sumasakit ang pwet ko kapag ito ang subject ko isama pa ang utak ko na nadugo na sa dami ng problems at question na ibinibigay sa amin dito. Grabe ! gutom na gutom na ko , ay pati rin pala ang mga classmate ko, selfish lang ? nakatingin lang ako sa prof ko kahit na wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.Iba na kasi ang tingin ko sa kanya, mukha na siyang chicken sa paningin ko.

“Imari , may nagpapaabot oh . ” doon lang ako nabalik sa katinuan, nagulat kasi ako ng bigla akong kalabitin ng katabi ko .

“ huh ?”

“oh ..” inabot niya sa akin yung libro ko

“ huh ?” kinuha ko iyong inaabot niya .

“kumarkarga friend?  Medyo Loading huh?”

Teka paanong napunta sa kanya itong libro ko ? eh halos 3 days na itong nawawala ee . Saan ito galing ? imposible naman na naiwan ko ito sa kanya eh halos mabaliw na ako kakahanap dito, maiyak-iyak na nga ako  kakahanap dito.

“SA WAKAS! Your finally home !” sabi ko sabay yakap ko doon sa libro ko.

“eh ?” salubong ang kilay ni Lucille ng hinarap ako , nagulat siguro sa ginawa ko. Tiningnan niya ako anong-meron-look-niya

Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa reaksyon niya, nagulat yata siya sa ginawa ko

“bakit ?”tanong ko.

“eh kasi ---”

“ oo nga pala , saan mo ito nakita ? 3 days ko na kasi itong hinahanap ee nasa iyo lang pala!” hindi ko na pinatapos iyong sasabihin niya dahil alam ko namang magtatanong lang siya.

Umiling siya . “ wala iyan sa akin, may nagpa-abot lang sa akin niyan noong lumabas kami ni Shem para mag-cr”

“huh? ” iyan ang reaksyon ko  à (-__-)

“Ano friend nabingi na? Lalaki siya , andoon sa labas kanina pero sa tingin ko umalis na iyon kanina pa kasi iyon sa labas ee .”

Teka..teka , ano nga ulit ang narinig ko ? La-la-ki ? tama diba ? diba ?ang problema sino kaya iyon ? iilan lang naman ang close ko na lalaki dito, puro kaklase ko pa! anu ba yan bakit ko ba ito iniisip ah mukhang di naman kami magkakilala noon ee. Pero nababagabag talaga ko . Paano niya kaya nalamang akin ito ? AY ! Day! May pangalan diba? Baka pwede magbasa noh ?.Pero ang daming Imari sa mundong Earth at ang dami-daming students dito sa school, paano niya nalaman na nandito ako ngayon ? Eh, teka bakit ko ba tinatanong ang sarili ko? Ano bang malay ko ?!! psssh.  Hanapin ko na nga lang ng makapagpasalamat na din ako. (>.<)

Tumayo ako at lumakad palabas ng classroom.

“oy ! Mari ! saan ka pupunta ?” tawag sa akin ng kakalase ko

“CR !” iyon ang isinagot ko. Kahit na ang totoo ay magbabakasakali lang ako kung nandoon pa yung “BOY LIBRO” na sinasabi sa akin ng classmate ko.

---- Lakad dito ---- lakad doon ---- kanan ---- kaliwa ---- takbo dito ----takbo doon ---- lingon dito ---- lingon doon ... ahhhhhhhh !!! sakit na ng paa ko paparoo’t parito ko . Nasayang lang ang effort ko perong walang bakas ni BOY LIBRO akong nakita . ( >_<)

“ano ba ito napagod lang ako . balik na nga lang ako sa klase baka magalit na si mr.********” hahah . censored. Bawal sabihin ang pangalan, nakakamatay ! ^_^

Naglalakad ako pabalik sa classroom ko ng biglang may kumalabit sakin na  kung sino, hindi kaya si BOY LIBRO to ? may gawd ! kinakabahan ako ! teka bakit ako kakabahan ? hay naku , adik lang . Lingunin  ko na nga ito ng mapagsino ko itong kabute na ito, biglang  nasulpot ee . ^_^

Ay ! mali babae ito, paanong naging babae? At saka parang si Far away ito ee . Si far away nga ! hala !

“ oh ?ba’t parang nakakita ka ng multo ? putla mo oh !”

Napahawak ako sa pisngi ko ng bigla niyang sabihin iyon “huh ? maputla ba ?”

Tumaas ang kilay niya “ ayos ka lang ba ?” at nagtatakang tinitigan ako .

huh ? ah, o-oo oo-ok lang ako .” pautal kong sagot .

Why am I stuttering ?? GUTOM lang siguro. Bakit parang kinakabahan ako? At NAGHIHINAYANG?

Ngumiti nalang  ito . kahit alam kong pilit iyon , huwag na lang sana siya magtanong.

“okay. Tara kain na lang tayo gutom na gutom na ko ee (^__^) ” hinila niya agad -agad ako bago pa man ako makatanggi sa alok niya.

Napakamot na lang tuloy ako sa dismaya . paano na iyong klase ko ? Carjack ako nito kay sir. Bahala na !

Four Sides of Love [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon