Prologue

10 2 0
                                    

Shan's Point of View

Nandito na naman ako sa pinakamamahal kong kwarto. Pangatlong araw ko nang nagmumukmok, at nag-iiiyak. Paano ba naman yung boyfriend ko na minahal ko sa loob ng mahigit isang taon eh nagawa pa akong saktan at lokohin. Oo, pinahalagahan ko yung mahigit isang taon na yun.  Wala syang ibang pinaramdam sakin kundi ang Pag respeto at pag- mamahal.

“Anak kumain ka muna, hindi ka ba nagugutom? Dalawang araw ka nang ganyan baka magkasakit ka na.” nakailang katok na naman si Mama minsan naiinis na ako pero hindi dapat kasi alam kong concern lang sya sakin.

Oo dalawang araw na akong hindi kumakain, puro tubig lang ako, nagtataka nga ako at hindi talaga nag-wawala ng maigi ang tiyan ko.Hindi rin ako lumalabas ng kwarto ko.

“Ma, wala po akong gana. Ayoko pong kumain” hindi ko inaasahang mapapahikbi ako sa huling salita kong masasabi, kaya kumatok muli si mama ng ilang beses.

“Anak, umiiyak ka na naman ba? Hindi ka ba napapagod sa kaiiyak mo?Buksan mo ang pinto anak Please.” nag-aalala na talaga si mama kaya binuksan ko na ang pinto.

Tumakbo na ako kay mama at agad syang niyakap, hikbi na naman ako ng hikbi. Wala na akong pakialam kung mabasa na ang damit ni mama sa dami ng luhang kumakawala sa mata ko.

“M-ma, a-ang sakit pa rin.Bakit niya ako nagawang saktan ng ganito? Hindi naman ako n-nagkulang d-diba?

Hinahagod na ni mama ang likod ko sa sobrang lakas ng hikbi ko.Pero di ko pa rin magawang tumahan..

“Anak, wala na tayong magagawa dahil kailangan niyang panagutan ang kanyang nagawa. Oo anak, masakit talaga yung nagawa nya sayo, pero wala tayong laban dahil hindi niya kayang takasan yun.” humihikbi pa rin ako pero hindi na gaanong kalakas.Naiintindihan ko naman si mama pero hindi ko pa rin matanggap dahil mahal ko talaga siya.

“H-hindi ko lang po kasi talaga matanggap ma, ang sakit kasi. Sa kabila nang pagmamahal na pinatunayan ko sa kanya tapos sasaktan nya lang ako.”masakit na ang dibdib ko sa sobrang iyak ko, medyo nahihirapan na akong huminga kaya inabutan ako ni mama ng tubig na nagpagaan naman ng konti sa aking paghinga.

“Oh sige anak magpahinga ka muna, pag-uusapan natin yan bukas. Kailangan mo munang pagaanin ang pakiramdam mo ngayon.Matulog ka na.” hinalikan na ni mama ang noo ko. Pero bago sya lumabas ay niyakap ko muna sya ng napakahigpit.

“Thank You Ma, Good Night po” tumango si mama sa akin at sinabing

“Good Night din anak, I love you”  hinalikan ko si mama sa pisngi

“I Love You din po Ma” at saka siya lumabas ng room ko.

Sobrang thankful ko kasi may mama akong handang makinig at umintindi ng pinagdadaanan ko.

Uminom muli ako ng tubig tsaka ako nahiga sa aking kama at natulog.

Broken Heart (On Going)Where stories live. Discover now