Chapter 1

11 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa aking mukha. Pagkamulat ko ay si mamita pala ang humawi ng kurtina.Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya.

“Magandang umaga hija. Nautusan ako ng iyong ina na ikaw ay gisingin na. Bumaba ka na raw at mag-umagahan.”nakangiting sabi sakin ni mamita.Si mamita ay pinakamatandang katulong namin sa bahay. Mabait at mapag-alaga.Bata pa lang kami ay siya na ang katulong nina mama sa pag-aalaga sa amin.

“Magandang umaga rin po mamita, susunod na po ako sa baba.”sabay bangon ko saka naman lumabas si mamita.

Nagpunta muna akong banyo para gawin ang Morning routines ko.Hilamos, Toothbrush, suklay. Saka pa lang ako bumaba.

Nang nasa hagdan na ako ay narinig ko si Mama at si charles, kapatid kong bunso na nagtatalo na naman.

“Ma, payagan nyo na po ako. I'll behave there and I will not do anything bad, promise.”mukhang hindi na naman pinayagan ang kapatid kong lumabas.

“Hindi!, ang ginagawa sa gym ay nag-eexercise, nagpapalakas at nagpapalaki ng katawan, eh ikaw? Anong ginagawa mo doon, nambababae.Tama bang gawain yan anak? Hay nako! You can't leave this house.”halatang ayaw talaga ni mama na payagan ang kapatid ko.
Nahuli kasi sya ng pinsan namin na nakikipaglandian sa mga babae doon sa gym.

Napatawa na lang ako dahil mukhang walang magawa ang kapatid ko. Napatingin naman sila sakin sa lakas ng pag tawa ko, kaya natigil ako.

Hindi pa ako nakakababa ng hagdan ay tumakbo na sakin ang kapatid ko.

“Noona ayaw ako payagan ni Mama.Wala naman akong ibang gagawin dun eh.Tumataba na kaya ako.Kaya kailangan ko nang mag-gym. Please Noona convince mama.”nagpa-pout na naman sya. Kahit natatawa ako sa kanya ay hindi ko magawa, babatukan ako nito eh.

16 years old na siya pero akala mo matanda na kung mag-isip. Minsan nga lang nag-iisip bata.
Hayss

Napatingin ako kay mama pero umiling sya sakin.

“Sige lang po ma payagan nyo na. Basta pag nalaman po ulit natin na nambababae yan,
GOODBYE PHILIPPINES,
HELLO KOREA.”sabay ngiting nakakaloko sa kapatid ko.

Namutla sya sa sinabi ko dahil hindi nya gustong ipadala sya sa Korea.

“Ok,ok basta narinig mo na yung sinabi ng ate mo. Wag masyadong magtatagal dun.”napaka overprotective naman talaga ng mama ko.

“Thank you ma, thank you noona. Promise, hindi po ako gagawa nang kahit anong ikagagalit nyo.”hinalikan na ng kapatid ko ang pisngi namin ni mama bago sya umalis.

“Anak umupo ka na at kumain.”sabi ni mama nang sya ay maka-upo.

Naalala ko naman na pag-uusapan nga pala namin ni Mama yung tungkol sa problema ko.

Kumuha na ako ng pagkain ko at nagsimula nang kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain ko, tumingin sakin si mama.Nagtaka naman ako.

“Ma, ano pong problema?”sabay tingin kong may pagtataka kay mama.

“Ok ka na ba anak?” dun ko narealize na nag-aalala pa rin si mama sa nararamdaman ko.

“Opo ma”, I nod.“Medyo gumaan na po ang pakiramdam ko.”

Wala na akong ibang inisip kundi yung boyfriend ko, no, correction pala Ex boyfriend. Hindi na kami nagkaliwanagan simula nung nalaman ko na may relasyon sila ng bestfriend ko. Oo bestfriend ko, at ang mas masakit pa dun ay nabuntis sya ng ex boyfriend ko. Tinraydor nila akong dalawa na importanteng tao sa buhay ko.

“Anak?,nag wave si mama sakin para kuhanin ang atensyon ko,Anak?” hindi ko napansin na kanina pa pala akong tulala.

“Ano po yun ma?” yun na lang naitanong ko. Masyado akong nadala sa iniisip ko kaya hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni mama.

“Ok ka lang ba talaga anak?”nakakunot na ang noo ni mama sakin.

“Opo ma, may naiisip lang po ako. Sorry poparang hindi kumbinsido si mama sa sagot ko kaya nginitian ko sya.

Hinawakan ni mama ang kamay ko.

“Shan, anak, alam kong nasaktan ka sa mga nalaman mo, oo hindi kaagad mawawala ang sakit na naidulot nun. Bakit hindi ka mag-isip ng pagkaka-abalahan? Yung magpapalibang at magpapasaya sayo? Napaisip ako sa sinabi ni mama.

“But how ma? I don't know what to do. I don't have any ideas.”napayuko ako kakaisip.

Ano bang pwede kong gawin na makapag-papalibang sakin?Wala akong alam. Wala akong maalala na makapagpapasaya pa sakin.

Tumingin sakin si mama na para bang may naalala.

“I thought you like paintings? And you paint when you're in Grade 7.”ngiting ngiti si mama nung sabihin sakin yun.

“So what do you think?”parang nagtatanong si mama kung interesado na ako sabay taas pa ng dalawang kilay. Parang teen like pa rin si mama until now.

“I guess so” naalala ko nung huli kong pagpe-paint may natapunan akong lalaki nun ng ibat-ibang kulay kaya galit na galit sya kasi may reunion sila ng buong family nila at dahil sakin hindi na sya nakaattend, bukod daw kasi sa natapunan na sya eh late rin kaya yun galit na galit.

“Ok ipapabili ko na lang yung mga gamit na kailangan mo.”excited tong si mama..Alam ko naman na kaya nya gustong gusto to para sakin eh para makamove on na ako..nang may pagkaabalahan naman daw.hayss si mama talaga oh.

“No mama, ako na lang po ang bibili, may titingnan rin po kasi ako sa NBS”mahilig ako magbasa ng wattpad. Nung pagbukas ko kasi ng account ko sa FB  nagpost yung author na available na daw yung book sa lahat ng bookstore kaya ako na lang ang bibili ng mga kailngan ko para mabili ko na rin yung book na gusto ko.

“Ok anak,may kasama ka ba?tanong ni mama na nakapagpaisip sakin. Parang boring kasi kung mag-isa lang akong mamimili.“Yayain mo si Jessa, If you want.”

“Ok ma, I just call her at papahatid na lang po kami kay manong sa Mall.”umalis na rin si mama dahil may pupuntahan daw syang business meeting kaya kailangan nyang magmadali.

Tinawagan ko si Jessa, bestfriend ko. Palagi syang nasa amin lalo na pag naisipan naming magbonding. Since grade 2 sya na ang kasama ko with Melissa. Si Melissa yung nang agaw sa ex boyfriend ko na na hindi ko malaman kung bakit nya nagawa yun.

Sinagot na ni Jessa yung tawag ko

“Hello”

[Oh hello shan, napatawag ka?]

“Busy ka ba? Pwede mo ba akong samahan sa Mall?”

[Ahh sige dumating naman si mama ngayon kaya papayagan ako nun]

“Ahh, So dadaanan na lang kita sa inyo?”

[Sige sige]

“Oh sige babye antayin mo na lang ako jan”

[Ok]

Tapos inEnd ko na yung call. Nagsimula na rin kaming umalis ni manong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken Heart (On Going)Where stories live. Discover now