Grade six palang ako simula ng maging FANGIRL ako. Noong makilala ko yung mga idol ko or Bias ko, MAgbabad ako sa Internet. Igogoogle lahat ng pedeng igoogle tungkol sa kanila. Simula sa personal hanggang sa bagay na related sa kanya.
Panonoorin lahat ng video, music video, video clips minsan nga pati yung mga movie na sobrang extra lang sya. Magtititili na parang kaharap yung mga idol ko. Magsesave ng maraming pictures nila sa phone, nakafolder pa. May wacky , Formal pati narin yung mga stolen. Kahit na ang pangit pangit nila dun sa picture na yun ANG GWAPO GWAPO padin sa paningin ko.
Pilit na kinakabisado lahat ng kantang kakantahin nya. Kahit chinese, korean, japanese o kahit nga salitang alien pa yun. Pati nga mga dance step alam. Hindi Dancer pero nagpapaka dancer para lang sa kanila.
Naaalala ko pa nga noon eh. Umuupo pa ko sa harap ng TV namin kapag sila yung feature sa MIX . Todo titig, Kahit sigaw ng mommy ko di ako natitinag. Minsan pa nga meron isang show na feature sila. 10 pm un naalala ko. Natulog ako ng maaga, tapos ng alarm ako ng 9:30 para makapanood at hindi inaantok pag nanood. Nakanote pa sa calendar ko lahat ng panonoorin ko. Kakatuwang alalahanin.
Alam nyo yung feeling na , marinig mo palang yung intro ng kanta naaalerto na agad ung puso at isipan mo? hahaha Ganyang ganyan ako. Pag narinig ko yung pangalan ng grupo o nya napapalingon agad ako. Yun bang parang ikaw yung tinatawag? HAHA oo ganung ganun.
Magsesave pa ko noon ng picture nila sa Usb ko, Tapos ipapaprint ko sa computer shop. Wala pa kasi kaming printer nun. Ilalagay ko sa wallet ko, inspiration. Yung iba ididikit ko sa kung saan saan ko maisipan basta makikita ko.
Hindi ako nakakabili ng mga items na tungkol sa kanila kasi mahal. Kaya magpiprint nalang sa sticker paper para idikit sa pencil case, sa lapis o kaya naman sa ballpen.
Gumawa pa nga ko ng isang blog para sa lahat ng idol ko. Lahat ng tungkol sa kanila nakalagay dun. Pati kung ano anong wacky pictures nila nandun.
Mga alaala nga naman. Nakakatuwang isipin na ang dami ko na palang nagawa para sa pagiging FANGIRL ko.
osya dito nalang muna ah. Next time na ulit.
Nagmamahal,
Fangirl
BINABASA MO ANG
BUHAY FANGIRL <3
FanfictionFANGIRL ka ba? basahin mo to baka makarelate ka. Gusto ko lang ishare yung mga ginagawa, nararamdaman at naiisip ng isang FANGIRL na tulad ko. - Lara