"Hey are you okay?" - she asked
"I'm fine." - I said while looking at her beauty
Geez she is one of a kind. Nakaupo kami sa isang bench malapit sa school. Nakaakbay ako sa kanya habang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. We are looking at the cars passing by. It might sound boring but this is the perfect time to spend with her.
"Huwag mo akong kalimutan, ha?" - sabi niya
Bigla namang napakunot ang noo ko. I know that when time comes, makakalimutan ko siya. It sounds cliché to that extent pero yun naman talaga ang totoo.
"I won't, Anna." - I said and kissed her head
~~~~~~~~~~~~~~~
Sh*t! Late na ako! Ang tagal ko kasing nagising! I went out of bed and hurriedly went to the shower. Pagkatapos kong maligo, dali dali kong sinuot ang uniform ko at bumaba na. Nagsipilyo na din ako. Aalis na sana ako ng bahay ng biglang nagsalita si mom.
"Angelo, have you eaten your breakfast already?" - mom
"Not yet mom. But I'll be sure to eat at the cafeteria." - ako
Mom just nodded. I kissed her cheek before rushing out of the house. Pinaandar ko na ang kotse ko. Malapit lang naman ang school. Sa totoo nga, walking distance lang. Pero dahil malapit na akong malate, nagkotse na lang ako.
Pagdating ko ng Academy, pinark ko agad ito sa parkin lot. Pagkalabas ng pagkalabas ko, naramdaman ko ang malutong na palo sa likod ko galing sa magaling ko bestfriend.
"Geez Drianna that hurts!" - ako
"Huwag ka na kasing ma late, tol! Ang liliit pa ng mga mata mo! Kagagaling mo lang sa paggising no?" - sabi
Grabe ang laki talaga ng bunganga ng babae-lalaking to! Oh? Baka nagtataka kayo kung bakit Drianna ang pangalan niya pero lalaki siya? Tomboy po siya. Hindi naman talaga sa tomboy. I mean, she didn't say anything about her being a lesbian. Kaya tinuring ko na lang siyang lalaki.
"Alam mo naman pala eh! Nagtanong pa." - ako
"Hmm.." - siya
Pinagmasdan niya ng maigi ang mukha ko. Tapos iniikutan pa niya ako. Anong problema nito?
Humarap naman siya saakin at tinitigan ang mukha ko.
"Huwag mo akong titigan uy. Alam kong gwapo ako at nababakla ka na sakin." - I said while smirking
Sinuntok niya ang balikat ko. Hindi naman masakit. Babae pa rin 'to kahit papano.
"Anong nababakla?! Hoy mas gwapo pa ako kesa sayo no!" - Drianna
Kinuha pa niya ang cap niya at nilagay sa ulo niya. Nagpogi pose pa siya.
"Oh ano? Baka ikaw pa nga ang nababakla sa akin eh." - sabi niya
"Tss. Tara na nga. Pasok na tayo." - ako
Inakbayan ko siya at naglakad papasok. Teka, bakit hindi ako nagmamadali eh malapit na akong malate?!
"Walang pasok ngayon. May meeting daw ang mga faculty sa paparating na Graduation ball." - Drianna
"Ganun ba, tol? Hay... Nagamamadali pa ako. Maganda na sana ang panaginip ko." - ako habang nakangiti
Ang ganda talaga niya. Hindi ko lang talaga maalala ang mukha niya. Bakit ganun? Kapag nasa panaginip ka alam mo ang mukha niya pero kapag gising ka na blur na lang ang matatandaan mo?
"Ulol! Pinaginipan mo na naman yang Anna na yan? Tol, naman!" - sabi niya sabay suntok sa balikat ko
Aba nakakarami na siya ah? Napansin kong kanina pa to suntok ng suntok sakin. Ano ako, punching bag?
YOU ARE READING
I Love You, Tol!
Teen FictionHave you ever experienced on dreaming someone you think that is real? Yung napapaginipan mo na may tao kang palaging kasama kaya paggising mo sa umaga hinahanap-hanap mo siya? Pero ang tanong, mahahanap mo ba talaga siya? O sa panaginip mo na lang s...