Hello. Ako si Eunna. 22 years old. Working as a secret agent. No need to mention.
Marami akong friends..
...na puru babae. Well, siguro 25% lang sa kanila ang babae kasi the rest ay puru tomboy na! Nyahahaha. Yes. Puru tomboy ang mga tropa ko. At Wala akong kaibigang lalaki. Nbsb din ako. Kaya madalas pagkamalan ako ng tatay ko na tomboy din.
Pero hindi ako tomboy!
Kapag pumorma ako medyo boyish lang pero pusong babae ako! Mula ulo hanggang paa, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magpakatomboy.
Lalaki ang interes ko kung sa relasyon lang din pero ayoko ng lalaking kaibigan.
One time nagkasagutan kami ng tatay ko patungkol sa tunay kong identity. Nagpaalam kasi ako sa kanila na magkakaroon kami ng business trip sa Palawan. Actually, puru tomboy din ang mga katrabaho ko kaya siguro napapraning na sila. Bilangin lang ang mga tunay na lalaki.
Pinagpipilitan kasi ng tatay ko na tomboy daw ako. Kung hindi ako tomboy bakit daw wala akong interes sa mga lalaki. Bakit wala akong kaibigang lalaki. Bakit puru babae at tomboy ang mga kasama ko. Bakit wala pa akong boyfriend hanggang ngayon.
Ok speaking of boyfriend..
Sa sobrang inis ko kay tatay dahil sa mga panghihinala niya sakin, nasigawan ko sya which I knew was wrong. Umalis ako sa bahay at natulog kila Maxine, isa sa mga kaibigan kong tunay na babae. Wala naman silang problema don. Palagi naman akong nag-o-over-night kila Maxin eh.
May boyfriend sya. I mean.. MGA boyfriend.
Maganda kasi sya kaya madami talaga ang nahuhumaling sakanya. Madami din syang nabibiktima.
"Nakakainis sila! Bakit? Nakita na ba nila kong may karelasyong babae?! May inuwi na ba ko sa bahay at pinakilala ko sa kanilang girlfriend ko?! Hindi ba nila ko nakikitang kinikilig sa mga pinapanuod kong korean dramas?! Hindi ko ba sinasabi sa kanila yung mga crush ko?! Porket wala akong boyfriend, tomboy na?!???" Halos maputol na ang litid ko kakasigaw habang nakaupo lang sa kama niya si Maxin at nakatingin sakin na blangko ang reaksyon.
Buti nalang wala ang parents niya ngayon at pwede akong mag-ingay dito.
"Duday.. eh bakit ba kasi wala ka pang boyfriend?" Tanong naman nito sakin na halos kulang nalang ay iyakan ako sa pinapakita niyang awa sakin.
"Anong bakit? Alam mo na ang sagot dyan duday!" Sabi ko naman sakanya, "bakit? May nanliligaw ba sakin? Eh lahat nga ata ng lalaki sa mundo nasa sayo na!"
"HAHAHAHAHAH!" Binulyawan ako ng tawa ng loka.
"Totoo naman no.." nginusuan ko pa sya para mas kapanipaniwala.
"Hahaha.. gusto mo pahiram ko muna sayo yung isa?" Nginitian ako ni Maxin na may kahulugan. Pilya talaga tong duday na to kaya minsan nagdadalawang isip din ako kung tama bang sakanya ako lumapit eh. Pero sya din naman kasi ang pinaka-close ko sa lahat.
"Yuck! Ayoko ng tira tira mo." Choosy din naman ako eh no kahit nbsb ako no. Ayoko naman ng binasura na.. hahaha.
"Arte mo!" Aniya. "Eh pano mo mapapatunayan sa tatay mo na babae ka nga! Ano? Maghubad ka sa harap niya?!"
"Kahit maghubad pa ko sa harapan nilang lahat!!" Sigaw ko din. Ganito talaga kami mag-usap, nagsisigawan.
"Alam mo duday," hinila niya ko palapit sa kama at tumalbog naman ang katawan ko sa lambot ng kutson niya. "Iisa lang talaga ang paraan para mapatunayan mo sa tatay mo na babae ka nga!"
"Ano?!" Mukang hindi na kalokohan ang nasa isip nito ngayon. Papakinggan ko sya.
"Kailangang mabuntis ka at magkaanak!" Nanlalaki pa ang mga mata niya habang hindi kumukurap na nakatingin sa mga mata ko ding gulat na gulat sa suhestyon niya.
BINABASA MO ANG
Babae ako!
RandomKailangan ko pa bang patunayan sa inyong babae nga ako!! BABAE AKO!!!! -Eunna