"Hindi sya babae! Hindi sya babae! Hindi sya babae!"
Tinanggal ko ang headset ko at tinapon sa mesa saka nagwalk out. Walang pakealam na iniwan ang mga katrabaho ko sa kwartong yon kahit pa alam kong nandoon ang supervisor ko.
"Eunna! San ka pupunta?" Narinig ka nalang na sigaw nito.
Sawang sawa na kong marinig yung katagang yun sa mga nakakasagupa naming kriminal. Eh ano kung kaya kong makipagsuntukan sa mga kagaya nila? Eh sadyang malakas ako eh! Hayst.
Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko ay may lumapag na inumin sa tabi ko. At sinundan ng pag-upo ni Gian. Isa sa mga straight kong workmate.
"Masyado ka atang maramdamin ngayon ah?" Aniya habang nakatanaw sa malayo. Nasa rooftop kami ng building. Mas tahimik. Mas mahangin.
Hindi ako sumagot. Wala lang talaga ko sa mood ngayon makipag usap. Kinuha ko lang ang drinks na binigay niya at walang habas na inubos yun.
"I see.." dagdag pa niya. Akala mo naman sinagot ko yung sinabi niya. Psycho din to eh. Pero alam kong gamay na nito ang ugali ko since matagal naman na kaming magkatrabaho at magkateam. "Wag mo silang pansinin. Judgemental talaga ang mundo ngayon. Maiwan na kita jan. Ituloy mo ng pag-eemote mo." At saka na sya umalis.
See? Kabisado na niya ko talaga. At alam kong hindi lang sya kundi ng buong team. Ewan ko ba pero ang bilis kong mairita ngayong araw. Siguro kakaisip sa lalaking pwede kong maging kasabwat.
Hindi naman pwede yung mga kilala kong straight sa trabaho. Mga may girlfriend na yung mga yon. Kung ganon... sino kaya?
Sumapit ang hapon at uwian nanaman ng mga empleyado. Pero ako asusual, huli akong aalis ng office. May pinatapos lang sakin ang amo.
Madilim na ng makalaya ako sa opisina. Araw araw naman akong umuuwi ng madilim na kaya wala nang problema to sakin. Laki din ng tiwala sakin ng mga magulang ko kaya hindi na sila nag-aalala. Eh mas siga pa nga daw ako sa mga kriminal sa daan eh.
Habang naglalakad patungo sa sakayan ng bus ay nagbeep ang phone ko.
1 mesage received galing kay Rico. Sa kapatid ko.
Binuksan ko kaagad.
Sa bahay ka magdinner. Nagluto si mama ng paborito mong karekare.
Nagreply naman ako agad : Ayoko.
At nagreply din naman siya: wag mo nang pansinin si papa ate! Hihintayin ka namin. Bilhan mo ko ng donut.
Kung minsan natutuwa din ako sa kapatid kong binata. Medyo sweet din sya na medyo hindi. Pero alam ko naman at dama ko na tunay syang lalaki. Hahahaha!
Pagkasakay ko ng bus ay naswertehang walang masyadong sakay kaya nakapili ako ng uupuan ko. Obvious sa pinakapaborito ko. Sa dulong seat katabi ng bintana.
Maya maya pa ay huminto ang bus at may sumakay na tatlong pasahero. Hiwa-hiwalay ang upo nila kaya alam kong hindi sila magkakakilala. Pero yung isang lalaki na nakahood ay umupo sa tabi ko.
Nakapamulsa sya at walang imik. Pero nadadama ko na ang espiritu nito. May lahi to ng pagiging holdaper.
Inilabas niya ang kamay niya na nakapamulsa hawak hawak ang isang icepick. At mukang pinahalata niya talagang ipakita sakin yun.
"Kung balak mong holdapin ako wala kang mapapala sakin. Wala kong pera." Wika ko sakanya. Napatingin sya sakin at nagtama ang mga mata namin. Wow! Walang chemistry. Hindi sya ang hinahanap ko. Hahahah.
"Kung hoholdapin mo naman ang bus na to, go lang. Pero sisiguraduhin kong makukulong ka." Dagdag ko pa saka ipinakita sakanya ang I.D ko.
Napansin ko sa muka niya ang pagkabigla. Mukang hindi sya prepared. Siguro naman kilala niya ang kumpanya ko. At alam niya kung gaano kagagaling ang mga empleyado nito kasama na ko hahahahahah!
BINABASA MO ANG
Babae ako!
RandomKailangan ko pa bang patunayan sa inyong babae nga ako!! BABAE AKO!!!! -Eunna