Deadly Kiss

63 2 0
                                    

Chapter one

Nagsisimula na ang klase nung biglang may kumatok sa pintuan ng silid.

"Pasok" inis na sabi ng guro dahil isang oras na itong late. Pumasok naman ito. nagsimula naman magbulongbulungan ang mga tao sa silid.

"Wow napakaganda naman nya."

"Mukha syang angel."

"Mukha syang perpekto" ilan yan sa bulung bulungan ng klase. Tinitingnan nila ang dalaga ng may paghanga.

"You belong in this class miss?" Nakangiting sabi ng guro, tila nawala ang galit nito nung mapagmasdan ang maamo nitong mukha.

"Yes sir." sabi nito at nagbigay ng tipid na ngiti na naging dahilan para lalo syang hangaan ng ibang kaklase.

"Pwede bang magpakilala ka muna dito sa harapan bago ko simulan ang pagdidiscuss ko dahil ngaun lang kita nakita" tinanguan lamang sya ng dalaga bago pumunta sa harapan at nagsimulang magsalita.

"Good morning everyone, my name is Vivienne Caldwell but you can call me vin for short, 19 years old. Transferee" Pagkatapos nitong magsalita sa harapan ay nilibot muna nito ng tingin ang buong silid aralan para maghanap ng bakanteng upuan. Pagkatapos nitong makakita ng bakanteng upuan ay umupo na ito. nagpatuloy naman sa pagdidiscuss ang guro.

--------------------

Amy pov

Nakatingin lamang ako sa white board at hangang hanga habang nagsosolve si miss vivienne.  Matalino din naman ako pero mas matalino sya. Mula nung nagtranfer yata sya sa school na to puro kaperpektuhan lamang yata ang makikita mo sa kanya. Kaya naging number 1 fan nya ko pero kalaunan nagsimula akong macurious sa kanya dahil para syang robot wala kang maipipintas sa mga galaw nya. Kaya hindi ko mapigilang maging curious sa kanya lalo na pag nakikita ko ang mga mata nyang parang napakadaming hiwagang tinatago.

Pauwi na sana ako sa dormitory nung nakita ko si miss vivienne na naglalakad. Dahil nga ako ay isang curious fan sinundan ko sya. Mukha namang hindi nya ko napapansin kaya pinagpatuloy ko pa ang pagsunod sa kanya. Pero maya maya huminto sya sa paglalakad kaya dali dali akong nagtago sa likod ng puno.  Pagtingin ko ulet kung nasan na sya hindi ko na sya nakita sa hinintuan nya. Luminga linga pa ako para hanapin sya pero hindi ko na sya makita. Kaya naman tatalikod nalang sana ako para umalis pero nagulat ako nung may nagsalita.

"Curiousity kills Miss Lee" kaya naman napatingin ako sa kanya pero binigyan nya lamang ako ng isang tipid na ngiti bago pinagpatuloy ang paglalakad. Nung nakabawi na ko sa gulat ko dali dali na kong tumakbo pauwing  dormitoryo dahil dun ko lang napansing gabi na pala at batid kong delikado sa eskwelahang ito pag gabi. Habang nagpapahinga ko Bigla kong naalala si miss vivienne bigla akong kinabahan kasi sa bandang gubat sya naglalakad kanina dapat pala nasabihan ko sya kanina bago ko nagtatakbo. Ang sabi kasi ay dun daw yung patungong kabilang campus ng eskwelahan na puro mga estudyanteng gangster, mafia at iba pang organization ang nagaaral don, paglabas mo daw sa gubat matatagpuan mo yung campus nila pero haka haka lamang yun dahil wala namang nakapagpatunay na may campus pa sa kabila ng gubat dahil wala namang naglalakas loob na pumasok sa loob ng gubat dahil maraming kwentong nabuo tungkol dito. Marami pa ngang nagsasabi na may naririnig daw na putok ng baril sa loob ng gubat kaya sa tingin ko walang nagagawi don. Lalo akong kinabahan dahil alam kong hindi alam ni miss vivienne ang kwento tungkol don. Pero natatakot na kong lumabas. Bigla ko namang naisip na pumunta na lamang sa kwarto ni miss vivienne, magbabakasakaling naroon na sya. Kaya dali dali akong lumabas sa kwarto ko at tinungo ang kwarto nya.

"Tok tok tok"

"Pasok" malumanay na sabi ng tinig  kaya naman dali dali akong pumasok. Nung nakita ko syang nagbabasa nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang ayos lamang sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deadly kiss ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon