Prologue

2 0 0
                                    

1, 2, 3, 4 ..... I've lost count of how many days, months and years na natutulog ako. Pakiramdam ko malayo na ang aking narating ngunit kaluluwa lang. Nakikita ko lahat, napaparinig ko sila ngunit hindi nahahawakan.



Nakikita ko ang sarili ko, nakahiga sa isang kama, maraming nakakabit na aparato ngunit hindi ko alam kung para saan. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaganyan, mapayat, malalim ang paghinga na tila nahihirapan at napapagod, may mga pilat pa ng sugat na hindi ko alam kung saan ko nakuha. Naaksidente ba ako? May nagtangka bang pumatay sa akin? Hindi ko alam kung saan ko makukuha ang mga sagot sa aking katanungan. Waring isa akong maliit na pusa na naliligaw at hindi alam ang patutunguhan.


Sa mga tao na nasa silid na ito isa, dalawa, tatlo lang ang kilala ko ngunit sa mukha lang. Hindi ko matandaan kung anong pangalan nila at kung kaano-ano ko sila. Pagod na ako maghintay, pagod na ako maglakbay, may pag-asa pa ba na magising ako? Napapunta na lang ako sa isang sulok na kahit sino walang makakapansin ngunit...




"Meron pang paraan para ikaw ay magising" sagot ng isang tinig na hindi ko alam kung kanino nagmula. Hinanap ko ang may ari ng tinig na iyon na muli syang magsalita na labis kong ikinabigla "marami kang pagsubok na kailangang lampasan bago ka magising muli pero dapat maging matapang ka sa mga pagdadaanan mo at malalaman mo" wika nya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata habang nakangiti.

Nakikita nya ako? Ngunit.... Paano? Sino sya?

Geheugen University (The House Of Memory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon