Days passed by, marami akong nakilala, may naging kaibigan ngunit may naging kaaway. Maraming nagagalit sa akin ng hindi ko alam ang dahilan, noong tinangka kong kausapin sila para itanong ang dahilan kung bakit, bigla na lang ako sinaktan. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo nila sa akin. Wala akong kaalam-alam. Pakiramdam ko hindi ako belong sa school na ito dahil sa kanilang ginagawa sa akin. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko na kinaya ang pananakit sa akin ng mga kaklase ko kapag nakakasalubong ko sila.
Bigla ako hinila nung isang babae, dinala sa isang kulob na kwarto at itinali na parang isang makasalanan na tao. Hindi ako makalaban dahil na rin sa sugat na natamo ko, bigla ko naalala ang pamilya ko. Pakiramdam ko, balak akong patayin ng mga babaeng ito, pero bakit? Wala akong kaalam-alam sa ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako. Hanggang sa nakita ko na lang na naglabas ng patalim ang isang babae isasaksak na sana nya sa akin ngunit naramdaman kong bigla na lang nagliwanag ang mga mata ko na labis nila ikinabigla, lumipad sila lahat at hindi ko alam kung paano nangyari yun. Nakawala ako sa kanilang pagkakatali at habang papalapit ako sa kanila, kahit kita kong nasaktan sa sila pinilit pa rin nilang tumayo para makatakbo sa akin. Ano nangyayari sa akin? Isa ba akong halimaw? Bakit ganito?
Naririnig ko ang mga babaeng nanakit sa akin. Nahihimigan sa kanilang boses ang takot dahil sa nangyari. Alam ko naman kung saan sila patungo, sa principal office para magsumbong. Ilang minuto akong nagkulong sa kwartong pinagdalhan nila sa akin, umiiyak at takot na takot.
"Ang babaeng iyan, isa syang halimaw. Sinaktan nya kami at pinalipad. Kitang-kita namin na bigla na lang nagliwanag ang mga mata nya. Halimaw sya! Sasaktan nya tayong lahat!" sumbong ng babae na akala mo ay isang bata.
Pero bago ko ibuka ang bibig ko para magpaliwanag, bigla na lang ako nakaramdam ng hilo. Bago ako mawalan ng malay, nakita ko bigla si Auntie, ikinumpas nya ang kanyang kamay at lahat ng tao na nakapalibot sa akin ay nawalan ng malay at ilang segundo lang sumuod na ako.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Magarbo, maganda, at lahat ng gamit ay mamahalin.
"Gising ka na pala, pinag-alala mo ako. Ano ba ang nangyari?" Napakingon ako sa may-ari ng boses. Si auntie, "asan po ako? Ang ganda ng kwartong ito. Kanino ito?" pabalik kong tanong sa kanya ngunit hindi nya ako sinagot waring gusto nya munang sagutin ko ang tanong nya. "Bigla na lang ako hinila ng kaklase ko at dinala ako sa kwartong iyon. Itinali nila ako, at sinaktan hanggang sa hindi ko na makaya. Nakita kong naglabas ng kutsilyo 'yung isa sa mga kaklase ko kaya lang naramdaman ko na bigla nagliwanag ang mga mata ko at lumipad na lang sila bigla. Auntie, hindi ko po talaga alam kung bakit ako nagkaganun. May mali po ba sa akin?" naiyak na lang ako habang nagkekwento sa kanya."Shhhhh. Walang mali sa iyo. Malalaman mo rin kung sino at ano ka talaga." Bigla ako naguluhan sa sinabi sa akin ni Auntie. Parang pinalalabas nya na hindi ako ang ako ngayon. Ang gulo, wala akong maintindihan. "Dahil sa nangyari kinailangan nating bumalik dito." Saan? Ngunit hindi ko maisatinig ang katanungan na yan. "Masyado tayong napaaga sa ating pagbabalik." Gulong-gulo kong tiningnan si Auntie. "Nasaan po ba tayo? Ano po ang mga sinasabi nyo?" lakas loob kong tanong sa kanya. "Magpahinga ka na, ihanda mo ang sarili mo. Bukas, papasok ka na ulit sa eskwelahan. Umpisa pa lang ng klase bukas kaya nakaabot ka." Tumango na lang ako sa kanya bilang kasagutan. Nablangko ang utak ko dahil sa mga nakita ko ngayon. Totoo ba ito o panaginip lang?
BINABASA MO ANG
Geheugen University (The House Of Memory)
FantasyMemory/Memories can make you or break you physically, mentally, and emotionally. It's either you search for the truth or live with the lie that you been living for a very long time.