WYETH POV
"Anong nangyare dito wyeth?" Tanong ni Kuya Jerome. Eh, anong sasabihin ko?
"Ah. Kuya kasi. Napa bayaan ko" napayuko ako. "Sorry na kuya, di na mauulit" tinaas ko yung right hand ko na para bang nangangako.
"I-fried rice mo na lang yan Yet, wala na tayong magagawa diyan" hoh! Buti nalang mabait si kuya sa akin.
"Ah, sige kuya. Anong gusto mong ulam? May manok sa ref. Pwede ko yung i-prito for you" nakangiti kong sabi. Magiging mabait muna ako ngayon. Hahahaha.
"Yung Hotdog nalang lutuin mo. Mamaya na yung Manok. Ikaw na mag luto sa Hotdog ako na dito sa ino-ver cook mong kanin."
Natawa naman ako. Masungit si kuya sa lahat except lang samin na parte ng pamilya niya. Pero may pagka-masungit siya minsan.
Habang naglu-luto ako naalala ko yung chat namin ni Luhan. Hala, baka nagreply na yun.
IAN POV
Habang naglalakad na ako pauwi sa bahay, naalala ko yung chat namin ni Wyeth Lim Park. Grabe hanggang ngayon di pa siya nag-o-online.
Napatingin ako sa orasan. 2:37 pm. Anong kayang ginagawa niya sa mga oras na ito?
Pagdating ko sa bahay. Napatingin ako sa kabuuan ng aming bahay. Two story house yung bahay namin. May garden siya na sobrang lawak. Pagpasok ko sa loob agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis.
Bumaba ako dahil nauuhaw ako ng may nakita akong isang pigura. Napatitig ako sa likod niya. Kahit naka talikod lang siya kilalang kilala ko siya. Dahil siya ang aking ama.
Napalingon siya sa aking dereksiyon. Tumingin siya sa aking mga mata, wala akong nakikitang kahit isang expression sa kanyang mata. Parang di niya ako anak.
"Ian" tawag niya. Sobrang lamig ng kanyang boses. Napatindig ata lahat ng balahibo ko sa katawan.
Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Dad"
"Remember your promise?" Tanong nito.
"Yes po." Hindi ko iyon makakalimutan. Never.
"Son" napatingin ako kay Dad na tumatawag sakin.
"Dad?" Lumapit ako sa kanya.
"Son? You should be like me when you grow up" nagtataka ako kung ano ang pinagsasabi ni Dad "youre my only son, so you should be my heir"
"Heir?" Takang tanong ko.
"Yup. Ikaw ang magmamana lahat ng kayamanan ko. Promise me Ian, study first"
"Ian" tawag niya sa pangalan ko. "NO Girlfriends" malutong na sabi niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa kwarto. Pag tingin ko sa cellphone ko hindi pa din siya nag-online.
Nahiga ako sa kama at napatingin sa guitara na bigay ng ex-girlfriend ko.
"Babe!" Tawag ni Cathy.
"Babe!" Hinalikan ko siya sa pisngi at ningitian. "Happy 5th monthsary babe!"
"Happy 5th monthsary too babe!" Nasa park kami ngayon at nagpi-picnic. Ganito kami parati kapag monthsary namin.
Ang sabi ng mga kaibigan ko maCATHY daw si Cathy pero mabait naman kasi siya kaya ko siya mahal.
"May regalo ako para sayo babe!" Pagkatapos niya iyong sabihin napatingin ako sa dala-dala niya. Guitara matagal ko na iyong pinag-iponan. Pano niya na bili iyon?
"Pano mo nabili ito, babe?" Tanong ko. Hindi naman sa pinagmamayabang hindi din naman kasi sila ganoon ka yaman at ka hirap pero itong nasa harapan ko na guitara? Masyadong mahal ito.
"Sakin nalang yon babe. Ang mahalaga masaya ka ngayon"
Pagkatapos kumain nalang kami ng masaya.
Napa-iling nalang ako. Bat ko ba kasi iyon na-iisip?
Napatingin ako sa Cellphone ko ng tumunog yun.
WYETH LIM PARK: BAT MO TINATANONG KAMUSTA LOVELIFE KO?
LUHAN XI: WALA LANG.
LUHAN XI: CURIOUS LANG.
WYETH LIM PARK: YUNG LOVE LIFE KO NGAYON? COMPLICATED SA BUHAY NI CRUSH. HAHAHAHA
Aba kahit broken haerted na nagawa pang tumawa. Hahajahaha.
LUHAN XI: AY GANOON?
WYETH LIM PARK: IKAW? KAMUSTA?
LUHAN XI: WALA NA KAMI.
WYETH LIM PARK: OH, MIANHE. ILANG MONTHS KAYO?
LUHAN XI: 9 MONTHS.
WYETH LIM PARK: WOAH! ANG TAGAL NIYO PALA.
LUHAN XI: OO NGA EH. SAYANG.
Pero hindi naman sayang. Mali din naman ang inisip ko sa babaeng yun. Ang landi pala.
WYETH LIM PARK: BAKIT KAYO NAG-BREAK?
LUHAN XI: HINDI NA DAW NIYA AKO MAHAL.
Pero hindi yun totoo. Ang totoo niyan ako ang naki-pag break. Ang totoo niyan--
"Aahhhh!" Napatigil ako sa pagluluto ng marinig ko ang sigaw ng aking kapatid. I-noff ko ang gasul at ang stove.
Pumunta ako sa kung saan ko naring ang tili ng aking babaeng kapatid.
"Try mo lang sabihin niyan sa kuya mo at hindi lang yan ang makukuha mo sakin"
Napatingin ako sa kapatid ko na umiiyak. May pasa siya sa braso niya.
Napatingin naman ako kay Cathy na ngayon ay nakatalikod padin sakin."Anong gusto mong sabihin ko kay kuya? Yung pagiging malandi mo? O yung pagiging demonyita mo?" Matapang na sagot ng aking kapatid na si Yna. "Yung bumili ka ng Guitara para sa kanya at nagpagamit ka sa mga lalaki? Nagpagamit ka para makuha mo talaga ang loob ni kuya at pagnakuha mona. Peperahan mo na siya? O yung mabait ka sa harap ni kuya. Demonyita ka naman sa likod niya?"
Nagpabaling-baling ang tingin ko sa kanila. "Oh? Pumili ka"
Ginamit lang ako ni Cathy? Para perahan? Tapos, di na siya virgin? Malanding babae.
Naging alisto ako ng akmang Sasampalin na sana ni Cathy si Yna. Ng kinuha ko yung kamay niya.
"Fvck" napatingin siya sa kin at nanglaki ang mata.
"Get out!" Utos ko. Pagkatapos ng nangyari noon. Nakipag-break na ako sa kanya. Tama nga ang mga kaibigan ko. MaCATHY nga siya.
WYETH LIM PARK: SA KATAGAL-TAGAL NIYO DI KA NA NIYA MAHAL?
LUHAN XI: OO.
WYETH LIM PARK: HAHAHAHA. YUNG AIRIS OH PARK NANGHIHINGI NG PICTURE MO.
LUHAN XI: LUHAN XI SENT A PHOTO
WYETH LIM PARK: GWAPO.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
LUHAN XI: THANK YOU. ANG CUTE MO DIN.
WYETH LIM PARK: HAHAHAHA! NA-KU-KYUTAN SIYA SAKIN. YIEEEE.
para akong baliw dito na nakangiti.
Inlove na ata ako sa kanya.
YOU ARE READING
Facebook Chat: Love On.
AdventureA one week full of sweetness. Nakilala ni Wyeth Lim Park si Luhan Xi na isang role player ng isang sikat na Artista sa Korea, Si Wyeth Lim Park ay isang Fan ng isang sikat na KPOP group na EXO gayundin si Luhan Xi. Ang kaunahang chat nila ay hindi...