Lies and Truth
By: Frieda Taller
“NOOOOOOOOOOOO!” Malakas na sigaw ng isang dalaga. Dinig na dinig ang boses nito sa buong kabahayan sa lakas ng pagkakasigaw nito na nagmumula sa may study room.
“Calm down Collette. Why are you screaming at your father?” anang ginoo na ama ng dalaga.
“You want me to calm down? You want me to CALM DOWN? For goodness sake dad, how can I calm down when you want me to marry a stranger all of a sudden? Dad, this is insane!” histerikal na wika ng dalaga. She’s screaming at him on the top of her lungs.
“Hija, Axel is a good guy. And I know he will be a responsible husband for you. He’s smart, handsome and rich. He can help you manage our business when I’m gone.” Anang kanyang ama. “And he is your childhood friend before his family migrated abroad. Hindi mo na ba siya natatandaan?”
“No! You can’t drag me into this foolishness of yours!” ani Collette. “Hindi ko siya natatandaan at kung matandaan ko man siya, di ko pa rin siya pakakasalan.” at tumayo na para iwan ang kanyang ama.
Hindi niya malaman kung anong nakain nito at bigla-bigla na lang siyang ipapakasal sa kung sinong lalaki na hindi man lang niya kilala. Hindi naman siya bata para utusan nitong gawin ang isang bagay na pagsisisihan niya habang buhay.
She promised that she will marry the guy whom she loves and will love her back. Kaya hindi siya makakapayag sa desisyon ng ama niya na magpakasal. Kesehodang alisan siya nito ng mana, hindi siya magpapakasal sa lalaking tinutukoy nito. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para hindi matuloy ang kanyang kasal.
Kinabukasan, nakipagkita siya sa kanyang best friend na si Stefani.
“Anong sabi mo? You’re getting married. Are you sure?” sunud-sunod na tanong nito sa kanya.
“Yeah, that’s what my dad said to me last night but I disagree. Definitely not. Over my dead sexy flawless body. Hindi naman ako basta magpapakasal sa kung Sinong Pontio Pilato.” Aniya.
“At talagang dinescribe mo pa yung katawan mo eh no? So, anong balak mo friend? Paano mo mapipigilan ang kagustuhan ni tito?”
“I don’t know. I’m still thinking about it. Maybe I need to go somewhere where he can’t find me.” Then she sips on her pina colada.
“Saan naman? For sure, ma-ta-track down ka niya kung lalabas ka ng bansa.”
“Yeah, I know. Kaya dapat dito lang sa Pilipinas ako magtago. Hindi ko rin gagamitin ang mga atm’s and credit cards ko para di niya malaman. Saan nga kaya?” At pareho silang napabuntong-hininga. Maya-maya ay biglang nagsalita si Stefani with her eyes wide open.
“Remember Paolo?”
“Paolo who?” tanong niya na animo hindi talaga kilala ang binanggit ng kaibigan.
“Si Paolo, yung dating nanligaw sa’yo. Remember, inaaya ka niya sa isang private island na pagmamay-ari ng pamilya niya. Hindi naman siya nakapunta sa inyo so for sure, hindi siya kilala ni Tito Luis.”
“Tama! Oo, naalala ko na. Yung mukhang nerd na si Paolo na parating nakasuot ng makapal na salamin dahil malabo ang mata at parating naka-polo na naka butones hanngang sa leeg.” Collette said while snapping her fingers. “at parating nakapomada ang buhok kaya kahit humangin eh hindi nagugulo ang buhok? At pag nakangiti, kita ang mga braces niya dahil medyo sungki ang mga ngipin?”
BINABASA MO ANG
LIES AND TRUTH (ONE-SHOT STORY)
Romance“NOOOOOOOOOOOO!” Malakas na sigaw ng isang dalaga. Dinig na dinig ang boses nito sa buong kabahayan sa lakas ng pagkakasigaw nito na nagmumula sa may study room. “Calm down Collette. Why are you screaming at your father?” anang ginoo na ama ng dala...