Missunderstood

4 1 1
                                    

Palagi nalang akong namimissunderstand

Palagi nalang akong nababaliktad.

Yung mga bagay na ginagawa ko
hindi nila naiintindihan
Hindi nila naiintindihan kung bakit ko ginagawa yun kaya kung ano anong rason nalang ang pumapasok sa isipan nila na kahit mali naman ay pinapaglaban nila dahil yun yung sa tingin nila ay totoo.

Bakit ganon?
Iba naman naman yung rason ko
Iba naman yung pinupunto ko
Iba naman yung ipinararating ko
Iba naman yung purpose ko
Pero iba yung pagkakaintindi nila
Iba yung nakikita nila
Kaya ayun
Naiiba din yung pagtingin nila .. sa akin
Naiiba din yung pakikitungo nila .. sa akin
Kasi iba yung nararamdaman nila e.

Bakit ganun
Iba naman ako sa kung ano ako sa iniisip nila
Hindi naman ako tulad nung pagkakalarawan nila
Pero ganun parin yung halaga ko para sa kanila
Hindi naman nasusukat o nadidikta ng mga bagay na ginagawa ko kung sino ako pero wala naman akong magagawa para maitama kung ano yung maling pagtingin nila
Tsaka kahit ano namang gawin mo o sabihin mo ay mayroon at mayroon paring sasabihing masama ang ibang tao kahit gaano pa man kaganda at kabuti yun dahil ganun ang kalikasan ng tao.

______________________________________

Palagi nalang akong nababaliktad sa kung sino at ano ako.

Mga SaloobinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon