Mark My Word -8.

36 8 0
                                    

Wala akong makita.. Ang dilim ng paligid at tanging liwanag sa maliit na bintana lamang na galing sa buwan.. Gabi na.. Ginalaw ko bahagya ang katawan ko pero hindi ko magalaw.. Nakatali ang kamay ko at paa.. Hindi din ako makapag salita para makahingi ng tulong dahil my nakatakip sa aking bibig.. Hindi ko din maiwasan makaramdam ng pananakit tiyan at ilong dahil sa masangsang na amoy.. Nakakasuka pero hindi ko na ito napapansin dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking ulo. Masakit pa din ang pagkahampas dito. Sino? Sino ang my gawa nito..

Ilang oras na pero tahimik pa din sa paligid. Wala bang magliligtas sa akin?

Lumipas pa ang ilang minuto ay narinig kong bumukas ang pinto na paniguradong nasa likod ko.

Mga yabag ng sapatos ang naririnig ko sa aking likuran na sa tingin ko ay papunta saking dereksyon. Sa tingin ko ay madami sila.. Sino kayo anong kailangan niyo o sa madaling sabe..

"Anong gagawin niyo sakin.."

"Boss ano bang gusto niyo gawin namin dito?" Rinig ko sa bandang kanan na alam kong isa sa kanila..

"Kayong bahala. Basta gusto ko maghihirap muna siya bago niyo itapon kung saan na walang makakakita. Naiintindihan niyo!?" Isang boses na pamilyar.. Bakit, Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo? Hindi ko kasalanan lahat! Kung my dapat lang magalit ay ako iyon..

"Pahirapan muna, Bago natin patayin."

"Pahirapan muna, Bago natin patayin."
"Pahirapan muna, Bago natin patayin."
"Pahirapan muna, Bago natin patayin."
"Pahirapan muna, Bago natin patayin."

Paulit ulit kong naririnig.. Hindi ko magawang gumalaw na kahit paghinga pilit kong pinipigilan, Ayoko malaman nilang gising ako. Mamatay na ba ako?

"Gising kana pala." Hinawakan ako nito sa buhok at sinabunutan.. Masakit, Dumagdag sa sakit ng paghampas sakin kanina. Ang boses na pamilyar.

"Argh!" Sigaw ko ng tanggalin niya ang tape na nakatakip sa aking bibig.

"Gawin niyo na ang dapat niyong gawin. Siguraduhin niyong hindi kayo papalpak."

Nakita ko pa itong kumuha ng upuan at umupo sa bandang gilid ng silid na kinalalagyan namin..

Panunuodin moko habang nahihirapan? Demonyo ka!

Ito ba talaga ako? Hindi naman ako ganito.. Nag bago lahat. Ayoko ng bumalik sa dating ako.. Nangako ako.

"ARGGHHHH!" Sigaw ko ng sapakin ako ng tatlong beses sa tiyan ng isa sa kanila dahilan para masuka ako ng dugo..

Tinanggal ang tali ko sa paa at kamay, Wala din naman akong magagawa at hindi ako makakalaban dahil sa sakit ng pagkakasuntok na iyon.

Akala ko yun na, Hindi pa pala..

Pero nagkamali ako..

Hampas..

Palo sa iba't - ibang parte ng katawan ko.

Nakarecord ba ang boses ko? At sigaw ko lang ang naririnig ko pati ang tawanan nila.

Hindi pa sila nakuntento..

Isang matalim na bagay at sa palagay ko ay patalim na itinarak sa tagiliran ko na siyang dahilan ng pagka bagsak ko..

Eto na ba? Nanlalabo na lalo ang paningin ko. Blurred na dahil sa dugo at pawis na lumalabas sa katawan ko..

Isang malakas na sigaw ang nagawa ko na parang yun na ang natitirang lakas ko.

Isang malakas na bultahe ang bumalot sa katawan ko. Kuryente na siyang dahilan nito..

Hindi pa sila nakuntento ay inulit pa ng limang beses at yun na ang huli hininga ko..

** ** **

"Unknown po'vs"

"Napatay niyo ata!" Sabe ng isa sa amin na siyang leader namin.

"Sige na itapon niyo na yan." Si Eros. Siya ang nagutos ng lahat ng ito.. Matalik namin siyang kaibigan at kababata ko. Kaya kung sino ang kaaway ng isa kaaway naming lahat. Pero di ko mapaliwanag kung bakit sa gantong paraan niya gusto gumanti. Hindi gantong eros ang kilala ko. Pero dahil my bayad ding siyang biigay at kailangan talaga namin ng perang malaki wala kaming magagawa..

Sanay naman na ako sa mga gantong gawain pero parang iba ito dahil ito ang pinaka mahirap, Dati kasi pumapatay lang kami agad agad pero hindi na namin pa pinapahirapan kaya masasabe kong kawawa ang lalaking ito.

"Oh ikaw na bahala magtapon jan kung saan, Dating gawi." Utos ni michael.

"H-huh? Ah sige. Ihi lang ako." At lumabas nga ako dahil ayoko iparamdam sa kanila na medyo kinakabahan ako, Baka isunod nila ako. Haist!

Nag sindi din ako ng sigarilyo at pumasok na.

"Oh nasan na?" Tanong ko dahil wala na ang lalaking parang gulay na lanta.

"Nasa sasakyan, Tapon mo na."

Pumunta na ako sa sasakyan at nagmaneho. Ilang oras din ay nakarating na ako sa lugar kung saan madalas kung tinatapunan ng napatay namin. Maganda kasi magtapon dito, Walang makakakita dahil tago at medyo malapit sa amin..

Bumaba na ako at binuksan ang likod ng sasakyan ko na pinaglalagyan ng kawawang katawan..

Binuhat ko toh at inalapag na lang kung saan.

"Okay na, Tapos na." Sabe ko sa sarili ko at umalis na para umuwi..

Sanayan nalang siguro ang gawain ganito dala na din ng hirap magagawa mo talaga toh..

"Lolo nandito na ako" Tawag ko kay lolo. Siya lang ang nagiisang pamilya ko. Kahit sa edad niyang yon malakas pa siya.

Nasan na kaya yun. Siguro nasa labas nanaman.

Naghanda na ako ng makakain ng marinig ko ang malakas na katok sa labas..

"Apo! Buksan mo." Si lolo na yan siguro.

Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng makita ko ang nasa likod niya. Paano?
-
-DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT ^O^

"Mark My Word"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon