"maaaaaaaaa!!mama koh!!!huhuhu!maaaaaaahhhh!!"
tawag ko sa papaalis kong mama
matapos ang isang linggong pamamalagi nya sa bahay nila lola ko ay iiwan na naman nya ako sa pangangalaga nila lola.Nagtratrabaho bilang katulong si mama sa pamilyang cruz ,minsan nagaalaga sa unica iha ng mga cruz si mama.Sya nagaalaga ng ibang anak samantala ang anak nya ay pinapaalaga sa mama ni mama ko .Kasama ko si lola at ang pangalawang asawa ng lola ko bale step grandfather ko sya.Mabait naman si lolo sa totoo nga makadyos si lolo ,maaga nagigising si lolo para magdasal at magbasa ng bibliya .Minsan may pumupunta pa na kachurchmate sila lolo sa bahay ,dun sila nagbabible study.
7taong gulang ako nun iwan ako ni mama sa puder nila lola.Tagatulong kanila lolo at lola sa gwaing pangsimbahan at gawaing bahay.Likas kay lolo ang pagiging negosyante kaya madalas marami kaming tinitinda nasubukan ko na din maglako ng bracelet na gawa sa mga makikintab na bato ,donut na gawa ng lolo ko at minsan taga bantay sa play station na pinapagamit sa mga mahihilig maglaro .Hindi ko naman kailangan kunin ang pera nila dahil ihuhulog lang nila un piso coin nila dun sa machine tapos boom ok na pwede na gamitin .Kailangan ko lang bantayan dahil kapag nawiwili un mga batang naglalaro dun at kapag sila ay natatalo madalas nilang pokpokin un mga pindutan dun at ikot ikotin un joystick .Nasanay na ako sa ganun sistema ng buhay ko.Kaya minsan kapag umuuwi si mama sa bahay ni lola sanay na ako iwan ulit ni mama.
lumipas ang isang taon ganap na walong taong gulang na ako.Madalas ako manguna sa klase at masali sa brain quiz
.Nagkaroon ng pagsusulit sa skol namin na ang tanging kasali ay ang ibat ibang klase ng studyante mula sa ibat ibang klase ng paaralan .Hindi ako nanalo pero pangalawa naman ako .Halos lahat ng mga studyante na kasama ko ay kasama ang kanilang taga suporta pero nasa court sila.Para kapag nalaman na ang resulta ng examination e deretso na rin sa awarding .Kahit pangalawa ako ay makakatanggap din ako ng medalya na ang tanging magsasabit ay ang magulang mo pero dahil busy sila lolo at lola sa negosyo nila walang pumunta para suportahan ako .Si mama naman ay hindi pwede umalis dahil walang magbabantay ng alaga nya .Kaya ang umakyat para sabitan ako ng medalya ay ang adviser ko nun grade two ako.Medyo nahiya pa ako sa mga studyante na andun dahil wala man lang akong kasama sa pagakyat at pagsabit ng medalya.
Paguwi ko dala dala ang medalya ,natuwa sila lolo at lola .Pero si mama mukhang di nya alam dahil di sya pumunta o tumawag man lang sa akin para kamustahin ang pagsusulit na sinalihan ko.
BINABASA MO ANG
love lost
Sonstigessabi nila ang love daw ay kailanman di mawawala .Ang love daw ay nagmula pa kay God. Love para sa pamilya Love para sa kaibigan Love para sa taong minamahal at Love para sa sarili paanu kapag un "love"na un ay wala ako "walang"love para sa pamilya...