Part 1 {The School}

28 2 0
                                    

"Welcome to Marlkinton High School Mam!" Bati ng gwardya pagbaba namin sa kotse. Nandito kami kasalukuyan sa Parking Lot

Malawak.

May Magagandang gusali

May mga matatangkad na puno.

May mga ibong huni ng huni.

Sariwa ang hangin.

Malinis.

Yan ang mga nasabi ko sa unang pagpasok ko sa paaralang Ito. Nandito ako kasama si Mommy para mag enrol sa bago kong school. Oo,  mag t-transfer ako dahil sa isang malalim na reason.

"Ano pong nais nila? " dugtong ng guard. Habang nakatingin saamin ni Mom.

"Balak ko po sanang i-enrol ang anak ko" magalang na sagot ni Mommy habang inaayos ang kanyang bag.

"Sa Admin po mam. Tara po sunod po kayo" sagot naman ng gwardya sabay tumalikod at naunang maglakad para ituro saamin ang daan.

"Totoo ngang malawak ang paaralan na ito. Katulad ng nakita ko sa website" sabi ni Mommy habang busy kakakalikot sa kanyang cellphone.

"Opo" matipid na sagot ng gwardya sabay huminto sa paglalakad. "Dito na po" dugtong nito sabay turo sa building na maliit.

Nahalata ko na, na ito ang admin dahil sa nakasulat na 'Administration Office', hindi rin naman ito kalayuan sa Parking Lot. Agad namang bumungad saamin ang isang babaeng nakasalamin. Maputi. Makinis. Maganda.

"Goodmorning Mam! I'm Cristina Sophia Bianca Andrea C. Gatchalian, Highschool Teacher. How may I help you po?" magalang na bungad niya kay Mommy.

Grabe ang pangalan niya ang Haba haha. Grabe ang presensya na pinadama saamin ng staffs. Dumungaw ako sa gilid ng office kung saan pwede mo na makita ang buong campus. Napagtanto ko na huni ng ibon lang ang nagiingay dahil bakasyon palang tatlong linggo pa bago ang pasukan.

"I want to enrol my daughter." matipid na sagot ni Mommy.

Agad naman siya Inabutan ni Ms. Cristina ng Application Forms, pinaupo naman kami para komportable sa pagsusulat si Mom. Habang inaantay si Mom na matapos, iginal ko muna sa paligid ang aking mga mata at pinagmasdan ang silid. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Ms. Cristina, bigyan ko siya ng isang malawak na ngiti at agad naman nitong sinuklian. Tinignan ko ang papel na sinusulatan ni Mom pero nasa kalahati palang siya. Ramdam ko ang pangangalay niya sa dami ng sinulat nya at isusulat niya.

"Can I help you?" suggest ko, dahil ramdam ko ang pagngalay ng kanyang kamay. Mabilis namang umiling si Mom, at kinindatan ako. I know na sanay na siya sa mga ganitong mahabang pagsususlat.

Pagkatapos ng siyam na minuto tumigil si Mom sa pagsusulat.

"Done!" sabi nito at inabot kay Ms.Cristina ang mga papel.

"Do you have the requirements now?" tanong ni Ms.Cristina.

Agad namang nilabas ni Mom ang isang long brown envelope na may complete requirements na sa loob. Chineck ito ni Ms.Cristina at sumenyas saamin na sumunod sakanya. Medyo maliit lang pala ang loob ng admin.

"Pwede po bang kami muna ng anak niyo ang Magusap? May onting questions lang po kaming ibibigay, nakalaan sa lahat ng tranferees. Hindi naman po kami magtatagal" sabi ni Ms.Cristina habang nakangiti kay Mom.

"Ah ganon ba? Take your time my dear" Sabi ni mom at umupo muna sa isang monoblock sa labas ng room. Agad ko namang sinarado ang aming pinto.

"Upo ka muna" sabi ni Ms.Cristina at umupo rin siya.

"Introduce Yourself. Reason of Transfer. Past School. And a bit  Family Background" sabi niya. Agad ko namang sinunod iyon.

"Hi! My name is Ma.Franchezca Xyza Merille R. Villanueva, R. for Rodriguez. I'm 15 years old. March 18 2002. From Hilton High Academy. My Mom's name is Ma.Rafhaela R. Villanueva and my Dad is Jose P. Villanueva. I have a older brother named Jhon Michael R. Villanueva with an age of 18 and a younger sister Sofia Francine R. Villanueva with an age of 11. I transfered because I've been part of an big fake scandalous Issue in my past school, They involved my name because they hate me. That's all" sabi ko. Hingal na Hingal ako dahil medyo mabilis ang pagbibigkas ko ng bawat salita.

"Okay! I know pronounce you as a Marlkinian. Yan ang tawag sa mga taong nagaaral sa school na ito. Let's Go." aya niya sakin para lumabas.

"Accepted na po siya Mommy. June 9 po ang pasukan. June 8 po ang kuhaan ng sections." sabi ni Ms.Cristina.

"Thanks" matipid na sagot ni Mom at nagmamadaling lumabas. "I have a important meeting My Dear, drive yourself alone. INGAT!" Mabilis niya akong hinalikan sa noo at sumakay sa motor ng kanyang Secretary. Iniwan niya sakin ang susi para umuwi.

Tumakbo ako hanggang Parking Lot, bago ako sumakay ng sasakyan may narinig akong boses.

"PST." sabi nito, napalingon naman ako kung saan nanggaling ang tunog.

"Lumipat ka na" dugtong ng boses. Agad namang nagsitayuan ang aking mga balahibo.

Nagmamadali kong pinaandar ang makina at mabilis na nagpaharurot nito.

Agad namang nanumbalik ang salitang binitawan ng taong hindi ko nakita.

"Lumipat ka na"

Ano kayang ibig sabihin nun?

Sino kaya siya?

Pagkatapos ng isang oras nakarating na ako sa aming bahay. Hindi sa pagmamayabang pero ito'y malaki, may parking lot para sa apat na kotse at may garden kami, meron pang mini park at swimming pool. Agad akong dumiretso sa aking kwarto. Naaalala ko ang mga iiwan kong memorya sa Hilton.

*Beep*
Nagulat ako sa tunog, agad kong kinuha ang aking Cellphone at tinignan ang mga messages.

'From: Bessy'

"Tuloy ka na ba sa paglipat? Hindi na ba yan ma ka-cancel? Kung Hindi na nga, mag-ingat ka a? Bisita ka dito minsan. Mahal na Mahal ka nami Chezca. Pupunta kami dyan bukas. We Will Miss you :*"

Napa buntong hininga ako ng maramdaman ko ang pangingilid ng akong luha. Masakit na iwan ko ang aking mga kaibigan dahil halos 7  years na kaming magkakakilala. Pero iniwas ko lang ang pangalan ko, dahil puno na ito ng kahihiyan sa dati kong school.

Pagkatapos kong basahin ang mess. ni Niana ay agad kong inayos ang kwarto ko, at inutusan ang mga maid na i-prepare ang bahay. Parang Farewell party mangyayari bukas. Masaya in other half malungkot kasi baka ilang months pa bago kami magkikita kitang muli.

"I'm home my dear" pang gugulat ni Mom na biglang pumasok sa kwarto ko.

"Oh Mom, you scared me"  sabi ko nang may onting tawa habang pinupunasan ang aking luha.

"What's the matter my dear? Why are you crying?" Alalang tanon ni Mom. Agad ko naman yun sinuklian ng iling para masabing 'wala po'.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Star SectionWhere stories live. Discover now