Kabanata 2

5 0 0
                                    

"Omigaaaaaaash!! Excited na excited na ako!!"  Sabi ko at nag-tatatalon. Manonood kasi kami ng 'The beauty and the beast.

Naka-pila na si kuya sa pa-bilihan ng tickets.......Haaaaaaay!! Antagaaaaaaal!!!

2 minutes lang ang tinagal ng pila. Hindi kasi tulad sa ibang mall, dito sa robinsons ay mabilis lang ang pila, kaya ito ang paborito kong puntahan na mall... maliban sa MOA, Trinoma at ang Robinsons Antipolo ay wala na akong iba pang favourite na mall.


"Mamayang (1:15 pm) pa ang atin, so may time pa tayo na bumili ng snacks. Let's go guys!" Oo, guys, "guys" kasi kasama si cole, Ej, si cobhie, at si Jane. Kasama ako syempre. Ito ang tinutukoy ko na guy's night nila.

"Guys makinig kayo, si cobhie at jane sa drinks, alam nyo naman na ang gusto namin kaya umalis na kayo" Umalis na ang dalawang. "Kayong dalawa sa S&R, bibili tayo ng 5 pizza, yung hiwalay. Tapos 5 fries, at 2 burgers" Yesss!! Alam talaga ni kuya ang mga gusto kong order! Fries, pizza, and burger!

Aalis na dapat kami pero napahinto si cole "Eh ikaw? Anong gagawin mo?" Tanong ni  cole

"Titingin lang ako sa paligid, miss ko nang pumunta dito eh" Sabi ni kuya at napa-tingin sa paligid.

"Alam mo jake, libre namang mangarap eh, wag mo lang isagad. Hahahaha!" Sabi ni cole at hinila na ako palayo. Hahahaha! Panigurado ay nairita si kuya sa asar nitong si cole. Mangchi-chix na naman kasi sya. Ay oo nga pala, sagot ni jane ang lahat ng bibilhin namin. Sya kasi ang natalo sa 'Maiba taya. Hehehe

Nang natapos na naming mabili ang lahat ng kailangan namin ay saktong 1:15 nang makapasok kami sa loob ng sinehan. Pero hindi pa pinapalabas ang movie so nag picture-picture muna kami.

"Ayan na, yan na, yan na!!" Sabi ko at napatingin na sila sa harap. Kung tinatanong nyo kung bakit ito ang napili naming movie ay dahil ito sa disney child kaming lahat....... maliban kay Jane.

Sa kalagitnaan ng movie ay hindi ko napigilang kilabutan. Si jane at cobhie kasi... nag-aano.... ano.... nagki-k♡ss. Hindi ko tuloy na-enjoy yung movie. May sitting plan din kasi si kuya kaya nakatabi ko sila.

(Kuya)   (Cole)    (Ej)    (Cobhie)  (Jane)  (Ako)

"Cobhie....cobhie...." Sabi ni jane habang tinutulak si cobhie.

"Yes?" Malambing na tanong ni cobhie kay Jane.

"P-please stop, c-obhie" Sabi nya na nauutal.

"Peste kang babae ka! Hanggang dito ba dadalhin mo yang kalandian mo?!" Sabi ng isang babae sa likod namin.

Napa-tingin ako sa likod at nakita ko nalang na sinasabunutan na nung babae si Jane.

"A-araaay! Clarizze nasasaktan ako!" Nagulat ako nang si Clarizze pala ang sumasabunot ka Jane!

Sinubukan kong tanggalin ang kamay ni Clarizze sa buhok ni Jane, ang dami nang naka-tingin saamin.

"Clarizze tama na!" Sabi ko habang pinipigilan si Clarizze.

Sasampalin na sana ni Clarizze si Jane dahil tumayo ito, pero sakto akong pumagitna sa dalawa.

PAK!

"OH MY GOD! I'm sorry Ven, hindi ko sinasadya! Ito kasing linta na ito, kung saan-saan dinadala ang kalandian nya!" Sabi nya at itinuro si Jane.

Dinaluhan ako ni Ej simula nang masampal ako ni Clariz, tumalikod ako saglit dahil may tutulo na luha sa mata ko. Pinunasan ko ito, nakita iyon ni Ej. Sa totoo lang ay napaka-sakit ng sampal ni Clarizze, pero nanahimik nalang ako, hindi nya naman kasi sinasadya iyon.

My little infinityWhere stories live. Discover now