Poison #1

17 2 0
                                    

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa aking pisngi. Sa sobrang lakas niyon ay namanhid ang kanang bahagi ng mukha ko. Ilang segundo pa bago ako makabawi sa sakit.

Apat na babae ang nakapalibot sa akin. I can't fight back! Ano ang laban ko sa apat? This is just not fair!

Hawak ng dalawang babae ang magkabilang kamay ko. Ang dalawang babae pa ay nasa harapan at sinasaktan ako. Nagpupumiglas ako ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Imbis na luwagan ay lalo pa nila iyong hinihigpitan dahilan kung bakit mas lalo akong nasasaktan.

Mahigit trenta minutos na nila akong hawak sa braso. Pinipilit na sabihin kung anong meron sa akin na espesyal. Panay naman ang iling ko at tanggi na wala, walang espesyal sa akin.

"Tell me all that you have that I don't! Tell me!" desperadang sinabi nung nasa harap ko.

"Please, I have nothing! Pakawalan niyo na ako!" humikbi ako.

"Ayaw mong sabihin? O gusto mo pang masaktan?" Tanong nung isang babae na blonde.

Sarkastikong tumawa ang babae, ang mga kasama niya ay ganun din. Ano ba ang gusto nila at ginagawa nila sa akin ito?

Pumikit ako ng naramdamang mas lalo nilang hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Anong meron sayo at gustong gusto ka ni Kevin? I'm more prettier than you! You don't deserve him!" madramang sigaw nung mahaba at itim ang buhok na mukhang lider nila.

I knew it! Ginagawa nila ito sa akin dahil kay Kevin.

Maraming may ayaw at may galit sa akin dito sa aming eskwelahan kahit na wala naman akong ginagawa sa kanilang masama. Nagsimula lahat ng ito nang magsimulang manligaw sa akin si Kevin. And now that he's my boyfriend, mas lalong lumala ang mga nangyayari sa akin. Dati ay mga masasakit lamang na salita ang natatanggap ko, ngayon ay sinasaktan na nila ako ng physical!

Kevin Joshua Ferrer has a dark and attractive eyes, perfect narrowed nose, red kissable lips and a chiseled jawline. Halos magmakaawa ang mga babae para lamang pansinin sila nito. Kahit ni isang tingin niya lang ay halos mangisay na sa kilig ang mga babae. Paano pa kaya pag hinawakan kana niya?

When you look at him, it's so hard to look away. Yung tipong pag nawala siya sa paningin mo hahanap hanapin mo siya. He's like Channing Tatum!

"Then who deserved him? Ikaw?"

Sabay sabay silang lumingon sa nagsalita. Kahit na hinang hina na ako ay nagawa ko ring lumingon sa kinaroroonan nung nagsalita.

Napasinghap ang mga babaeng nakahawak sa braso ko at agad binitawan iyon. Halos mapaupo ako sa ginawa nila. Ang braso kong pulang pula at may bakat na tulis ng kuko nila ay sobrang hapdi. Hindi ko alam kung dahil sa pagkakahawak sa akin o dahil sa mga kalmot na binigay nila.

Ang mga matalim na mata ni Luke ay nasa akin na. Tinignan niya ang buong katawan ko. Matapos niya akong gawaran ng tingin sa katawan ay tumingin siya sa mukha ko. He's looking at me with fuming and dark eyes.

Please, help me...

Tila parang nabasa niya ang mga sinasabi ng mga mata ko. Lumapit siya sa akin. Ang mga babaeng nakapalibot sa akin ay parang natatakot na tumabi.

Unang hinawakan ni Luke ang braso ko at tinignan ang pasa at mga kalmot doon. He clenched his jaw. Pinasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko.

Akmang hahawakan niya ang pisngi ko nang mabilis ko iyong iniwas sakanya. Ngunit sadyang matigas siya kaya sinubukan niya ulit iyong hawakan. Dahan dahan niyang hinawakan ulit iyon nang may naramdaman akong sakit. Pumikit ako sa sakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alluring PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon