Testing lang, sinubukan ko lang magsulat maybe I was inspired. Hehe! Sana magustuhan niyo.
“Nakaka-emo naman ‘tong kantang toh..”
“Bakit ano ba yang pinakikinggan mo Bru?”
“Di lang ikaw. Yung kanta ni Juris. Nakakarelate kasi ako eh. Hmm!”
Magkasama na kami kanina sa school pero magkatawagan pa kami pag-uwi. Ganyan ang bonding naming mag-bestfriend. Ako pala si Iyah. 4th year Highschool at malapit nang grumaduate. Hindi ako masaya dahil magkakahiwalay na kami ng bestfriend kong si Pen. Tinuring ko na kasi siyang Ate eh. Araw-araw kaming magkasama. Magkadikit na nga daw ang mga bituka naming dalawa. At sa kanya ako humihingi ng advice tuwing may problema ako.
Isang araw, as usual magkasama na naman kaming dalawa. Nagkwento ako sa kanya. Syempre, tungkol na naman toh sa walang katapusang away naming ng boyfriend ko. Si Jarence. 1st year college na siya at nakilala ko sa isang organization. Almost 6months na din kaming mag-on.
“Bru, T.T”
“Oh bakit malungkot ka na naman? Nag-away na naman kayo noh.”
“Oo, kasi ewan ko ba. Hindi ko maiwasang magselos sa ex niya eh.”
“Eh sino ba naman ang hindi magseselos dun?! Kahit ako eh magseselos din. Napaka-landi nung babaeng yun! Nako! Kung ako sayo, wag mo nang isipin yan..”
“Panu? Eh mahal ko siya. Pero …”
“Pero ano??”
“Ayoko na. Pagod na ko eh. Wasted mga effort ko sa kanya. Laging ako na lang yung mali. Gusto ko nang makipag-hiwalay.”
“Ah eh? Kung sigurado ka na dyan sa desisyon mo susuportahan kita. Ayoko na din na nakikita kang ganyan.”
Makalipas ang ilang buwan, nakipaghiwalay na ko kay Jarence. Sabi nila kung mahal mo talaga, titiisin mo lahat. Hellol! Hindi ako robot para hindi masaktan noh. Tsaka sabi sakin ng Mama ko madami pa daw akong makikilala pagpasok ko sa college..
At dumating na nga ang araw na pinaka-hihintay ko..
“Yes!!! College na ko. At first day of school na namin ngayon. Matawagan nga si Bru kung ready na siya para sabay na kaming papasok.”
“Bru! Ano, nakabihis ka na ba? Tara, pasok na tayo. Dalian mo!”
“Teh, di ka naman excited noh? Anung oras palang 10am pa ang pasok natin. Wet ka lang ha. Dadaanan na lang kita dyan sa inyo. Okay powzzz?!”
Akala ko nun hindi na kami magkakasama ni Pen. Pero dahil magkadikit na nga daw ang aming bituka magkaklase pa din kami pagdating ng college..
“Bru apat na taon na dagdag na naman.”
“Dagdag san?”
“Sa tagal ng pagsasamahan natin. Hindi k aba masaya?”
“Arte mo ha! Masaya syempre. At mas masaya ako dahil single ka na at di mo na kailangan mag-emote pa dahil lang dun sa walang kwenta mong boyfriend!”
“Sira ka talaga! Wala na yun. Moved on na ko sa kanya.”
“Panu pagmay nakilala ka dito sa school natin? Tapos ligawan ka niya tapos maging kayo. Ayiiie! Kinikilig ako. Ahahaha!”
“Author? At may sequence ka nan g mangyayare?”
Tumatak sa isip ko yung sinabi ni Pen. Nako! Ayokong magsalita ng tapos pero ayoko muna magka-boyfriend. Traumatic kaya para sakin yung relasyon namin ni Jarence. Ayokong masaktan na naman.
“Hmm? Ilang buwan na din naman ang nakalipas. Tsaka wala namang masama kung ma-in love ulit ako. Nako! Puro love love! Makapag-aral na nga muna. May klase pa pala kami, asan na ba si Pen?!”