YIIM 15

15 1 0
                                    

Third Person's POV

Today is the first T.V. guesting ng mga BTS at syempre opening prod sila saan pa ba kundi sa SHOWTIME! Kasama din nila si Cole pero hindi ito mag peperform. Hindi padin kasi nila irereveal ang pagiging bihasa nila sa English.

"Ready guys?" Tanung ni Cole sakanila. Nag cheer naman ang mga binata katulad ng ginagawa nila kada performance.

The guys are dressed up for their performance but Cole is just wearing her casual clothes. But even though she is wearing the most plain clothes on earth, she is still a head turner.

May kumatok sa pinto. Napalingon ang magkakaibigan sa lalaking may dalang isang bungkos ng bulaklak.

"Special delivery for miss Nicole."Sabi ng binata at nireveal ang kanyang mukha.

"OMG!!! James!!!hi!!" Sabi ni Cole. At sinalubong ng yakap ang kaibigang bagong dating.

Halatang wala sa mood si Jungkook habang nag rerehearsal sila. Magmula ng dumating ang kaibigan ni Cole na si James ay nagbago na ang mood nito. Naiinis siya pag nakikita niyang nakangiti si Cole habang kausap si James, pag tumatawa ito sa mga hirit ng binata.

"Wag ka masyado tumitig napaghahalata ka niyan eh. " Sinabi ni namjoon tsaka lang napansin ni Jungkook na kanina pa siya tinatawanan ng kanyang mga hyung. Lalo na ni Jimin.

Bumalik na sila sakanilang make up room. Tsaka dumating si Cole ngunit di na nito kasama si James. Kahit papano ay nabawasan ang pagka inis ni Jungkook ngunit di padin ito tuluyang nawawala dahil nakita niyang dala ni Cole ang bulaklak na bigay ni James.

Napansin naman ni Cole na parang iba ang dating ni Jungkook. Nilapitan nito ang binata.

"Hey, everything okay? Are you feeling okay?"


Tango lang ang sinagot ng binata. Na halata namang hindi ikinakumbinsi ni Cole.

Di na nakapag salita ulit si Cole dahil dumating na ang mga host ng showtime. Isa isang pinakilala ni Cole ang mga binata sa mga host. Tuwang tuwa namang si Ryan Bang sa pakikipag usap sakanila.

" Cole mag ayos ka din ha!" Sabi ni vice ganda.


" ha? Bakit pa? Di naman ako kasama mamaya no. Audience lang ako."

 
" sigurado ka?" Mapahiwatig na tanong ni vhong.

Nag make face nalang si Cole at sinimulan ng mag ayos sa pwestong tabi ni Jungkook.

Nag ayos ito habang nakikinig sa music, inalok namang ni Cole ang isang earpiece kay Jungkook na kinuha ng binata.

Tahimik lang ang dalawa. Hanggat sa nagsalita si Jungkook.

" matagal na ba kayong magkaibigan ni James?"


"Hmm.. Mejo matagal nadin naman. Halos kasabay ko siya nag start sa show business. Kaya siya yung kabatch ko sa mga workshops. Why?"


"Wala naman. Parang close talaga kayo no. May pabulaklak pa siya. "


" oh that's not from him. Bigay yung ng girlfriend niya. Naging super close din kasi kami nung girlfriend niya ngayon."

Di mapigilan ang ngiti ni Jungkook sa narinig. Bigla nalang nagtawanan ang mga hyung niya sa nalaman.

"What's funny guys?" Confused na tanung ni Cole.

Sasagot sana si Jimin pero mabilis na natakpan ni Jungkook ang bibig nito.

Hinawakan ni Taehyung at J-hope si Jungkook.

Your Idol is mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon